Iza Calzado does not feel overexposed by her two TV shows

Kung tatantiyahin mo nga, maraming beses na konti lang ang ginagawa ko sa TV, so I don't think so. Kasi katulad naman dito sa Joaquin Bordado, hindi naman ako ang mismong bida. Sa E.S.P., though," says Iza Calzado about possible overexposure.



With two shows airing at present na siya ang lead female star—Joaquin Bordado and E.S.P.—hindi pa naman candidate for overexposure ang aktres na si Iza Calzado.

"Hindi pa naman siguro siya overexposure kasi matagal din naman akong nabakante sa TV, e. Kung tatantiyahin mo nga, maraming beses na konti lang ang ginagawa ko sa TV, so I don't think so. Kasi katulad naman dito sa Joaquin Bordado, hindi naman ako ang mismong bida. Sa E.S.P., though," paliwanag ni Iza sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May alam na ba siyang iba pang projects na naka-lineup para sa kanya sa GMA 7?

"Hindi ko alam," sagot ni Iza. "Matagal pa kasi ‘tong Bordado, e. Pinag-uusapan pa yung susunod kasi medyo napu-pushback. Pero I can't divulge any information as of now."

How about with GMA Films kung saan exclusive contact star siya?

"Supposed to have kasi naka-sign ako sa GMA Films, di ba? So for now, naglalaro-laro lang ako, hindi ko pa kaya. With ito ngang Bordado at saka ESP, hindi ko pa kaya," sabi ng aktres.

Pero naibalita na rito sa PEP na makakasama si Iza sa pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

PRAISES FOR ROBIN. Sa Joaquin Bordado naman ay alagang-alaga raw si Iza ng kanyang leading man na si Robin Padilla.

"Ang maganda kasi sa kanya, consistent siya sa pagka-sweet," saad ni Iza. "Nakakatuwa lang. Lahat talaga, from the upuan to paglilinis ng kung anu-ano diyan, hanggang ngayon ginagawa niya pa rin. ‘Tapos sa pagkain, sa pinggan, lilinisin ang pinggan, e, hindi ko naman...hindi nga ako naglilinis kasi malinis na naman. Pero siya, kahit malinis na, pupunasan niya ang pinggan mo, pati kutsara't tinidor mo. Yung ganun, little things.

"'Tsaka maasikaso, aalalahanin ka niya talaga. Ang ironic dun is hindi niya inaalala yung sarili niya. That's the funniest thing about it, that he worries so much about his leading ladies... Actually, even other women. Yung yaya ko, bibigay niya yung seat niya for my yaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, that's one thing na natuwa ako. Kasi hindi lang sa akin, pati sa yaya ko. Most people will not do that kasi ang iisipin nila, the yaya is yaya. Basta may babae, na yun nga, nakita niya na walang upuan or whatever, nakita niya, bibigay niya yung upuan niya sa babae.

"'Tapos, it's more of nabibilib ako sa pagkatao niya dahil hindi every day na makaka-meet ka ng ganyang tao, ‘tsaka may control. I mean nobody's perfect, and I'm sure I have my flaws, he has his flaws. Pero in general, he's a great guy and a good actor," papuri ni Iza sa kanyang leading man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN