Mayor Rodrigo Duterte leads presidential poll anew

Apr 24, 2016
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte takes solo lead with 34 percent share of votes in Pulse Asia's latest nationwide survey, commissioned by ABS-CBN.</p>

Nanguna muli si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa nationwide presidential poll na kinomisyon ng ABS-CBN sa Pulse Asia.

Nakakuha si Mayor Duterte ng 34 percent share of votes base sa isinagawang pre-election survey noong April 12 hanggang April 17.

Mayroon itong 4,000 respondents at margin of error na ±1.5.

Ang nakuha ni Mayor Duterte ay mas mataas nang apat na puntos kaysa sa nakuha niyang score noong unang linggo ng Abril.

Si Senator Grace Poe ay nakakuha ng 22 percent share of votes, na mas mababa nang tatlong puntos sa kanyang nakaraang score.

Si Vice President Jejomar Binay naman ay mayroong 19 percent share of votes. Ito ay mas mababa nang one percent kumpara sa nakaraang pre-election poll.

Ang dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na si Mar Roxas ay mayroong 19 percent share of votes, na pareho sa dati niyang score.

Si Senator Miriam Defensor-Santiago ay nakakuha ng two percent share of votes.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin naman na may one percent ng voters na sumagot ng “don’t know/refused,” three percent ang “undecided,” at one percent ang “none.”

Sa kasalukuyan, hindi pa nailalathala ng Pulse kung anu-anong current events ang partikular na nakaapekto sa score ng mga presidential candidates.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte takes solo lead with 34 percent share of votes in Pulse Asia's latest nationwide survey, commissioned by ABS-CBN.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results