Veteran actress Gina Pareno gets another lead role in "Service"

Multi-awarded actress Gina Pareño will topbill the film Service to be directed by Dante Mendoza.



Hindi maitatangging magmula sa pagganap ng mother roles sa pelikula man o telebisyon, nagkaroon ng matinding pagbabago sa image ni Ms. Gina Pareño bilang isang dekalibreng aktres nang lumabas siya sa Kubrador—ang award-winning film ni Jeffrey Jeturian noong 2006—kung saan siya nagwagi ng local at international best actress awards last year.

Patuloy pa rin naman sa pagganap bilang ina ng mga bida sa pelikula si Ms. Gina, tulad ng Sakal Sakali Saklolo as Judy Ann Santos' mom, pero sinasabing pinaka-remarkable ang performance niya bilang solo lead actress sa Kubrador.

Two years later, Gina is back as a lead actress sa isa na namang ipagkakapuring pelikula kasama ang isa pang dekalibreng aktres na si Ms. Jaclyn Jose—ang Service.

Service ang working title ng ginagawang bagong pelikula ni Gina ngayon, na bukod kay Jaclyn ay kasama rin ang nagbabalik-pelikulang si Julio Diaz (although may cameo role ito sa Batanes last year), Dan Alvaro, Kristoffer King, at Coco Martin.

Kung si Jeturian ang nagpabida at nagpa-best actress kay Gina sa Kubrador, isa pang award-winning filmmaker na naman ang hahawak sa aktres sa Service—si Direk Brillante "Dante" Mendoza.

Si Direk Dante ay nakilala sa local film industry for his string of critically acclaimed films tulad ng Masahista (Coco Martin), Kaleldo (Johnny Delgado, Angel Aquino, etc), Foster Child (Cherry Pie Picache), at Tirador (Coco, Jiro Manio, etc) na just last February 2008 lang ay nanalo sa isang international film festival.

Mula pa noong Good Friday, March 21, ay nagsu-shooting na ang grupo nina Direk Dante at Gina ng Service—na maaaring palitan ng Cinema Infierno ang title—sa isang lumang sinehan sa Angeles City, Pampanga.

Ang role ni Gina ay hindi isang matandang babae na nagbibigay-"service" sa mga lalaking nanonood sa sinehan, kundi bilang matriarch o may-ari ng sinehan.

Sa istorya, ang buong pamilya niya ay nakatira mismo sa second floor ng nasabing sinehan. Anak ni Gina sa pelikula sina Dan, Jaclyn, at Coco na may kanya-kanyang trabaho sa sinehan. Projectionist si Kristoffer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang totoo niyan, Jaclyn's role as takilyera should have been Cherry Pie Picache's. Ito ay ayon naman sa kapwa manager nilang si Ed Instrella. Hindi pumuwede ang sked ni Cherry Pie dahil sa regular soap opera niyang tine-tape sa Manila, kaya kailangan siyang palitan ni Jaclyn.

"Direk Dante needs straight shooting days, pero hindi puwede si Pie dahil three times a week ang taping niya," sabi ni Ed sa kanyang text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Si Jane [Jaclyn's nickname] ay nakapag-request sa Prinsesa ng Banyera kaya pinayagan naman siya. Agad silang nag-meet ni Direk Dante."

Malamang na tulad ng ilang past films ni Dante Mendoza, Foster Child at Tirador, ipalalabas muna sa international film festivals ang Service, bago sa Pilipinas.

Sa huling pakikipag-usap namin kay Direk Dante sa CCP sa talent auditions for Cinemalaya 2008, nabanggit nitong personal choice niyang itanghal muna ang mga pelikula niya sa ibang bansa bago dito sa Pilipinas for valid reasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN