Aljur Abrenica roots for Rodrigo Duterte; downplays the presidential candidate's rape joke

Apr 23, 2016
<p>The Kapuso hunk has the poise of a politician and he speaks like one, and it turns out, he was once offered to join the fray but he declined. "Wala po akong plano dahil wala po akong alam diyan, e," Aljur Abrenica demurs ever so politely.</p>

“Ang president ko po is si Rodrigo Duterte.”

Ito ang deklarasyon ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang iboboto niya sa nalalapit na May 9, 2016 elections.

Dagdag niya, “Dahil naniniwala po ako na sa panahon na ngayon at sa leadership niya, siya po ang makakapagbigay ng kabutihan sa lahat ng tao dito sa Pilipinas.”

Hindi ba siya naapektuhan ng 'gutter joke' ni Duterte sa isang Australian rape and murder victim?

“Hindi po,” ang mabilis na sagot ni Aljur.

“Kasi sa rape joke po niya, ang kailangan po nating tingnan diyan is yung pangyayari.

“Joke lang naman po yun, salita lang po yun.

“Ang importante yung resulta ng ginawa niya, ng justice sa pangyayaring yun.

“At saka yung joke na yun, nangyayari po sa ating lahat yan, kahit nga po tayo.

Continue reading below ↓

“Kahit nga po ako, aaminin ko, nagdyu-joke din po akong ganyan, sa maseselang mga bagay.”

Hindi naman siguro ang rape joke ang inihahambing ni Aljur sa lahat?

Paliwanag ng aktor, “Yung pagbibiro lang po sa mga maseselan na sitwasyon.

“Pero kasi sa akin, salita lang po 'yan, e, ang importante yung ginagawa natin.”

Nakausap ng PEP si Aljur sa presscon ng upcoming primetime series nila ni Janine Gutierrez, ang Once Again, nitong Huwebes ng gabi, April 21, sa GMA Network Center.

Dahil kapansin-pansin ang makahulugan, malalim, at pormal na pananalita ni Aljur tuwing sumasagot sa mga tanong sa kanya, may balak ba ang Kapuso actor na kumandidato o pasukin ang pulitika?

“Wala po, wala po.

“Salamat, salamat naisip niyo po akong magpulitiko.

“Pero wala po akong plano dahil wala po akong alam diyan, e!” natatawang sabi niya.

Noon daw ay may nag-alok na kay Aljur na tumakbo ilang taon na ang nakalilipas, pero tumanggi siya.

Continue reading below ↓

“Opo, totoo po 'yan,” pagkumpirma ng StarStruck alumnus.

Read Next
Read More Stories About
Aljur Abrenica, Rodrigo Duterte
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>The Kapuso hunk has the poise of a politician and he speaks like one, and it turns out, he was once offered to join the fray but he declined. "Wala po akong plano dahil wala po akong alam diyan, e," Aljur Abrenica demurs ever so politely.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results