Ynna Asistio's first movie project is a Cinemalaya '08 official entry

Ynna Asistio finally has a movie project, the indie film Ang Concerto. She plays sister to Meryll Soriano and Jay Aquitania in this period movie, set in Davao during World War II.


May pelikula na Ynna Asistio, ang dalagita ng former Caloocan mayor na si Boy Asistio at controversial former actress na si Nadia Montenegro.

Isa sa mga bida si Ynna sa ang Ang Concerto, official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2008 na itinatanghal tuwing Hulyo sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Boulevard, Manila.

Nakalabas na rin sa TV shows ng GMA-7 si Ynna, pero ito ang unang full-length movie niya.

Na-excite si Ynna nang malaman mula sa kanyang manager na si Tito Douglas Quijano na may tinanggap na itong movie offer para sa kanya. Kilalang pihikan sa pagtanggap ng movie roles para sa kanyang mga talent ang batikang manager.

Debut film ng direktor na si Paul Morales, Ang Concerto ay tungkol sa relasyon ng mga Pinoy at mga Hapon noong World War II. Ipinapakita rin ang pagtatanghal ng piano concert sa kabundukan ng Davao, noong panahon ng digmaan.

Sa lugar na ito, makikilala ang isang Filipino family at kung papaano sila makikisalamuha sa mga Japanese officers na nagkakampo nearby.

Ayon sa synopsis from the movie's press release: "Based on true stories from the director's family, Ang Concerto celebrates a family whose reverence for life, expressed through their love for music and friendship, can survive even war, and shows how beauty and compassion can grow in even the harshest situations."

Kung hindi nagbago ang casting, ang mahusay na character actress na si Sharmaine Buencamino, asawa ng magaling ding aktor na si Nonie Buencamino, ang gaganap bilang ina ni Ynna, na gumaganap naman bilang bunsong anak sa pamilya.

Kapatid ni Ynna sa pelikula si Jay Aquitania, brother of GMA-7 actor Antonio Aquitania. Both Ynna and Jay (and even Antonio) are being managed by Tito Dougs.. Eldest sister naman sa istorya si Meryll Soriano.

Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging kikay at masayahin ni Ynna sa pre-production meeting at costume fitting ng buong cast, kasama ang staff ng Ang Concerto sa isang dance studio sa Quezon Boulevard, Quezon City, at excited ang young actress sa kanyang very first film, na nagkataong period film pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panay ang tawag nito sa cell phone sa kanyang papa at masayang kinukuwento pati ang pagko-costume fitting nila, habang nakikipag-kulitan din sa co-actor na si Jay Aquitania (na huling lumabas naman sa Roxxxane ni Direk Jun Lana).

Si Ynna ay isang certified Kapuso star dahil may exclusive contract ito sa GMA-7. Among her past television shows were Who's Your Daddy Now (with Joey Marquez and Raymart Santiago), Mga Mata ni Anghelita (all star-cast), at La Vendetta (Jean Garcia, Sunshine Dizon, Jennylyn Mercado).

Nakapag-host na rin siya ng pambagets na show ng QTV-11, ang Candies.

Sa ngayon ay nakakailang araw nang nagsu-shooting ang cast ng Ang Concerto sa Zambales, at wala naman kaming naririnig from the staff na pagta-tantrums sa pagtatrabaho ni Ynna for her first film. Malayo nga siya sa ilang mga spoiled brat young stars na anak din ng famous celebrities.

Ang production designer ay si Gerry Santos, ang award-winning production designer ng mga critically-acclaimed films na Magnifico (Jiro Mario, Albert Martinez, Lorna Tolentino), at Rome and Juliet (lesbian film nina Mylene Dizon and Andrea del Rosario).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN