Luis Manzano says mom Vilma Santos will bring back glory days of Lipa City

Apr 22, 2016
<p>Luis Manzano's message to voters in Lipa, Batangas: "Ibalik ang dating maunlad at masiglang Lipa, no other choice, 'wag magpapadala sa nag-aabot ng pera para sa boto niyo."</p>

Nagbigay ng babala si Luis Manzano laban sa diumano’y vote-buying na naglipana sa Lipa City, Batangas.

Kasabay nito ay inihayag ng Kapamilya TV host-actor na buo ang kanyang suporta sa kandidatura ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto bilang kongresista sa Lipa City.  

Ayon pa kay Luis, naniniwala siyang manunumbalik umano ang pagiging “maunlad” at “masigla” sa bayan ng Lipa sakaling mahalal bilang alkalde si Vilma.

Sabi ni Luis sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, April 22: “Vilma Santos-Recto is definitely our Congresswoman for Lipa, Batangas this coming elections! :)

“Ibalik ang dating maunlad at masiglang Lipa, no other choice, ‘wag magpapadala sa nag-aabot ng pera para sa boto niyo ;) #besmartlipeno #provenservice #provenintegrity #tunaynanaglilingkod”

Base sa comments section ng naturang post, may isang netizen ang nagkomento na nais sana niyang iboto si Vilma bilang kongresista kung maaayos daw ang traffic sa lugar.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Luis: “Kaninong kasalanan ano nangyayari sa Lipa? Sino ba naka upo? ;)”

Makakalaban ni Vilma bilang kongresista si Bernadette Sabili, ang misis ng incumbent mayor ng Lipa City na si Meynardo Sabili.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Luis Manzano's message to voters in Lipa, Batangas: "Ibalik ang dating maunlad at masiglang Lipa, no other choice, 'wag magpapadala sa nag-aabot ng pera para sa boto niyo."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results