Paolo Contis plays his worst kontrabida role in "Babangon Ako't Dudurugin Kita"

"Grabe ang pagkakontrabida ko rito, patay ako nang patay. Ang hilig kong pumatay! The worst! Rapist, I kill people, and I kill people in public," says Paolo Contis about his role in Babangon Ako't Dudurugin Kita.



Malapit na raw matapos ang bahay na ipinapagawa ni Paolo Contis, halos furnishing na lang ang kailangan. Pero magkaganuman, pinabulaanan ng isa sa mga kontrabida sa bagong series ng GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, ang haka-haka na kapag natapos ang bahay ay papakasalan na niya ang girlfriend na si Isabel Oli para roon na sila manirahan.



"Hindi pa," paglilinaw ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Siyempre, darating tayo ro'n, kapag ready na ang lahat. Pero siyempre, sana...siya na nga," pag-asam pa ni Paolo tungkol sa pagpapakasal with Isabel. "Hindi ko naman masasabi dahil malay ko ba kung ano ang puwedeng mangyari. Pero, oo naman, siyempre. Alangan namang sabihin kong hindi, eh, girlfriend ko siya ngayon."

INDEPENDENT ISABEL. Kung may mga intriga man tungkol sa relationship nila, mas nalalamangan ito ng kagustuhan nilang maging pribado ito. Kaya masasabing isa sa mga matibay na relationship sa showbiz ay yung sa kanila.

Ano ba ang qualities ni Isabel na nagugustuhan niya?



"She's very family-oriented. I mean, ang ganda ng foundation niya, e. Siguro, ang ganda rin na hindi siya artista nung ipinanganak siya. Hindi siya showbiz. Meron siyang sense of education. Meron siyang sense of self-fulfillment. Hindi yung aasa lang sa lalaki. She has her own life. Hindi siya yung umaasa lang sa akin."

Ayon kay Paolo, alam naman ng girlfriend na he's just there for her, especially yung problema nito sa ama who is suffering from Parkinson's disease.

"Wala naman akong puwedeng gawing support, e. I'm just here. Now naman, her dad is okay, hindi naman lumalala. Pero siyempre, nandoon na yun, so, we just have to pray for him. So, hanggang doon lang," may lungkot sa tinig ni Paolo.

THE BADDEST. Among the young actors in GMA-7, isa si Paolo sa mga hindi nababakante sa mga proyekto. Alam kasi nilang maaasahan sa pagganap ng mga matitinding roles si Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you," sambit muna ni Paolo about the compliment. "Ginagawa ko lang kung ano ang trabaho ko. I'm very thankful lang dahil sinusuklian nila ang pagiging professional ko with loyalty. Loyal ako sa kanila at loyal sila sa akin. Binibigyan nila ako ng trabaho.

"Kasi, sa industry natin, walang phase para yumabang ka na, e. Konting yabang mo, tatanggalin ka na. ‘Tapos, magmamakaawa ka na magkatrabaho. Natutuhan ko dati yun, so ngayon, bakit pa,‘di ba? Suwerte nga ako dahil blessed ako at meron akong trabaho."

Kung sa dati niyang series ay medyo lang ang pagiging kontrabida niya, ngayon sa Babangon Ako ay "lumala" ang pagiging kontrabida niya.

"Lumala nga. Sana sa susunod, medyo bumait-bait naman," natatawang sambit ni Paolo. "Grabe ang pagkakontrabida ko rito, patay ako nang patay. Ang hilig kong pumatay! The worst, the baddest! Rapist, I kill people, and I kill people in public. Parang ako yung kanang kamay ng kapatid ko, si Jango [TonTon Gutierrez]. Ako yung trigger happy."

Wala raw siyang sine-set na limitation sa pagtanggap ng kontrabida roles, kumpara sa ibang artista.

"It's how you do it, eh. Puwede mo namang gawin yung way na maganda. Na wala kang ipapakita na ano...na hindi masyadong baboy."

When asked kung hindi ba niya nadadala ang character kahit wala na sa set, nagbiro si Paolo na kawawa nga raw ang dog niya dahil nare-rape na niya. Pero aniya, "Ako kasi sa set, ‘pag action saka lang ako nagiging masama. ‘Pag cut, patawa na ko nang patawa. Masaya na ko ulit.

"In public, I'm known na tahimik lang. Hindi ako komedyante sa publiko, e. Para kahit paano, makikita rin nila na inaalagaan ko rin yung image ko. Na, ‘Uy, medyo intimidating pala talaga siya.' Pero siyempre, kapag kinausap naman ako, hindi ko naman sasampalin, hindi ko naman babarahin," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING SEXY. Since marami na sa mga Kapuso stars ang tumatahak sa linya ng pagpapa-sexy, tulad nina Dingdong Dantes at ng all-male group na Studs, tinanong na rin ng PEP kung doon na rin ba siya papunta.

"Maghintay lang sila, darating tayo diyan," paniniyak ni Paolo. "Well, tingnan natin kung may darating na hindi naman makakasira [sa image ko]. Na maganda naman."

Nabanggit tuloy ni Paolo na noon pa ma'y merong offers sa kanya to go sexy. Feeling lang niya noon ay hindi lang timing sa nangyayari sa career niya. Mahalaga raw kasi yung proper timing.

"There will come a time. We don't know, maybe this year, next year. We don't know. It will come soon. Siguro una, ayoko lang sumabay. Magkakasapawan lang kami. Masasapawan ako or the other way around.

"Para sa akin kasi, hindi dapat competition. I'll tell them [mga nag-aalok for him to go sexy] when I'm ready."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN