Jake Cuenca comments on no kissing with KC Concepcion in "I Am KC"

"Alam n'yo, nakakapanibago lang. Kasi sa Palos,ang dami-daming kissing scenes. Sabihin na natin na, ilagay mo ako, mayisang eksena na yung situwasyon, parang papunta na ro'n [kissingscene], pero siyempre wala. Naisip ko, siguro kung nasa Palos ako, kissing scene na ‘to!" says Jake Cuenca about his project with KC Concepcion.



Ang young actor na si Jake Cuenca ang kauna-unahang leading man ni KC Concepcion para sa unang episode ng kanyang month-long drama anthology na I Am KC. Ito ay mapapanood starting this evening, March 29, sa ABS-CBN. Sa episode na "Binibining Palengke," parehong magko-comedy sina Jake at KC.



Present din si Jake sa press conference for I Am KC na ginanap kahapon, March 27, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN. Hindi itinago ni Jake ang kasiyahan working with KC.



"Working with KC was really an honor, pleasure," sambit ng young actor. "Kasi napakabait talaga ni KC and at the same time, napakabait na, napakaganda pa. Sobrang honored ako to be doing the pilot episode at talagang papasalamatan ko na naman diyan ang ABS-CBN dahil tuluy-tuloy lang po talaga ang pagsuporta nila sa akin. Kaya walang humpay na pasasalamat po talaga ang ibinibigay ko sa ABS-CBN."



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake, hindi na namin siya kinakitaan ng pagkagulat kung patuloy pa rin siyang iniintriga sa pagkakaroon niya ng magagandang projects sa ABS-CBN. Kahit nga raw ang pagiging leading man niya sa pilot episode ng I Am KC, may mga nagkukuwestiyon pa rin.



"Ako, tulad na lang ng sinasabi ko palagi, my work speaks for itself," reaksiyon ni Jake. "Alam n'yo yung parang, siguro... Hindi ko naman sinasabi na magaling ako, but I do my best. Sa lahat ng ibinibigay sa akin ng ABS-CBN, kahit ano lang ‘yan, kahit hosting lang sa ASAP ‘yan, all-out effort ko na ‘yan. I don't have to elaborate na ‘yan."

NO KISSING SCENE. Natawa naman si Jake nang tanungin kung hindi ba siya nanibago na sa particular project niyang ito with KC ay hindi allowed ang kissing scene.



"Alam n'yo, nakakapanibago lang," natatawang pag-amin niya. "Kasi sa Palos, ang dami-daming kissing scenes. Sabihin na natin na, ilagay mo ako, may isang eksena na yung situwasyon, parang papunta na ro'n [kissing scene], pero siyempre wala. Naisip ko, siguro kung nasa Palos ako, kissing scene na ‘to!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Jake, "Pero siyempre, trabaho lang naman ‘yan. Hindi ko naman hinahalo ang personal sa trabaho. Kumbaga, naisip ko lang na kung nasa Palos, sigurado doon na yung punta."

Hindi naman itinanggi ni Jake na kahit siya ay nagka-crush kay KC dahil wala raw sigurong lalaking hindi magkaka-crush sa dalaga.



"Alam n'yo, feeling ko, lahat ng lalaki rito ay naa-attract kay KC dahil napakaganda talaga at napakabait. Wala akong masasabi, napakabait niyang talaga. Basta ako, masaya na ako na nakasama siya sa isang episode ng I Am KC, masaya na ako doon," pahayag ng binata.

BREAK OR NOT. Muling nilinaw ng PEP mula kay Jake ang totoong estado ng relasyon nila ni Roxanne Guinoo. There was a time na biglang sinabi ni Roxanne na nagkabalikan na sila nang mag-break sila sa pagsisimula ng taping ng Palos. Pero kamakailan lang, nagbitiw na naman ng pahayag ang young actress at sinabing break na talaga sila.

Break na ba sila talaga ni Roxanne o hindi?



Ayon kay Jake, "Ako, tulad nga ng sinabi niya [Roxanne] sa The Buzz, siya naman na ang nagsalita. Basta ang masasabi ko, wala kaming problema. Okay yung working relationship namin. Magkasama kami sa Boracay."



Unlike Roxanne, mas maraming paliguy-ligoy si Jake at hindi nito direktang masabi kung sila pa ba or hindi na nga.



"Basta ako, nagsasang-ayon lang ako sa sinasabi niya. Basta ang masasabi ko lang, which is palagi kong sinasabi, okay kami. Sa ngayon, wala kaming problema. Siguro ganito na lang... Hindi na naman siguro dapat na sa akin manggaling. Siya na rin naman yung nagsalita sa TheBuzz. Siya na rin yung nagsabi ng ibang bagay. So ako, parang sumasang-ayon na lang ako."

Yun nga lang, sa kabila ng mga isyung break or nagkabalikan, madalas pa rin daw nakikita si Jake sa condominium ni Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko naman idine-deny na bumibisita naman talaga ako. Minsan wala siyang kasama. So, minsan naghahatid ako ng food sa kanya. Pero alam niya na kung may responsibilidad man kami ngayon, yun yung trabaho namin," saad ni Jake.

Sa huli, ipinagtanggol ni Jake ang sarili sa akusasyon na sa ginagawa nila ni Roxanne, parang pinaglalaruan na lang nila ang press people. Aniya, "Alam n'yo naman, like ako...kilala n'yo naman ako. Ako naman, nandiyan naman ang respeto ko sa lahat ng press. Siguro lang, meron lang talagang mga bagay na hindi pa ako handang pag-usapan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN