Sid Lucero injures legs in "Kung Fu Kids" fight scene

Award-winning actor Sid Lucero gets injured in a fight scene as kung fu master Krung Krung in ABS-CBN's Kung Fu Kids. Professional actor that he is, Sid went back instantly to work after receiving treatment.


Hindi maiiwasan sa mga eksenang maaaksyon na may mangyayaritalagang aksidente. Lalo na kung ang ang gumaganap ay yung tipong ayawmagpagamit ng stunt double.

Kagaya na lang nitong si Sid Lucero. Mahusay na aktor atkilala ng mga nakakatrabaho niya na super seryoso sa kanyang trabaho, kayahindi ito pumapayag na magpagamit ng stunt doubles sa kanyang maaaksyongeksena.

Pero kapalit ng dedikasyon niyang ito ay ang mapahamak saisang eksena nila sa taping ng Kung Fu Kids sa Mount Banahaw kamakailanlang.

Nangyari ang aksidente sa fight scene ni Sid sa mga ninja nakalaban niya. Ginaganapan ni Sid ang papel na Krung Krung, ang misteryosong kung fu master ng Kung Fu Kids.

Ayon sa mga nanonood ng taping ng top-rating ABS-CBN primetimeshow, nasa maling posisyon ang mga binti ni Sid habang nasa kainitan ng eksenaniya with the ninjas. Aksidente tuloy na nabagsakan ng isa sa mga stuntmen nagumaganap na ninjas ang mga binti ni Sid.

Isinugod agad sa pinakamalapit na ospital sa lugar si Sid atnilapatan ng lunas. Nagpapagaling ngayon ang aktor habang nakasuot sa kanya angleg immmobiliser na inilagay ng mga gumamot sa kanya. Naka-schedule na ringmag-undergo ng MRI (magnetic resonance imaging, isang medical procedure nahawig sa X-ray at CAT scan) para malaman kung ano na ang tunay na kondisyon ngkanyang mga binti.

Ayon sa isang staff member ng Kung Fu Kids, veryprofessional si Sid at gusto na agad bumalik sa pagtatrabaho sa show, pero hindina nga lang muna masusunod yung gusto niyang hindi magpagamit ng stunt doublessa kanyang action scenes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN