Camille Prats and husband Anthony Linsangan talk about their newly baptized son

"Ang mapa-promise ko kay Nathan, kami ng daddy niyawill always be here for him no matter what. And we will always try to give himwhat's best for him at hinding-hindi kami mawawala sa likod niya atsusuportahan namin siya sa lahat ng gusto niya. We will always be here toprotect and love him," says Camille Prats about her son, Nathaniel Caesar.



Proud parents Camille Prats and Anthony Linsangan welcomedtheir baby, Nathaniel Caesar or Nathan, to the Christian world at Christ TheKing, Green Meadows, Pasig City last March 29.

Family and friends in and out of showbiz were there towitness the baptism of baby Nathan with Father Arman Tangi, a close friend ofPrats family, as the officiating priest. Nathan, the first grandchild on bothsides of his family, is considered a very lucky boy.

Among the celebrity godparents who attended the baptismwere John Prats (Camille's elder brother), Shaina Magdayao, Bubbles Paraiso, BrianRevilla, Marco Alacaraz, Ryan Yllana, and Direk Mike Tuviera. Godparents dinsina Lucky Manzano, Paolo Contis, at Anne Curtis, but unfortunately ay hindisila nakadalo sa binyagan due to previous commitments. All in all ay 15 ninangsang 15 ninongs daw ang napili ng mag-asawang Camille at Anthony para tumayong pangalawang magulangng kanilang anak.

Ang ina ni Camille na si Mrs. Alma Prats ang may buhat satwo-month-old na si Nathan pagpasok sa church. Masayang-masaya nitongipinapakita sa mga bisita ang malusog at cute na apo. During the sacredceremony of baptism ay napansin naming good boy talaga si Nathan dahil nariniglang naming siyang umiyak nang buhusan na siya ng holy water ng pari.

MOMMY CAMILLE. Abalang-abala naman si Camille sapag-entertain ng mga bisita habang buhat-buhat ang kanyang little angel. Bakasna bakas ang kasiyahan ng young actress dahil finally ay magiging ganap naKristiyano na ang anak nila.

"We're just very, very happy sa pagdating ni Nathan sabuhay namin ni Anthony," pahayag ni Camille sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "He is truly a blessing and God's gift to us. He is giving us so muchjoy kaya naman masasabi kong sobrang fulfilled na ako as a woman. Ang sarap ngfeeling to be a mom and I'm so thankful dahil napakabait na bata ni Nathan. Wereally have a beautiful family.

"Ang sarap, siyempre we're very excited because this isthe first time na all our family and friends are coming together to meet thebaby. ‘Tapos ngayon ko lang din sila makikita lahat after I got back from theStates, so siyempre sobrang excited.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mapa-promise ko kay Nathan, kami ng daddy niyawill always be here for him no matter what. And we will always try to give himwhat's best for him at hinding-hindi kami mawawala sa likod niya atsusuportahan namin siya sa lahat ng gusto niya. We will always be here toprotect and love him."

Promise naman ni Anthony sa kanyang mag-ina:"Magtatrabaho akong mabuti para sa kanila and I promise to take care andlove them always."

Sina Camille at Anthony ang personal na nag-asikaso para sabinyag ng kanilang anak. From the church to the reception ay sila angnakipag-usap at nag-asikaso ng lahat. Sobrang hands-on sila dahil gusto nilangmaging sagrado at makasama ang lahat ng taong nagmamahal sa kanila at sakanilang anak na si Nathan.

"Sobrang hands-on kami sa preparations ng binyag nganak namin," sabi ni Camille. "From every little detail, to venue, catering,church inasikaso talaga namin. Light blue ang napili naming motif."

BIGGEST BLESSING. Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Camille,ang pagdating sa buhay niya ni baby Nathan ang isa sa pinakamalaking blessingssa kanya.

Binanggit din ni Camille ang ilang traits na nakikita niyasa anak this early.

"He is very jolly, napakamasayahin niyang bata," veryproud na sabi ng dating child star. "He doesn't cry, he rarely cries and he isalways smiling. At four in the morning, tumatawa na siya, kaya ako, kahit puyat-puyatpa, ‘pag nakita mo na yung smile niya, magigising na ako, naglalaro na kami.Kahit madaling-araw nilalaro na namin siya ng daddy niya.

"Sobrang mabait na bata si Nathan, yun ang isa sa mgasobrang thankful ako na ganoon siya. Kasi when I was pregnant, the first fewmonths, medyo nandun yung umiiyak ako kasi it was very hard at first siyempre.When my family found out, when I told everyone about my situation, mahirap.Pero tinapangan ko yung loob ko saka dinadasal ko na sana hindi makaapekto sa kanya[Nathan]. I tried not to cry or to be depressed because I know it affects himsomehow, so I'm just thankful na hindiyun nakaapekto sa bata," kuwento ni Camille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Camille, tuwang-tuwa rin daw ang kanyang MommyAlma at Daddy Dondi sa unang apo nila.

"Sobrang saya nila!" bulalas ng young actress. "Very excited silalalo na nung dumating na kami ng Pilipinas [from Los Angeles]. Sobrang proudsila sa kanilang apo. Sobrang lokang-loka sila. Five AM pa lang, kumakatok nasila sa kuwarto to get Nathan para ilipat sa kuwarto nila or ibababa atpaaarawan. So yun ang sistema namin sa house."

GODPARENTS' WISH. Message at wish nina Ninong John at NinangShaina sa kanilang inaanak na si Nathan: "Sana lumaking malusog, mabaitna bata, at maging God-fearing si Nathan."

Mensahe naman ni Daddy Dondi: "Congratulations, Camilleand Tonton, ngayong nasa Christian world na si Nathan, sana palakihin n'yo siyanang mabuti at naaayon sa mabuting asal at pag-uugali."

THE RECEPTION. After the baptism of Nathan ay sa Blue LeafSilk Pavilion sa McKinley Hill Village, Taguig, ginanap ang reception. Ilan samga dumating pang bisita nina Camille at Anthony ay sina John "Sweet" Lapus, CarleneAguilar with baby Calix Andreas, Raymond Gutierrez, and Melissa Avelino.

Punung-puno ang pavillion ng mga kaibigan, kamag-anak, atpamilya nina Camille at Anthony. According to them ay almost 250 guests daw anginimbitahan nila para makisaya sa binyag ng kanilang anak.

Pagpasok sa venue ay isang malaking tarpaulin angnaka-display with baby Nathan on the picture. Ang ganda ng decorations sa venueat nakapalibot ang naglalakihang teddy bears. Habang kumakain ay ipinapakita samalaking video ang mga pictures ni Nathan.

THE INTERVIEW. After ng dinner ay sumabay na kami sainterview ni John Lapus for Showbiz Central sa mag-asawang Camille at Anthonywith baby Nathan.

Kumusta sila ngayon bilang Mommy at Daddy?

"Mabuti. Sobrang nag-e-enjoy being a mommy at daddy kayNathan. Sobrang healthy niya," sagot ng dalawa.

Dagdag na kuwento ni Camille, "Right now, nagpa-extendang daddy ko ng house doon sa Cainta, so doon kami nag-i-stay. But then onweekends, we go to Alabang to spend time with his [Anthony] family naman. Bastawe have to spend time with both families."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siguradong spoiled na spoiled ang bata sa mga lolo't lolanila?

"So far, hindi pa naman kasi maliit pa. Kaya ngayon palang sinasabihan na namin sila na hindi nila puwedeng i-spoil ang ang bata kasimahirap," ani Camille.

Ano naman ang adjustments na ginagawa ni Camille as a newmom?

"When it comes to adjustments naman, hindi akonahirapan kasi I was very excited about the pregnancy. I was very excited namakita siya kaya alam ko ang mga gagawin ko. And now that he [Nathan] is here,talagang kaming dalawa [ni Anthony] binubuhos lang namin ang oras namin sa kanya.

"Ang sarap-sarap! Wala akong masabi, sobrang blessed kamifor having him in our lives. Also, sobrang thankful din ako kasi ang mommy kois always there to give support sa akin at sa baby ko," pahayag niCamille.

If ever ba ay papayagan din nilang pumasok sa showbiz angkanilang anak in the future?

"If he really wants, why not?" sagot ni Camille. "Peroako kasi, gusto ko mag-focus muna siya muna sa studies niya, e."

Sabi naman ni Anthony, "Ako naman, ayokong pangunahanang bata. Kung ano ang gusto niya, susuportahan ko. Hindi maaalis if ever gustoniyang mag-artista kasi nasa dugo niya, e."

Ni-reveal din ni Camille during the interview ang plano sananila ni Anthony na pagpapakasal sa Pilipinas this year. Supposedly ay saDecember 5 dahil yun ang anniversary nila ni Anthony, pero hindi na raw munamatutuloy. Hindi kasi nila nakuha ang wedding date na gusto nila kaya 2009 nalang daw magaganap ang kasalan.

"Supposedly this year, pero pinag-usapan namin na whynot 2009 na lang. Kasi hindi naman namin kailangang madaliin at paramapaghandaan na rin naming mabuti," sabi ni Anthony.

"I didn't get the date that we wanted, kasi na-book na'yon ng iba. Ikinasal kasi kami civil [sa Los Angeles] last January 5, and December5 is our anniversary kaya 'yun ang gusto kong church wedding ko sana. Mayibinibigay sa amin, ibang date, e, I'm not happy with the date. Ayoko namangdahil yun na lang ang available date, doon na kami pakakasal. Next year na langsiguro para maayos din namin ang lahat ng preparations."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ COMEBACK. With regards naman sa pagbabalik-showbizni Camille, sinabi ni Camille, "I haven't talked to GMA yet. But I thinkthey talked to Tito Arnold [Vegafria], my manager. ‘Tapos tinatanong lang nilakelan daw ako ready to go back to work. I think [month of] May yata magbabalik-showbiz naako."

Hindi rin naman daw pinipigilan ni Anthony ang kanyang asawaif ever gusto nitong mag-artistang muli.

"Okay lang naman sa akin. Pero ngayon may limitationskasi may asawa na siya at anak, e. Okay lang sa akin mag-work siya basta huwagniyang pababayaan ang anak namin."

LESSONS LEARNED. Sa lahat ng nangyaring ito sa buhay niCamille, marami raw siyang natutunan.

"Kasi before, nasanay ako na lahat ibinibigay sa akin,‘tapos lahat nakahain na in front of me. Ngayon natuto akong kumilos. Now, Ilearned to be on my own," sabi ng young actress.

Para kay Anthony, "Iba pala yung feeling ng pagigingdaddy. Ngayon mas uunahin ko ang baby ko kesa sa gumimik ako."

Nagbigay rin ng mensahe si Camille para kay Nathan: "Heis the best blessing na natanggap namin ever sa buhay namin. And we are verylucky to have him in our lives and that we will do everything in our power toprotect him and give everything ng lahat ng makakabuti para sa kanya."

Message naman niya sa mga fans na sumusuporta sa kanya kahitngayong mother na siya:

"To all my fans na forever sumusuporta sa akin,maraming-maraming salamat. Kasi from the beginning of my pregnancy at ngayongbininyagan na siya, nandiyan pa rin sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN