Maja Salvador reconciles with manager Chit Ramos


"Nanay ko na si Tita Chit. Walang nagbago sa relasyon namin, para sa akin.... Siya yung isa sa mga dahilan kung nasaan ako ngayon. Siya angnagbukas ng pinto para sa akin," says Maja Salvador about her manager Chit Ramos.


Maluwag na ang dibdib ni Maja Salvador nang makaharap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Banana Peel sa TriNomalast Saturday. Nagkaayos na kasi sila ng kanyang manager na si Chit Ramossa burol ng ina ng huli na si Mrs. Amparo Ramos.


"Okay naman," sagot ni Maja nang tanungin namin siya tungkol sa status ngrelasyon nila ng kanyang manager.


"Bigla na lang po kami nagkabati. Pero syempre po hindi ko naman inisip na,‘Ay, pupunta ako ng burol para magkabati kami.' Wala naman pong ganun. Syemprepumunta po ako roon dahil na rin sa respeto ko po kay Mamang [ina ni Tita Chitna si Mrs. Amparo Ramos]. Kasi po noon, tuwing pumupunta ako sa bahay ni TitaChit, pinupuntahan ko rin po si Mamang sa kuwarto. So, kahit papa'no pona-attach na rin po ako kay Mamang. Saka hindi rin naman po siyempre maganda nadoon sa burol ko kakausapin si Tita Chit tungkol sa nangyayari sa amin.Siyempre po, respeto rin."


Hinalikan at niyakap daw agad ni Maja ang kanyang manager that night.


"'Tapos nung libing, may mga flowers na dala si Tita Chit. Binigyan niya ako ngflower, yung ibibigay po kay Mamang. After ng libing may konting salu-salo sa isang restaurant. Tinapos ko po yun.


TAKING IT SLOW. "Yung pag-uusap po namin ni Tita Chit, ayaw naman naming biglain. ‘Tsaka ayokorin po siyang biglain na, hindi naman porke't pinakita ko sa ‘yo na okeyna tayo... Gusto ko po hinay-hinay pa rin. Pero nandun na rin yung may text ngkonti."


"Okey na rin kami nung family niya. Yung mga anak niya, nagte-text na kami,"dagdag pa ni Maja.


Paano niya ide-describe ang relasyon niya ngayon sa kanyang manager?


"Uhm, nag-uumpisa ulit. Inaalis muna lahat ng sakit na pinagdaanan namin. Peroayoko lang din po syang biglain. Ayoko po na hindi porke't naging okey kami salibing, pipilitin, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Pero totoo ba na isa sa mga dahilan ng gap nila ni Tita Chit ay dahil sapagiging pasaway na talent niya?


"Actually, hindi po namin alam na dalawa...parang bigla na lang lumaki nanglumaki. Ang daming lumabas na hindi naman kasali. Syempre, showbiz po, merongnaglabasang sabi ni ganito, sabi ni ganyan. Parang hindi naman malaki yung isyunamin ‘tapos biglang lumaki ng hindi namin alam."


MALDITA? May version pang binastos daw niya ang sarili niyang ina.


"Naku, hindi po totoo yun! Actually, hindi po yun ang isyu. Hindi naman totooyun.


"Diyos ko! Baka mamaya wala nang dumating sa aking blessings kapag wala akongrespeto sa nanay ko. ‘Tsaka isa pa po, syempre kapag wala akong respeto sananay ko, di dapat pati sa ibang tao wala akong respeto.


"Actually, lahat po ng tao na nakakasama ko, wala naman akong naririnig namaldita ako. At sana nakuwento rin ng mga staff kung masama talaga ang ugaliko."


So, tama kayang ipagpalagay na pera ang dahilan ng gap nila?


"Hindi, hindi naman. Siguro...ano ba?" Tila hinahalukay ni Maja sa utakang mga salitang tama.


"Yung sa kontrata lang. Yung sa pagtatanong ko ng kontrata. So, lumaki na langnang lumaki."


GRATITUDE. May nabago ba sa pagtingin niya sa kanyang manager?


"Nanay ko na si Tita Chit. Walang nagbago sa relasyon namin para sa akin. Kahitna may mga lumabas na, ‘O, sabi raw ng manager mo, ganyan.' Pero sa akin, kahitna totoo yung mga sinulat ng iba na sinabi niya raw tungkol sa akin, tatanggapin kopa rin siya kasi siya naman talaga ang nagbigay sa akin lahat, e. Siya angnag-umpisa. Siya yung isa sa mga dahilan kung nasaan ako ngayon. Siya angnagbukas ng pinto para sa akin."


Sa pagkakaalam ni Maja, sa August next year, bago siya mag-20 years old, matatapos ang kontrata niya sa kanyang manager.


"Ayokong madaliin si Tita Chit kasi hindi pa finish ang kontrata ko po.Siya pa rin ang manager ko. At kahit hindi na raw siya ang manager ko, para saakin siya pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kung ayaw na siyang i-manage ni Chit?


"Respect na lang po kung yun ang decision niya. Pero sabi ko nga po kayTita Chit noon, kahit tapos na yung kontrata o ayaw niya sa akin, nandito parin ako para sa kanya. Parang ipagpipilitan ko pa rin ang sarili ko sa kanyakahit wala na akong kontrata sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN