KC Concepcion's sexy pictorial for Bayo has Sharon Cuneta's approval

"If I have a body like that, magpapa-picture talaga ako!" Sharon Cuneta reportedly said to KC Concepcion's (in photo) co-manager Shirley Kwan about KC's sexy pictorial for Bayo.



Si Sharon Cuneta ang unang nakaalam sa pagpapa-sexy ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion for the Bayo summer campaign.

Tunay na kapansin-pansin ang black and white billboard ni KC for Bayo sa kahabaan ng EDSA where she is sexy and relaxing in the sand in her two-piece bathing suit. Hindi lang takaw-pansin, naging takaw-intriga rin ito na nakapagsimula ng tsismis na pinagalitan daw ng Megastar ang kanyang anak for posing in her barest at iniyakan pa nga raw ito ng ina.

"It is not so true," sabi ng kausap naming si Shirley Kwan, isa sa dalawang tumatayong manager ni KC—the other one is Sandra Chavez—in a post-birthday dinner na handa niya for some friends in the press sa isang restaurant sa Tomas Morato, Q.C. noong Tuesday, March 18.

Si KC pa raw ang unang nakabasa ng article at siya rin ang nagpakita nito sa kanyang ina.

"You know that's not true," sabi raw ni Sharon sa kanyang anak.

Later on, nagkausap sina Ms. SK (tawag kay Shirley Kwan) at Sharon about this.

"Ako pa nga ang unang pinakitaan ng picture ni KC," kuwento ng Megastar kay Shirley.

During the pictorial shot in Boracay, nagpadala agad ng dalawang MMS pictures si KC sa ina at gandang-ganda si Sharon sa kanyang anak. Ipinakita ito sa amin ni SK ngunit hindi ito for publication dahil bukod sa personal pictorial ito ni KC on herself, this is for her mother alone at nabigyan lang ng kopya ang kanyang co-manager.

The picture is in glorious color kung kaya't nalaman naming kulay dilaw pala ang suot na two-piece ni KC sa nasabing billboard na black and white nga lumabas.


"If I have a body like that, magpapa-picture talaga ako!" pagmamamalaki pa raw ni Sharon kay Shirley.

"Nasa beach ka, alangan namang magpa-picture ka in jeans?" dagdag pa raw ng Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sharon daw ang unang sinasabihan ni KC ng mga plano niya kung kaya't malayong magulat ang Megastar sa pictorial na ginawa ng anak niya for Bayo, much less maiyak pa ito.

Isa raw sa palaging sinasabi ni KC kay Shirley ng mga do's and don'ts niya ay "If my mama is not happy about it, I will not do it and there's no if's and but's," deklara raw ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN