Paolo Rivero does "mouth-to-mouth" scene with Jiro Manio

"Okey lang ang mouth-to-mouth na lalaki sa lalaki, kasi nangyayari namanyan kung may nalulunod talaga. Even lifesavers, they come to the rescue kahitbabae, lalaki o bakla pa ang nalulunod, e. Buhay ang dapat mong sagipin, 'diba?" Paolo Rivero says about a scene with co-star Jiro Manio in the movie Manay Po 2 Overload.



Nagnenegosyo na lang si Paolo Rivero sa Bacolod nangmagkaroon ng ilang tempting offers para balikan niya ang pag-aartista. Inaminniya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nami-miss na niya ang laranganng pagganap, at sa palagay niya'y mayunfinished business pa siya rito.

"Dumating yung Daybreak, 'tapos, yung Manay Po 2Overload, na sa tingin ko, projects na kahit paano'y makaka-create ngingay, kaya tinanggap ko. Besides, magaganda yung roles na hindi na nakakahiyafor a comeback," pagtatapat ni Paolo.

CALL CENTER AGENT. Bago pa ito, ibang buhay ang itinakbo sa araw-araw nitong si Paolo. Nag-callcenter agent siya.

"Ito ang more stable job ko sa ngayon," aniya. "Ito talaga angbumubuhay sa akin. Lumalabas ngang sideline ko na lang ang pag-aartista, peromay gusto pa rin kasi akong gawin as an actor, naroroon pa rin yung passion.

"Kaya kahit maganda na rin ang posisyon ko sa kumpanya, napagpursigihan kona maging flexible ang time ko, kaya napapagbigyan ko ang paglabas sa pelikulaat TV," dugtong pa ni Paolo.

Managerial job ang hawak ni Paolo sa isang leading call center, na ayawnang ipamalita pa ng aktor kung anong kumpanya ito. Pinagsikapan niya angposisyong ito nang sa gayon ay hindi siya nakatali sa work shifts.

"Ilang buwan lang, nakuha ko na ang posisyon. Hindi nga ako nagdaan sapagiging team leader," sabi pa niya.

SAVING A LIFE ONSCREEN. Aksidente pa nga ang pagkakakuha niya ng role sa Manay Po 2, bilangswimming instructor at teacher na pag-iinteresan ng karakter ni Jiro Manio.

"Nag-back out kasi si Dion Ignacio," sabi ni Paolo. "Sa kanyatalaga yung role, pero for whatever reason, hindi siya pumuwede. Wala namanakong nakitang hindi maganda sa role, kaya okey lang. Tinanggap ko."

Ang medyo magiging kontrobersiyal na eksena nina Paolo at Jiro rito ay yungmouth-to-mouth resuscitation.

"Malulunod kunwari si Jiro sa isang eksena, sasagipin ko siya, being hisinstructor. 'Tapos, ima-mouth-to-mouth ko siya," kaswal na sabi niPaolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang ang mouth-to-mouth na lalaki sa lalaki, kasi, nangyayari namanyan kung may nalulunod talaga. Even lifesavers, they come to the rescue kahitbabae, lalaki o bakla pa ang nalulunod, e. Buhay ang dapat mong sagipin, 'diba?

"So, naiintindihan ko ang role. Walang problema.

"Ang napansin ko lang, parang nanibago si Jiro. Medyo natulalapagkatapos," natatawang kuwento ni Paolo.

SURVIVING OUTSIDE SHOWBIZ. Hindi na full-time actor si Paolo at dapat ay ganito ang gawing diskarteng ibang parang nakapako na lang sa pag-aartista ang takbo ng utak.

"Kailangang umisip ka ng paraan para maka-survive," sabi pa ni Paolo."Mahirap din ang trabaho ko sa call center. Ako ang titingin sa lahat,lalo na kung on duty ako.

"Hindi madali ang pag-asenso sa call center. Ang advantage ko lang kasi,may leadership training ako. Then, may experience ako sa pagpapatakbo ng hotel
namin sa Bataan noon. Nagamit ko yung napag-aralan ko roon."

Si Noel Ferrer ang tumatayong manager ni Paolo sa ngayon, at habang may freetime siya, naisisingit pa ang pailan-ilang araw na shooting o taping.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN