Jolina Magdangal does total makeover for "honest and credible" image in "Pinoy Idol"

"Plain Jane, pero something chic. Hindi pa-tweetums at hindi rinteacher ang dating, ayaw ng viewers ng teacher-looking. Pero hindi kosinasabing pangit mag-ayos ang mga teacher. Young pa rin, perorespetado," says Jolina Magdangal about her new look.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolina Magdangal sa presscon ng Pinoy Idol na ginawa sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City kaninang tanghali, March 28. Isa siya sa three judges ng talent search na magpi-premiere sa April 6, kasama sina Ogie Alcasid at Wyngard Tracy.

Ipinangako ng multimedia artist na ibang Jolina ang mapapanood ng viewers sa Pinoy Idol at out na ang Christmas-tree look na kanyang pinauso noon.



"Ibang level na ito!" sambit niya. "Hindi na ako pa-sweet, hindi rin sobrang mataray. Gusto ko lang maging honest at kung ano ang maitutulong ko sa nag-audition, yun ang sasabihin ko. Hindi na ako yes nang yes. Alam kong may mga nagalit na nag-audition, pero binigyan ako ng responsibilidad ng GMA-7 at gagawin ko ang trabaho ko. Ibang usapan na ito, dapat honest at credible ka."



Total overhaul si Jolina sa Pinoy Idol mula sa ayos ng buhok, makeup, at wardrobe. Napansin ng PEP sa publicity photos ng singer-actress-TV host na iba na ang kanyang dating at parang lumabas ang sexy Jolina.



Sabi nito sa kanyang bagong image: "Plain Jane, pero something chic. Hindi pa-tweetums at hindi rin teacher ang dating, ayaw ng viewers ng teacher-looking. Pero hindi ko sinasabing pangit mag-ayos ang mga teacher. Young pa rin, pero respetado. More on earth ang colors ko ngayon. Ang peg ko sina Ivanka Trump [daughter of Donald and Ivana Trump] at Katie Holmes, wife ni Tom Cruise. Si Ivanka, hindi fashionista, pero iba manamit. Kahit naka-shorts lang, pero ang tops, kakaiba at ‘yun ang gusto kong maging dating ko sa Pinoy Idol."



Galing sa Iora, Black Shop, at Sari-Sari ang mga damit na isinuot at isusuot pa ni Jolina sa duration ng contest. Nag-research din siya sa Internet. Gusto niyang maging consistent ang look niya mula sa auditon hanggang sa grand finals ng Pinoy Idol na gagawin sa SMX ng Mall of Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN