Bangs Garcia says current date is not yet her boyfriend

Palos co-star Bangs Garcia was spotted dating a Spanish-looking guy in a restaurant at Manila Ocean Park. Although Bangs did not deny that she is dating the guy, she insists that he's not yet her boyfriend.


Nilinaw ng young actress na si Bangs Garcia ang balitang may bago siyang boyfriend na ipinalit niya diumano sa Palos co-star niyang si Jake Cuenca.

May nakakita kasi kay Bangs sa isang restaurant sa Manila Oceanarium. Kasama niya ang isang mestisuhing lalaki last Tuesday, March 25. Dagdag pa sa report, super sweet daw sila ni Bangs habang kumakain.



"Hindi kami super sweet. Hindi totoo 'yan. Hindi nga kami magkatabi, e," tanggi ni Bangs.



Tumanggi rin si Bangs na sabihin kung ano ang pangalan ng naturang guy. But through other sources, may nagsabi na Christopher daw ang name ng guy at may dugo raw itong Español.



Ayon naman kay Bangs, nagtrabaho raw noon sa isang programa ng GMA-7, ang teleseryeng Te Amo nina Iza Calzado at Segundo Cernadas, ang kanyang ka-date. At ngayon, nagtatrabaho raw yung lalaki bilang executive sa San Miguel Corporation. Mariin ding sinabi ni Bangs na hindi pa niya boyfriend ang lalaking ka-date niya.



Nanliligaw ba sa kanya yung guy?



"Hindi ko po alam. Getting to know each other pa lang kami kasi bago lang kaming magkakilala," sagot ng dalaga.


"Ipinakilala siya sa akin ng manager ko, si Tom Molina, sa Bora [Boracay] two weeks ago. Bago ko lang siya nakilala. Pero matagal na silang magkakilala ng manager ko. A few years back na, mga 2005 pa lang," lahad ni Bangs.



Nang tanungin namin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung doon sila nagkabigayan ng number at naging regular textmates, hindi sumagot si Bangs bagkus ay tumawa ito nang malakas.

Ayon kay Bangs, may Spanish blood and looks ang current date niya, with matching green eyes.



Pero malaki ba ang chance na sagutin niya ang binata?



"Okay siya," sabay tango ni Bangs na tila pag-aprub doon sa guy.



Mas guwapo ba ito kay Jake?



"Ah, pag nakita ninyo, kayo ang mag-judge," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ito na ba ang ipinalit niya kay Jake?



"Wala namang... hindi naman kami naging kami, so bakit siya mapapalitan?" paglilinaw niya.



ROXANNE'S RETURN TO PALOS. Ano reaksiyon niya sa balitang nagkabalikan na si Jake at dating kasintahan nito na si Roxanne Guinoo?



"Okey lang. Sana maging happy sila."



May mga nagsasabi naman na natabunan na ang love team nila ni Jake sa Palos sa pagbabalik ni Roxanne sa show. Ano ang reaksiyon niya rito?



"Hindi naman talaga kami love team, e. Sa Palos lang kami magkasama," ani Bangs.



Naapektuhan ba siya nang biglang mawala ang love team nila ni Jake sa pagbabalik ni Roxanne after i-push ang tandem nila ni Jake sa Palos?



"Ako rin hindi ko alam. Biglaan. Nabigla rin ako," pag-amin niya.



Nabigla na parang nasaktan o nag-alala?



"Hindi ko alam," malungkot na sagot ni Bangs. "Nung una siguro medyo na-shock din ako dahil plinano yung pagbabalik niya, e. Sinabi ko lang, ‘Talaga?'



"So, parang nagulat ako. ‘Ano'ng mangyayari sa love team namin?' Kasi, di ba, parang in-introduce ako as leading lady, hindi ko alam kung ano... Hindi ko maintindihan."



Tingin ba niya ay nagmukha siyang tanga sa nangyari?



"Hindi naman siguro," sabi ni Bangs. "Trabaho lang naman ‘yon. Parang challenge lang ‘to for me. Para mapatunayan ko sa kanila na kahit anong role ang ibigay nila sa akin, kaya kong gawin. Trabaho pa rin 'yon. Ang importante nandiyan pa rin ako sa show."



Hindi nga raw dapat mag-alala si Bangs dahil may balita na ibinilin na siya ng isang top executive ng network na alagaan siya at huwag pabayaan sa kanyang career. At ito raw ay ang mismong bagong presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio.



"Thank you po. Ano, plano rin ‘yon. Ibig sabihin nagtitiwala sa akin na kaya ko," nakangiting pahayag ni Bangs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



UPCOMING PROJECTS. After Palos, may isa pang show na gagawin si Bangs sa ABS-CBN, ang Banana Split, kasama sina Kristine Hermosa, Anne Curtis, at Valerie Concepcion.



"I heard may isa pang soap," dagdag ng young actress. "Pero hindi ko pa raw puwedeng sabihin. Basta saka na po, kapag sigurado na."



May balita rin na posibleng hindi matuloy si Cristine Reyes na makalipat sa ABS-CBN dahil sa kontrata nito sa Artist Center ng GMA-7. So, posible ring hindi magawa ng young actress ang Eva Fonda, 16. If ever ialok sa kanya ang naturang proyekto, kaya ba ni Bangs na palitan si Cristine sa remake ng launching movie ng dating sex goddess na si Alma Moreno?



"Hindi ko po alam. Saka na lang ako magsasabi 'pag nandiyan na ulit," sagot niya.



Incidentally, magkasama sa isang cover ng magazine ng ABS-CBN Publishing sina Bangs at Cristine na naka-red hot swim wear.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN