Multi-awarded director Jeffrey Jeturian to direct gay-themed indie film

Director Jeffrey Jeturian will follow up his highly acclaimed film Kubrador with a gay-themed indie film titled Parangal.



Mula sa hindi mabilang na local and international award-giving bodies and film festivals para sa huli niyang pelikula na Kubrador starring Gina Pareño, may pinaghahandaan na namang bagong obra ang award-winning filmmaker na si Jeffrey Jeturian.



Isang dramatic gay love story ang next project ni Direk Jeffrey titled Parangal, ang third film nito under MLR Films ng producer na si Atty. Josabeth "Joji" Alonso—the first two being Minsan Pa (starring Ara Mina, Jomari Yllana, and Christian Vazquez) noong 2004 at Kubrador nga noong 2006.



Tulad ng Minsan Pa, ang Parangal ay mula sa script ni Armando "Bing" Lao na madalas ka-tandem ni Direk Jeffrey.



Nakakaintriga dahil pagkatapos ng seryosong Kubrador about a jueteng bet collector ay sumabak na rin sa gay-themed film genre si Direk Jeffrey, na nagdidirek din ng Maalaala Mo Kaya episodes sa ABS-CBN.

GAY-THEMED INDIE FILMS. Of late nga kasi'y tila kabute kung magsipagsulputan ang mga indie films na tumatalakay sa gay relationships. Halos lahat ng ito'y tumitipak naman sa takilya considering na low-budgeted ang mga ito at bonus pa sa producer ang kumita ang video sales.



Nandiyan ang Ang Lalake Sa Parola (Harry Laurel at Justin de Leon), Ang Lihim Ni Antonio (Josh Ivan Morales), Sikil (Will Sandejas at Ken Escudero), Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat (Noni Buencamino at Jon Santos), Troika (Andre Soriano at Jamil Basa), Roxxxane (Sheree, Jay Aquitania, at Janvier Dailey), Selda (Emilio Garcia, Sid Lucero, Ara Mina), at Daybreak (Coco Martin at Paolo Rivero).



Puwera pa ito sa mga unang tatlong taon ng indie films sa Pilipinas kung saan hits din ang gay indies gaya ng Mga Pusang Gala ni Direk Ellen Ongkiko, Masahista ni Direk Dante Mendoza, at ang lesbian indie na Rome & Juliet last year directed by Connie Macatuno.



Ayon kay Direk Jeffrey, hindi naman daw sa nakikisabay siya kung anuman ang trend sa ngayon sa independent cinema. Nagkataon lang na ito ang nagustuhan nilang gawin ng scriptwriter na si Bing Lao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasalukuyang ginagawa ng batikang scriptwriter ang script ng Parangal. Hanggang end of April ang target time frame na matapos nito ang materyal, bago ito i-submit kay Direk Jeffrey. Dito pa lang siya magpa-plano ng casting.



"Ang Parangal ay tungkol sa isang middle-aged gay na namatay. Ang kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at lovers ay magkikita sa wake ng namatay na bading. Ang bawa't character ay may kanya-kanyang kuwento tungkol sa namayapang gay, pero ang pinaka-focus ay ang current lover nitong naiwan niya," kuwento ni Direk Jeffrey through text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Yes, it's my first gay film," dugtong ng direktor. "'Yung lover [guy] niya ang bida sa movie. It just so happened that a dear friend of ours [Bing and me] died last year, and Bing was inspired by his story. So, ni-resurrect niya yung isang istorya niya before, na ang set ay sa wake rin ng isang taong namatay."



Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng audition si Direk Jeffrey para sa ilang hunks na maaaring gumanap bilang lover ng namatay na gay at siya ngang magiging bida ng Parangal.



KUBRADOR STILL TRAVELS. Samantala, ang Kubrador ni Direk Jeffrey ay naimbitahan na't nakaikot sa humigit-kumulang na 60 international film fesitvals worldwide. At siyempre pa'y panay ang biyahe ng mahusay na filmmaker all over the globe.



"The latest I have attended was the Regie Black Film Festival in Geneva, Switzerland nito lang February 2008. Then before that, sa the Global Lens Focus Film Festival in New York (USA), with Kubrador as the opening film," kuwento niya sa text.



HUMBLE BEGINNING. Nagsimula si Direk Jeffrey bilang script supervisor ng pelikulang Bituing Walang Ningning ni Sharon Cuneta noong 1985. Sumunod nito ay ang pagiging production designer niya for TV sa Villa Quintana, at sa movies para sa Eskapo at Dahas, both directed by Chito Roño. These all happened in 1995.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bilang isang full-length film director, ang Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde ang nagbigay ng break sa kanya via Sana Pag-Ibig Na (1998) starrring the late Ms. Nida Blanca and Angel Aquino.



Ang mga sumunod pang pelikula ni Direk Jeffrey from Regal ay Pila Balde (1999) starring Ana Capri at Tuhog (2001) nina Ina Raymundo at Klaudia Koronel.



Three years din siyang hindi nag-movies hanggang sa nagbalik siya noong 2004 with two films: Bridal Shower (Seiko Films) starring Dina Bonnevie, Cherry Pie Picache, and Francine Prieto at ang Minsan Pa nina Jomari Yllana at Ara Mina. Balik-Seiko siya noong 2005 with Bikini Open na pinagbidahan nina Cherry Pie, Francine, at Diana Zubiri with Alfred Vargas.

Hanggang sa naka-jackpot na nga si Direk Jeffrey noong 2006 with his critically-acclaimed Kubrador na nagbigay-parangal din for Gina Pareño ng ilang best actress awards.

For Kubrador, nanalo rin si Direk Jeffrey as Best Director sa Golden Screen Awards last year, pati na sa Gawad Urian. After five nominations niya as Best Director sa Urian, sa wakas ay naiuwi niya rin last year (2007) ang pinakamimithing tropeyo mula sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN