PBB Teen ex-housemate Mikee Lee shares importance of prayer during Holy Week

"Ang pinaka-practice namin talaga ay 'yong Visita Iglesia, 'yong seven churches na bibisitahin kapag Holy Thursday. ‘Tapos Friday, Saturday, and Sunday ay talagang go to church and pray," says Mikee Lee.



May dugong Chinese ang Pinoy Big Brother Teen Edition ex-housemate na si Mikee Lee. Pero tulad ng karamihan ng Pinoy, naniniwala ang young star sa panahon ng pagngingilin. Kaya lang, napapansin ni Mikee na mas gusto ng mga kabataan ngayon ang magbakasyon at pumunta sa beach.



"I think 'yong reason behind it, gusto natin makapag-escape doon sa ginagalawan nating mundo para lang makapag-concetrate tayo sa dasal natin," pag-aanalisa ni Mikee nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"As for me, for this year, for the Holy Week, siguro I'm gonna stay at home. Besides, it's the best escape kasi sa dami ng ginagawa, minsan kahit sa sarili mong bahay, minsan hindi ka rin nakapagdasal."



Ayon kay Mikee, mula sa Baguio City ang kanyang daddy kaya nakapag-spend na rin sila ng Holy Week sa summer capital of the Philippines, kung saan bumibisita sila sa ilang simbahan at doon na rin sila nagdiriwang ng Easter Sunday.



"Ang pinaka-practice namin talaga ay 'yong Visita Iglesia, 'yong seven churches na bibisitahin kapag Holy Thursday. ‘Tapos Friday, Saturday, and Sunday ay talagang go to church and pray," lahad ng binata.



At 18 years old, at sa labing-walong Semana Santa na dumaan sa buhay nilang mag-anak, wala pa raw silang naranasang hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay.



"Siguro dahil may load down naman talaga ang Holy Week, medyo kulang sa mga important events na matatawag natin. Fortunately, wala pang masamang nangyari.



"Ang pinakamaganda ay 'yong...para sa akin ay 'yong internal event. Siguro isang Holy Week 'yon, siguro sa Baguio 'yon, na-realize ko talaga 'yong worth ni Jesus Christ sa buhay ko. Kasi siguro influence na rin ng media na napapanood ko palagi tungkol sa buhay ni Jesus.



"For one year, I decided to watch na mas seryoso. Kasi, you know, it's really a challenge na magko-concentrate ka talaga sa prayer mo dahil talagang you're showered with so much blessings. Minsan doon na lang umiikot ang buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro for that Holy Week years ago, nawala rin naman kung anu-anong material na bagay. Although they're important, pero mas nakasentro ako, lahat kay Jesus. Kaya lahat ng bagay ay inaalay ko na sa Kanya," pahayag ni Mikee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN