Annabelle Rama on Yilmaz-Zuleyka rumor: "Good for him. He moved on already."

"‘Ruffa, bakit ka umiiyak? Dapat matutuwa ka. Wala nang mag-iistorbo sa ‘yo. Wala nang magpa-punching bag sa ‘yo. At least, tahimik na ang buhay mo,' sabi ko," relates Annabelle Rama on what she told daughter Ruffa Gutierrez when she saw her crying over the Yilmaz-Zuleyka rumor.


Binasag ni Annabelle Rama ang kanyang katahimikan tungkol sa pagbabalik sa Pilipinas ng Turkish husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas noong Huwebes, April 3.

Kagagaling lang ni Anabelle sa kanyang bayan sa Cebu kung saan nagpasalamat siya sa katuparan ng kanyang mga panalangin bago siya humarap sa isang exclusive interview sa The Buzz noong Sunday, April 6.

"Nagpapasalamat ako, Boy, at last after 13 years nanalo ako sa kaso against Cristy Fermin. At isa pang natutuwa ako, nanalo ako sa ‘kaso' against Yilmaz Bektas. Kasi pinaglalaban ko ang dalawang kaso na ‘yan na ako ang mananalo. Kasi sabi ko ngayon, ako ang mananalo, ako ang pinakamasayang nanay sa buong mundo. Nanalo ako kay Yilmaz. Hindi niya nakuha ulit si Ruffa," umpisa ni Anabelle sa The Buzz sa pakikipanayam sa kanya ng host ng show na si Boy Abunda.

WHY CRY? Ano ang reaksyon niya sa sinasabing bagong babae ni Yilmaz na si Zuleyka Rivera?

"Hindi sa Internet ko nalaman, e, kay Ruffa. Nag-iyak sa telepono. Sabi ko, ‘Ano na namang iyak ‘yan? May problema ka na naman?'

"Alam mo agad Yilmaz, e. Kasi kapag umiyak ‘yan sa akin, Yilmaz agad ‘yan. Nalungkot siya na si Yilmaz meron nang ibang babae. Ruffa..." hanap ni Annabelle kay Ruffa sa studio. "Ako ang pinakamasayang tao sa buong Pilipinas ngayon nang marinig ko na meron na siyang [Yilmaz] ibang babae.

"Sabi ko, good for him. He moved on already. Tama yung dasal ko talaga. Maraming-maraming salamat talaga sa Diyos na ang dinasal ko, talagang sinagot niya. Sabi ko, ‘Ruffa, bakit ka umiiyak? Dapat matutuwa ka. Wala nang mag-iistorbo sa ‘yo. Wala nang magpa-punching bag sa ‘yo. At least, tahimik na ang buhay mo,' sabi ko.

"Ewan ko kung bakit siya umiyak? Siguro nga nalulungkot siya. Talaga namang tinuldukan na ni Yilmaz ang kanilang relasyon. Talagang kumuha na siya ng ibang babae which is tama naman yung ginawa ni Yilmaz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksyon naman niya sa balitang may aso raw si Zuleyka na pinangalanan nitong "Ruppa."

"Nakakatuwa, ‘di ba? Natutuwa ako. Iba yung idea niya, ‘di ba? Kakaiba rin siyang babae ‘di ba? "

Kinumpirma rin ni Annabelle na nag-usap sina Yilmaz at ang ama ni Ruffa na si Eddie Gutierrez sa telepono.

"Telepono lang pero matagal silang nag-usap. Nakita ko ang asawa ko, nagluluha-luha kasi masyado nang ano ang usapan nila. Kasi na-rewind na naman yung tinatanong ni Eddie si Yilmaz, bakit niya ginawa kay Ruffa yun. Ginugulpi niya, sinasaktan niya na sabi ni Eddie, ‘Only daughter ko ‘yan. Mahal na mahal ko ‘yan. Hindi ko pa nasasaktan ‘yan.'

"Ay, I'm sure sabi sa akin ni Eddie nagso-sorry sa kanya si Yilmaz. Siguro sa init ng usapan nila ni Ruffa o sobrang pagseselos niya siguro kay Ruffa kaya lumabas ang pagka-wild niya."

NO BAD THINGS ABOUT YILMAZ. Tinanong din si Anabelle ni Kuya Boy kung naapektuhan ba siya kapag nakikita niya ang kanyang dalawang apo na mahal na mahal pa rin ang kanilang ama.

"Actually, Boy, nung sinabi sa akin ni Ruffa na baka dumating si Yilmaz, hindi naman ako nagagalit unlike before na nagwawala ako. Kasi nakikita ko si Lorin at Venice, every time na magkasama kami, sa dalawang bata, laging binabanggit sa akin ang tatay nila.

"Sabi nila sa akin, nami-miss daw nila ang tatay nila. ‘Tsaka nakikita ko ang pagmamahal ng dalawang bata. As lola, hindi ako puwedeng kumontra. Kaya hindi ko talaga siniraan si Yilmaz kay Lorin at kay Venice. Kasi father naman talaga nila ‘yon, e. Baka in the future magkita-kita sila, ‘tapos sisihin pa ang lola, ‘Mukhang devil, sinisiraan ang tatay ko,' ‘di ba? Mahirap yun, e. Kaya wala ako'ng sinasabi [na bad] sa kanya. Pero ang mga bata talagang miss na miss talaga nila si Yilmaz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang mensahe para kay Yilmaz, nagpasalamat pa si Anabelle sa mister ni Ruffa.

"Thank you very much at least you moved on. Don't forget that Ruffa is your ex-wife and don't forget that you have two daughters and send them allowance and money every month.

"You know why Yilmaz? The kids always ask me about you. I always tell them good things about you. Don't believe other people...that you told my husband last night, that I always talk bad against you to the kids. No, that's not true. I always talk good things about you to Lorin and Venice.

"Don't forget the allowance every month," paalaala pang muli ni Annabelle kay Yilmaz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN