PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Avanzado on cheating: "Lahat ng actions may consequences."

"Sabi nga sa Bible, flee, nandiyan na ang temptations."
by Melba R. Llanera
Published Oct 3, 2022
Dingdong Avanzado and wife Jessa Zaragoza
Dingdong Avanzado on 21 years of marriage with Jessa Zaragoza: "Marriage is something you constantly need to work [on]. You got to respect each other's individuality. Learn to incorporate that to the relationship. Kailangan na tanggapin mo na iba kayo."
PHOTO/S: @jessazaragoza / @dingdongavanzado Instagram

Naniniwala si Dingdong Avanzado na ang pag-iwas sa tukso ang isa sa paraan para manatiling matibay ang 21 taong buhay-mag-asawa nila ni Jessa Zaragoza.

Ang pagkakaroon kasi ng third party ang madalas na rason kung bakit marami sa celebrity couples ang di tumatagal at nauuwi sa hiwalayan.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa Winford Manila Presents na ginanap sa Hippodrome Bar And Lounge ng Winford Manila Resort and Casino, nung September 22, 2022.

“Di naman tayo perpekto, puwede tayong mag-stumble, ano lang talaga kapit lang sa Panginoon.

“Alam mo na kapag may mga danger sides na, umiwas ka. Kasi kapag in-entertain mo, ‘Okay lang ito, okay lang ito,’ before you know it, di ka na makaalis.

“Iwas, sabi nga sa Bible, flee, nandiyan na ang temptations."

Diin ni Dingdong sa consequence ng cheating, "Masisira ang pamilya mo, lahat naman ng actions may mga consequences. You have to think of these things also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan pang ibinahagi si Dingdong na susi ng higit dalawang dekada nilang pagsasama ni Jessa.

"Marriage is something you constantly need to work [on]. You got to respect each other's individuality. Learn to incorporate that to the relationship. Kailangan na tanggapin mo na iba kayo.

“There are times na di kayo magkakasundo, but there are certain things that brought you together kaya kayo nag-asawa.

“You just have to respect that and know your boundaries. Dapat di mawawala yung respeto, e.

“Tiwala, trust, no matter what happens. Once trust is broken, mahirap nang ibalik. And respect is important.”

ON KEEPING THE FAITH

Marami sa mga artista ang nawalan ng trabaho lalo na nang pinagbawal noon ang live performances dahil sa pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero isa sa celebrities na nabiyayaan ng trabaho sa panahon ng pandemya ay ang mag-asawang Jessa at Dingdong. Naging parte sila ng Sing Galing show ng TV5 kung saan pareho silang kinuha bilang mga hurado.

"We were so humbled. If there’s anything that this crisis taught us is God is faithful. Dun kami kumapit sa Kanya, e.

“May mga bagay na wala kang kontrol, su-surrender mo na lang yun, e. When you overworry, kasalanan yun kasi you are not trusting God. We chose not to live in fear kasi fear is a choice.

“Nandiyan yung danger, lagi namang nandiyan iyan, e. But if you let it control your mind, it's when trouble begins and that's not trusting God.”

Sabi pa ni Dingdong: “Yung ibang tao they are overly fearful, they say they trust God, they have faith. We all have faith, but how deep is your faith?

“Of course, we have to be careful but not featful, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Daming tao na-depress, di sila naka-anchor ng tama. We're not here to judge, iba-iba tayo.

“But seemingly, dahil madali silang panghinaan ng loob, mahina ang faith nila, their faith is not that strong."

ON HIS RECENT SHOWS

Labis din ang pasasalamat ni Dingdong sa init ng pagtanggap sa apat na shows niya sa Winford Manila noong Setyembre.

"I'm overwhelmed with joy saka yung energy ng crowd yun ang nakakapagdala sa aming performers. You can feel na longing din sila, sabik din sila sa live entertainment.

"Siyempre kami masaya talaga. Imadyinin mo, nung nawala yung live entertainment, ang laking dagok sa industriya.

“Now it has come back, I hope na magtuluy-tuloy na ito. In fact sa tingin ko nga sa ibang parts ng mundo nagsisimula na silang mag-open.

“In fact, sa America, marami sa mga artists natin sa America nagpupunta kasi open na talaga dun, e. Sana tayo we will follow soon and I think ang ano natin is slowly encouraging the people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito ay magkakaroon sila ng series of shows, ang grupo nilang Dingdong And The Doorbells.

"This coming last quarter ng taon nabuo yung tour namin, Dingdong And The Doorbells. Actually, matagal ko na itong pinagpe-pray saka pinagpaplanuhan, siyempre nahinto because of the pandemic.

“It's a dream of mine na talagang umikot with my band to share my music. It's good na mag-start kami sa U.S., and hopefully other parts of the world eventually—like Dubai, Japan or Singapore. In God's time.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Avanzado on 21 years of marriage with Jessa Zaragoza: "Marriage is something you constantly need to work [on]. You got to respect each other's individuality. Learn to incorporate that to the relationship. Kailangan na tanggapin mo na iba kayo."
PHOTO/S: @jessazaragoza / @dingdongavanzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results