Marco Alcaraz makes peace with ex-girlfriend Isabel Oli

"In the future, we can work together na nang maayos. Mas maganda iyon, kasi ako naman, ayokong may taong ayaw akong katrabaho. It's good na things are okay now. Peace na kaming dalawa sa wakas," says Marco Alcaraz about ex-girlfriend Isabel Oli.


Magkabati na pala si Isabel Oli at ang nabalitang ex-boyfriend niyang si Marco Alcaraz. Sa press conference ng comedy film na Manay Po 2: Overload ng Regal Entertainment ay nagkuwento si Marco kung paano sila nagkaayos ni Isabel after ng ilang years na hindi sila nagkikibuan.

Kuwento nga ni Marco na noong minsa'y magkasabay sila sa isang TV guesting ay sinubukan niyang batiin ito. Natuwa naman si Marco dahil bumati raw pabalik si Isabel at ‘di tulad noon na hindi man lang siya nakikita kapag nagkakasalubong sila.

"That was the first step sa pagbabati naming dalawa," ngiti ni Marco. "Natuwa naman ako talaga kasi ‘di na niya ako dinedma.

"'Tapos noong magsabay naman kami na mag-guest sa SiS, doon nagkausap na kami. As in nagtsikahan kaming dalawa sa loob ng dressing room habang hinihintay kaming tawagin for the taping.

"Nawala na yung pag-iilang namin sa isa't isa. Kumbaga, natapos na ‘yung anumang hindi maganda na namagitan sa amin noon."

Kung matatandaan ay halos sabay pumasok sa showbiz sina Marco at Isabel. Basketball player si Marco ng San Sebastian College samantalang isang print and runway model si Isabel (Olivia Daytia in real life).

Sa ABS-CBN 2 drama na It Might Be You una silang lumabas at nabalitang may relasyon na. Pareho kasi silang taga-Cebu.

Nang tanungin kung ano ba ang naging ugat ng ‘di nila pagkikibuan noon, di na raw matandaan ni Marco.

"Matagal na kasi iyon, eh. Hindi ko na rin matandaan," sabay tawa niya. "Pero ang importante ay okey na kami ni Isabel and we can freely talk now as friends. Kaibigan ko rin naman kasi si Paolo [Contis] kaya mabuti na rin na wala na ‘yung wall between me and Isabel.

"In the future, we can work together na nang maayos. Mas maganda iyon, kasi ako naman, ayokong may taong ayaw akong katrabaho. It's good na things are okay now. Peace na kaming dalawa sa wakas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN