Grace Poe appeals to spare Rosemarie Sonora and Sheryl Cruz from politics

Apr 22, 2016
<p>Sen. Grace Poe on aunt Rosemarie Sonora and cousin Sheryl Cruz: "Isa kaming pamilya, at ang pamilya ay nagmamahalan at may respeto sa isa’t isa. Nagpapasalamat ako kay Tita Rose at kay Sheryl dahil pinahahalagahan pa rin nila ang pamilya. Makakaasa sil

Umapela si Senator Grace Poe sa publiko na huwag nang idamay sa mga usaping may kinalaman sa pulitika ang kanyang tiyahin na si Rosemarie Sonora at ang anak nitong si Sheryl Cruz.

Napabalita kasing magpapatawag diumano ng presscon ang mag-inang Rosemarie at Sheryl, kung saan magsasalita sila laban sa presidential candidacy ni Grace bago maganap ang huling presidential debates na nakatakda sa University of Pangasinan, Dagupan City, sa Linggo, April 24.

Bago pa naglabas ng apela si Poe, pinabulaanan ng magkapatid na Sheryl at Wowie Cruz na magpapatawag ng presscon ang kanilang ina, na nasangkot sa urban legend na anak nila ni deposed president Ferdinand Marcos ang standard bearer ng Partido Galing at Puso.

Sa presscon ng upcoming primetime series na Once Again ng GMA Network kagabi, April 21, hindi napigilan ni Sheryl ang mapaluha sa ambush interview sa kanya ng entertainment press dahil sa awa na nararamdaman para sa nanay niya.

Continue reading below ↓

Read: Sheryl Cruz slams rumors that her mom is in PH to ruin Grace Poe's campaign

Kasunod ng pagtanggi ng magkapatid na Cruz ang pakiusap ni Grace na tantanan na ng publiko ang mag-ina.

Pahayag ng presidential candidate, “Sana po ay mahinto na ang usapan tungkol diyan.

“Wala silang kinalaman sa pulitika, kaya’t huwag na natin silang idamay.

“Isa kaming pamilya, at ang pamilya ay nagmamahalan at may respeto sa isa’t isa.

“Nagpapasalamat ako kay Tita Rose at kay Sheryl dahil pinahahalagahan pa rin nila ang pamilya.

“Makakaasa sila na ganoon din kami.

“Ang kampanya ay hanggang Mayo 7 lang. Ang pamilya ay panghabang-buhay.”

Read Next
Read More Stories About
Grace Poe, Sheryl Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Sen. Grace Poe on aunt Rosemarie Sonora and cousin Sheryl Cruz: "Isa kaming pamilya, at ang pamilya ay nagmamahalan at may respeto sa isa’t isa. Nagpapasalamat ako kay Tita Rose at kay Sheryl dahil pinahahalagahan pa rin nila ang pamilya. Makakaasa sil
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results