Dina Bonnevie clarifies report that she supposedly doesn't like Kristine for son Oyo

Actress Dina Bonnevie (main photo) clarifies that she neversaid she did not like Kristine Hermosa (inset, bottom) for her son Oyo Sotto (inset, top). She explains, "I said, ‘Oyo and Kristine,huwag na lang, ayaw kong mag-comment.' I meant, ayaw kong mag-comment becausepalagi akong nami-misquote."


Dismayado ang seasoned actress na si Dina Bonnevie nang makausapsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang anak na si Oyo Sotto at sa napapabalitangapple of the eye nito ngayon na si Kristine Hermosa.

Matatandaang sa isang TV interview kay Dina, sinabi ng aktres, ‘Oyo and Kristine,huwag na lang.' Sa video, tila maypakahulugan ito ng hindi pagboto ni Dina kay Kristine bilang girlfriend ng anakniyang si Oyo.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ni Dina sa pressconference ng Babangon Ako't Dudurugin Kita kagabi, March 12, sa OasisManila sa Aurora Blvd., Quezon City.

"In-edit nila yun in such a way na, ‘Oyo and Kristine, huwagna lang,'" paliwanag ng aktres. "Isaid, ‘Oyo and Kristine, huwag na lang, ayaw kong mag-comment.' I meant, ayawkong mag-comment because palagi akong nami-misquote. Yun na nga ang ikinatatakot ko, e, they'll interview me 'tapospuputulin nila, ie-edit nila. "

Dahil dito, pati ang anak na babae ni Dina na si Danicaay hindi napigilang magsalita sa kanya. Kuwento ni Ms. D (tanyag na tawag kay Dina sa showbiz), "Alam moba, nagalit sa akin si Danica? Sabi banaman, ‘Mommy, ang sama mo naman. Huwag na lang?' 'No! Sabi ko, ‘Oyo and Kristine, huwag nalang.' Gumanun ako [umiling]. I meant,huwag na lang, huwag mo na akong tanungin."

Sumunod nito, patuloy na nagpaliwag si Dina tungkol sakanyang nasabi sa TV interview. Aniya,"Ayaw kong mag-comment kasi, like before, nag-comment ako about Angel [Locsin],nag-away kami ni Oyo. Nag-comment akoabout Anne [Curtis], nag-away kami ni Oyo. Hindiko inaaway ang mga girlfriend ni Oyo. Never akong nakikialam dahil hindi ako ‘stage mother.'

"Nakikialam lang ako kung makakasama. Pero ang tinanong ko lang, ‘Oyo, kung mayasawa 'yan, huwag mong pasukin 'yan, anak. Huwag kang makialam sa buhay nilang mag-asawa.'

"‘Mommy,' sabi niya [Oyo], ‘hindi ako nakikialam sa buhaynilang mag-asawa dahil, unang-una, hindi naman na sila mag-asawa. Yun ang sinabi sa akin ni Tin [Kristine]. Pangalawa, hindi naman kami.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, I asked Tin myself, sabi niya, ‘Hindi po, Tita, walapo kayong kailangang ipagalala.'"

NO ROMANTIC RELATIONSHIP. Bilang ina ni Oyo, pinatunayan ni Dina na walang romanticrelationship sa pagitan ng kanyang anak at ni Kristine.

Ayon na rin sa kanyang pagtatanong sa mismong binatang anak,"Hindi daw sila, magkaibigan lang daw sila. Then I asked Oyo again, sabi ko, ‘Kayo ba ni Kristine?' Sabi niya magkaibigan lang daw sila."

Para kay Dina, hindi naman daw siya talaga nakikialam sa mgapakikipagrelasyon ng kanyang mga anak. Ang tanging concern lamang daw ni Dina ay baka masaktan ang kanyang anak, dahil nga noon ay kasal pa si Kristine kay Diether Ocampo.

Paliwanag ni Dina, "Sa akin, kaya lang ako nagtanong wasbecause I thought she was still married to Diether. But nung sinabi niya [Kristine] na hindinaman daw sila kasal na.

"Hindi naman ako nakikialam sa buhaynila, e. Sa akin kasi, ang concern kolang is kung mayroon pa silang relasyon ni Diether, ayaw kong manghihimasok siOyo sa buhay nila. Kung wala namansilang relasyon ni Diether and open naman si Diether na wala na sila,nag-iibigan silang dalawa [Oyo at Kristine], e, di okay.

"Pero sabi nga ni Oyo, ‘Hindi kami, Mommy. Magkaibigan lang talaga kami.' Then, I askedDanica. Sabi ko,baka 'yang kapatid mo baka hindi lang umaamin 'yang bruhong 'yan, ha? Ano ba talaga? [Sabi ni Danica], ‘Mommy,talagang magkaibigan lang 'yan. Galingnga sila sa bahay ko, e, noong anniversary namin.' And Kristine nga daw was saying na, ‘We're just friends.'"

UNCONDITIONAL LOVE. Sa kabila ng pagiging magkaibigan lang, naniniwala naman si Dina sanasabi ni Oyo sa isang interview na "unconditional love" ang kanyangnararamdaman para kay Kristine.

"But it's true naman, e, sinabi sa akin ni Oyo," sambit niDina.

Dahil dito, pinaalalahan niya ang kanyang anak. Sabi niya, "Alam mo, sabi ko, 'Oyo, baka masaktan ka mamaya, you know, kahithindi na sila. What if she [Kristine]decides to go back to him?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, sinabi naman ni Kristine na, ‘I'm not ready to be in arelationship because I'm still healing my wounds.' Ang sabi ko, ‘It takes timeto heal yourself.' Kasi kawawa namanyung guy kung magiging rebound. Sabiko, ‘Oyo, baka masaktan ka. Baka umaasa ka diyan 'tapos, di ba, hindi namanpala magiging kayo?'"

Sumagot naman daw si Oyo na hindi ito dapat ipagalala atipinaliwanag na wala naman silang relasyon talaga ni Kristine.

Patuloy ni Dina, "'Tapos sabi niya [Oyo], ‘Mommy, angkulit mo, hindi ko naman siya nililigawan. Magkaibigan lang kami.' Sabi niya,‘Mommy, she's a very nice woman. Talagang saludo ako sa kanya. Napakabait niyang babae, napakaganda, masarap magluto, malinis, malinissa katawan kahit na walang makeup, pati budhi at puso malinis.'"

Patuloy pa raw ni Oyo, "‘Ma, you know, I'm just willing tolove her unconditionally. Kahit nahindi maging kami, kahit na... Kasi hindi ko naman siya talaga nililigawan,e. I just keep her company.' And maybeshe keeps his company, too, dahil Oyo is also nursing his broken heart, diba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN