Maui Taylor's mom furious at Angelica Jones's mother for betrayal of trust and intrigue

"Kahitano pa'ng gusto niya, kahit saan, hindi ko na siya uurungan, bayaran niya akokung gusto niyang matapos na ang lahat nang ito," threatens Mommy Antonette,Maui Taylor's mom who is fuming mad at Mrs. Beth Jones (inset).


Sapresscon ng pelikulang Torotot ng Viva Films, humarap sa press peopleang mag-inang Maui Taylor at Mommy Antonette.

Nagbigayng pahayag si Mommy Antonette ukol sa mga alahas na hindi na naibalik ng ina niAngelica Jones na si Mrs. Beth Jones. Nagkakahalaga ang mga alahas ng P400thousand at ipinagkatiwala niya sa ina ni Angelica nung isang taon pa.

"Dahilkakilala ko sa showbiz at laging nakakasama sa mga shows, nagtiwala ako sakanya, hindi ko inisip kailanman na sa ganito mauuwi yung tiwalang yun,"paglalahad ni Mommy Antonette.

Sakanyang kuwento, lumapit daw ang isang kaibigan niya sa kanya upang magpabentang mga alahas. Si Mrs. Beth Jones daw ang pinagkatiwalaan niya pero hanggang sangayon, wala pa raw naibibigay na kabayaran o kahit man lang yung mga alahas nakinuha.

"Siyempre,ako ang kinukulit ng taong kausap ko, ako kasi ang nagbigay sa kanya ng mgaalahas. Pero una pa lang, sinabi ko nang wala akong hilig sa alahas. Kami niMaui, walang hilig talaga sa mga alahas, pero dahil gusto kong matulungan yungtao, sa nanay ni Angelica ko ibinigay yung mga alahas upang ipabenta.

"Lagi na lang siyang nangangako, hindi naman siya tumutupad. Wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao."

PIMPINGMAUI. Nagpahayag pa si Mommy Antonette sa mga sinasabi umano ni Mrs. Jonesna ibinubugaw raw ni Mommy Antonette si Maui.

"Hindi lang ako kumikibo, kaming dalawa lang ang nakaaalam ng lahat. Pero sabandang huli, ako pa'ng siniraan niya. Kesyo ako raw, binubugaw ko sa Maui. Anoba yun, sarili kong anak, ibinubugaw ko? Parang hindi naman yata totoo yungbintang niya.

"Kung baligtarin kaya namin angsituwasyon. Siya ang sabihan kong ibinubugaw niya ang anak niya, ano kaya'ngmaramdaman niya? Hindi kaya siya magalit sa akin?" halos maiyak pa sa galit nasabi ng nanay ni Maui Taylor.

Sinabi rin ni Mommy Antonette na natunton niya ang mga nawawalang alahas saisang pawnshop. Meron daw nagbigay sa kanya ng kopya ng mga papel de ahensiyaat isinangla raw pala ang mga alahas na pinabebenta niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun talaga ang mga alahas na ibinigay ko sa kanya. Pinuntahan namin sapawnshop at pinatotohanan nila sa akin yun. Yun talaga ang mga iyon," kuwentopa nito.

Ngayon nga ay lalong umigting ang galit ni Mommy Antonette. Nalayo na raw kasiang isyu ng away nila sa mga hinahanap niyang mga alahas. Pero siya na raw ang siyang tinitira ni Mrs. Jones. Kaya dahil dito, nakahanda na raw siyang labananito.

"Kahit ano pa'ng gusto niya, kahit saan, hindi ko na siya uurungan, bayaranniya ako kung gusto niyang matapos na ang lahat nang ito," may halong bantapang sabi ng mommy ni Maui Taylor.

MRS. JONES'S REACTION. Bago namin isinulat ang artikulong ito, sinikapng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksyon ni Mrs. Jones,through text. Sumagot naman sa text namin si Mrs. Jones at ito ang kanyangpahayag:

"Ayoko nang sumagot tungkol diyan, basta angalam ko, mahal kami ng Diyos, kahit na may mga umaaping tao sa amin, hindi niyakami pinababayaan, ayoko nang sumagot tungkol diyan.

"Bastaang alam ko, maayos ang pagpapalaki ko sa anak ko. Hindi na ako kailangangmagbenta pa ng laman, mahal kami ng Diyos, iniligtas nga kami ng mga santonamin."

Marami pang text messages sa PEP ang nanay ni AngelicaJones na iisa lang ang malinaw na mensahe: Ayaw na niyang linawin ang isyu na ayonsa kanya ay walang katotohanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN