Former action star Joko Diaz plans showbiz comeback after slimming down

"Nakaka-miss din ang showbiz, e. May plans na bumalik ako, perokailangan ko munang magpapayat. Matagal din kasi akong walang trainingand I think it's about time na bumalik sa pagiging busy," says Joko Diaz about making a showbiz comeback.



Sa victory party ni Manny "Pacman" Pacquiao na ginanap sa 17th floor ng GMA-7 Network Center noong March 24, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating action star na si Joko Diaz. Matagal nawala sa sirkulasyon ang dating promising action star ng Viva Films. Malaki na ang itinaba ni Joko pero may plano nga raw siyang bumalik sa sirkulasyon.



"Nakaka-miss din ang showbiz, e. May plans na bumalik ako, pero kailangan ko munang magpapayat. Matagal din kasi akong walang training and I think it's about time na bumalik sa pagiging busy," nakangiting sabi ni Joko.



Huling napanood si Joko sa reality boxing show ng ABS-CBN na Pinoy Mano-Mano. Okay naman daw ang buhay niya noong iwan niya pansamantala ang showbiz. May asawa na siya ay may mga anak na sila.

TAKING CARE OF DAD. Dagdag ni Joko, inalagaan din niya ang kanyang ama na si Paquito Diaz noong nagkasakit ito.

"Okay naman na si daddy," pagbabalita niya. "He's staying na in Bicol, kasama ang mommy ko. Doon na sila sa Bicol naka-base para nga maka-recuperate nang mabilis si Daddy. Right now, he's doing fine. Nakakalakad na siya nang maayos at masigla na siya.



"Pero wala naman na siyang plano na balikan ang showbiz. Malaki ang ipinayat na ni Dad and tama na rin yung nag-retire na siya sa pag-aartista. We're more worried about his health kasi. Mas okay itong nasa probinsiya siya together with our mom. Tahimik doon at mas gaganda ang health niya.



"Time and again kasi, marami ang kumukumusta kay Dad. Sinasabi ko naman na he's okay now. Kung gusto nilang bisitahin, bibiyahe talaga sila to Bicol. Kaya ang ginagawa ko, tumatawag na lang ako kay Dad to tell him na maraming nakaka-miss sa kanya," kuwento ni Joko.



ANGELU & NICOLE. Kinumusta rin namin kay Joko ang relasyon niya sa kanyang mga anak, partikular na sa anak nila ng ex-girlfriend niyang si Angelu de Leon na si Nicole. Ayon kay Joko, nagkita na raw sila ng kanyang anak last year at nag-usap na sila nang maayos ni Angelu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nagkita kami ni Nicole last year at natuwa naman ako kasi ang laki na niya. She's already nine years old at napakabait na bata. Nag-bonding kaming mag-ama at marami akong nalaman sa anak ko. I admit na hindi ko siya nakitang lumaki and that was the only time na I have to bond and get to know her well," lahad niya.



Tungkol sa pagbigay niya ng financial support kay Nicole, inamin naman ni Joko na may problema talaga siya sa part na ‘yon.

"Inaamin ko naman na talagang yun ang problema because wala naman tayong regular na trabaho as of now. But I try my best na kahit magkano ay makabigay ako sa anak ko. Alam naman ‘yan ni Angelu, e. Nakakapagbigay ako pero hindi on a regular basis.



"Pero kahit gano'n ang nangyari, naging maayos pa rin ang pagpapalaki ni Angelu kay Nicole. Nangako naman ako na kapag may maganda na akong pinagkakakitaan, hindi puwedeng hindi ko maabutan si Nicole," pahayag ni Joko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN