Piolo Pascual defends Angel Locsin against intrigue, describes their work relationship

"We've seen her grow and, at the same time, nakita naman na may galingsi Angel. Yun naman ang hinihingi niya sa ABS-CBN, to give hersomething, a challenging role and that's what she got," says Piolo Pascual about his Lobo leading lady, Angel Locsin.



Sinagot ni Piolo Pascual ang bagong intriga sa leading lady niya na si Angel Locsin nang dalawin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang set ng Lobo sa Boys Town sa Parang, Marikina, kahapon, April 9.

Isa sa mga isyu kay Angel ay ang intriga na nagsisisi raw ang young actress sa paglipat niya sa ABS-CBN mula sa GMA-7. Ipinagtanggol naman ni Piolo ang kapareha.



"You just let the soap speak for itself," pauna niya. "A lot of people naman have seen how committed she is. So kung iisipin mo yun, parang these are people na parang walang maisip na maganda or we just don't want to look at the positive things that are happening in Angel's life and career. And we've seen naman, di ba?

"We've seen her grow and, at the same time, nakita naman na may galing si Angel. Yun naman ang hinihingi niya sa ABS-CBN, to give her something, a challenging role and that's what she got," pahayag ni Piolo over lunch, kasama ang direktor nila sa Lobo na si F.M. Reyes (kilala rin sa tawag na Direk Erik).



DIRECTOR'S POINT OF VIEW. Hindi naman nakatiis si Direk Erik na magsalita tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Angel.



Kuwento ng direktor, "The first confrontation nila [Piolo and Angel], that was one afternoon, they were about to leave for Dubai. We shot that scene, silang dalawa, and major confrontation nila. Palubog ang araw, so tinawid namin. ‘Tapos we found the three of us after the scene. Nalubugan na kami ng araw. We passed by each other after the taping and mabigat ang loob naming tatlo.



"Actually, ang bigat nagsisimula sa kanilang dalawa. Kasi ako, may iba akong iniisip that time. A friend of mine was sick. So, iba yung dala-dala ko. Maya-maya, hindi mapakali itong si Angel. Lumapit siya sa akin. ‘Can I have a heart-to-heart talk with you?' ‘Tapos sabi niya, ‘You know Direk the reason why I transferred?' Sabi niya sa akin, ‘The reason why I transferred is because gusto kong pagandahin lahat ng ginagawa ko. And I felt so bad, I want to cry now and I don't like. Parang nawalan na ako ng gana. Kasi nalubugan na tayo ng araw at alam ko kahit hindi ka magsalita o hindi ka magbuka ng bibig, deep inside my heart I know it wasn't perfect.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"And the next morning, was it 3 a.m., supposed to be, pack-up sila dahil may flight sila earlier papuntang Dubai. ‘Tapos talagang down, down na down. ‘Tapos funny, kasi sabi ko sa kanya [Angel], 'Anak, I'll do my very best if you will help us find na maisingit natin oras na pumutok ang araw na makakuha tayo. Pakiusapan ko muna ang mga manager ninyo kung puwedeng maka-salvage tayo ng ilang oras before you leave for Manila.



"Hindi kami inabutan ng araw, kailangan na naming umalis. Ang sama ng loob. ‘Tapos nung ipinalabas naman sa ere, it all gained a lot of feedback na beautiful. Kaya pagbalik niya, sabi ko... One, she's the type of who doesn't like yung hindi nagpi-fake. And with such an attitude... Nung pinalabas at ganun kaganda ang remark, sabi ko sa kanya, ‘You see?'

"I think kasi, nung una iniisip ko, ano pa ang ililipat ng isang superstar gaya niya [Angel]? Kung pera't pera lang naman ang habol mo, e, kumikita ka naman. Hindi ka na naghahanap ng stardom, e, star ka na doon sa kabila. So, malaking tanong sa akin yun nung bago siya pumunta sa ABS-CBN.

"'Tapos each day, kaya sinasabi ko na natutunan ko siya, nakikilala ko siya each day na nakakatrabaho ko siya is because mahirap i-fake yun, e. Sasabihin mo pagod ka na, nagte-taping kayo every day, ‘tapos may ganung attitude. Kasi iba ang demeanor niya. Iba ang pakitungo niya sa inyo. Kaya siya lumipat, dahil gusto niyang ma-specialize yung craft ko," mahabang paliwanag ni Direk Erik.



ALL PRAISES FOR ANGEL. Sa ilang buwan na ring pagsasama nina Piolo at Angel sa Lobo, sa tingin ng aktor ay well-bonded na sila ng kanyang kapareha.



"Nakakatuwang kasama si Angel because nakikita mo talaga sa kanya ang dedication sa trabaho," sabi ni Piolo. "Pareho kami. That's what I noticed first when I started working with her. Nakita ko talaga sa kanya yung enthusiasm to learn, to perfect her craft. And you know, more than earning, more than working, her passion really is to become better. Makikita mo talaga na mahal niya yung craft niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Doon kami magkapareho and, personally, because of that, nagkakaroon kami ng parang... Pareho kami ng gusto sa buhay, so we tend to enjoy more our relationship because ine-enjoy namin ang trabaho namin. Nae-enjoy namin ang ginagawa namin kaya nagkakaintindihan kami. I mean, kahit pagod, kahit the next day, sume-segue kami.

"There was one time before I left for the States for two weeks. I was so diyahe because we had to rush, we had to finish a lot of sequences para maipalabas habang wala ako for two weeks. Because hand-to-mouth nga kami, di ba?



"But you know, I was really impressed because never siyang gumive-up. Never siyang umangal. She didn't complain na from Monday to Saturday, we were taping. Kapag pumutok ang araw, uwi lang kami, baklas. Hindi pack-up, e, baklas kami to another location and she was very supportive. Never siyang nagbigay ng problema sa set para ma-delay. So, na-appreciate ko yun, e, because I know she was doing me a favor para sa pag-alis ko ng two weeks. Siya naman, hindi niya kailangang umalis. Pero dahil kailangan naming magbangko ng episode, she was supportive enough na gawin lahat.

"So with Angel, there's no compromises just like what Direk said. She doesn't fake. I mean, when you tell her, ganito na lang. No, she still goes through the process and nakakatuwa because para kang may katrabaho na always excited, always feeling refreshed, at nakikita mo talaga yung gusto niya sa trabaho," mahabang pahayag ng aktor.

PURELY PROFESSIONAL. Isa rin ito sa mga dahilan kaya hindi naisip ni Piolo na bigyan ng ibang kulay ang relasyon nila ni Angel.

Paliwanag ni Piolo, "I think we're friends, but not to the level na... Because we still want to keep that, not naman wall, but you keep that business between you because your scenes are so difficult, your scenes are so emotional, you're supposed to be lovers. I never entertain a single thought na baka puwede kayo, delikado, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ganun din ba siya sa mga naging leading ladies niya?

"It's not that I never entertained it," paglilinaw niya. "I just want to be professional. I don't want things to happen again sa mga nangyari sa akin before because you can get too personal with your work, specially if you don't deal with techniques, e. We're so real with our emotions. We're playing lovers in the soap. When we have to do emotional scenes, yung mga iyakan, love scenes, we deal with real feelings, e.



"So, off-cam, we have to draw the line. We have to know when to stop. Kasi mahirap, baka mamaya madala mo yung scene. Madala mo yung character mo into real life, baka ma-confuse. So, I think I respect so much my artistry and my craft that I have to draw a line who is Noah and who is Piolo."



Inamin naman ni Piolo na minsan na rin siyang nadala noon ng kanyang emosyon at sinubukang makipagrelasyon sa naging kapareha niya. Nadala ba siya sa naging experience niya noon kaya ayaw na niyang ma-involve this time sa leading ladies niya?



"Nadala in the sense na I'm more careful," sabi ni Piolo. "Because I know kung hanggang saan puwedeng abutin yung paglalaro ng emotion. So now, I'm more careful. I'm just more guarded. I think even Angel, because babae ‘yan, e. Mas madaling...mas vulnerable dahil kailangan nilang umiyak, kailangan nilang mag-draw sa experience. So, mas open ang feelings.



"So, I want to protect that too. I want to give her that space because delikado. I mean, she's just starting out in our network. I want her to enjoy her life. I don't want her to be limited, di ba?" pagtatapos ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN