Angelika dela Cruz answers loyalty issue

"Kung masaya ako sa isangbagay, habang nasa isang network ako, ang loyalty ko ay para sa kanila. Perokung wala na ako sa kanila, that doesn't mean na kung anu-ano na ang dapat kongsabihin at ida-down ko ang network na tumulong din naman sa akin, lalo noong timena kailangan ko ng trabaho," explains Angelika dela Cruz about her loyalty to TV networks.



Isa nang ganap na Kapuso star si Angelika dela Cruz dahilang pagpasok ng character niya sa teleseryeng Babangon Ako't Dudurugin Kita aydamang-dama na sa mga araw na ito.

"I also signed a managerial contract with GMA ArtistCenter," sabi pa ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal)."Kaya ang feeling ko, very assured na hindi ako mapababayaan. Aside fromthe fact that I have a guaranteed exclusive contract with GMA for two years."

In other words, sa estadong ito ng career ni Angelika,ipinagkakatiwala na niya ang lahat sa GMA-7 pagdating sa pagpapatakbo ngkanyang career.

"Really, I'm very happy being a Kapuso. Natutuwa ngaako dahil hindi naging problema for me ang pagbabalik sa GMA-7. Madali kongnakausap ang big bosses ng Dos, pumayag sila, and before that, nag-agree na rinang GMA sa gusto kong mangyari.

"Hindi ko talaga gusto yung kapag umaalis, nagkakaroonng mga negang away. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future.Noon, nasa Dos ako, para nga akong pingpong ball. Napunta ako sa GMA, tapos saABS uli; then ngayon, Kapuso uli ako," nakangiting sabi ni Angelika.

ANGELIKA'S LOYALTY. May mga nagsasabi namang kahina-hinalaang kanyang loyalty dahil sa paglipat niya ng networks.

"I just put it this way, kung masaya ako sa isangbagay, habang nasa isang network ako, ang loyalty ko ay para sa kanila. Perokung wala na ako sa kanila, that doesn't mean na kung anu-ano na ang dapat kongsabihin at ida-down ko ang network na tumulong din naman sa akin, lalo noong timena kailangan ko ng trabaho. Walang dahilan para hindi nila maintindihan angpoint ko pagdating sa bagay na 'yan. Wala namang personalan," paliwanag niAngelika.

Aware si Angelika na nagkaproblema rin sa kanya ang ilangtao dahil sa pagiging bratinella niya noon.

"Kasi bata pa ako noon, immature," sabi niAngelika. "Eventually, natututunan ko yung pakikisama. At saka noong time na yun, kapag in love ako,wala akong pakialam sa iba. Doon lang sa taong yun umiikot ang mundo ko. In thepast kasi, ang mga nakarelasyon ko, puro taga-showbiz. Ngayon, nabago angperspective ko mula nang magka-boyfriend ako na wala sa showbiz, and at thesame time, mas mature talaga sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL GOING STRONG. Three years na rin dawang itinatakbo ng relasyon nila ni Orion Casareo, isang young businessman whobelongs to a prominent and wealthy family.

"Siya yung maraming naituturo sa akin, lalo napagdating sa pera, kung paano mai-invest nang tama yung kinikita ko. Kasi,negosyante siya. Hindi lang yung tungkol lang sa relasyon. Aware din ang daddyko sa magandang influence ng boyfriend ko sa akin, kaya naman wala kangmaririnig na reklamo sa daddy ko.

"Besides, nasa hustong gulang na ako para mag-decidekung ano ang dapat para sa akin. May tiwala naman ang daddy ko sa akinpagdating sa bagay na 'yan," sabi ni Angelika.

DADDY'S GIRL. Pagdating ngasa career, lahat halos ay diskarte na ni Angelika ngayon. Kaya ang amang si Erniedela Cruz ay naka-focus na lang sa management ng family-owned bar nila saMalabon, ang Starz.

"Minsan stressed ang daddy ko dahil may mga problema saganyang business. I told him nga, if it's not worth it, i-give up na lang niya.Hindi naman niya kailangang magtrabaho.

"Kaya na namin ng mga kapatid ko ang itaguyod ang mgasarili namin, at susuportahan din namin siya. But my dad is not the type whowould just stay home. Gusto niya, yung may pinagkakaabalahan din siya," lahadni Angelika.

RECORDING CAREER. Pati ang sinasabing pagbongga uli ng recordingcareer ni Angelika ay tiyak na ipagkakatiwala na rin niya sa GMA Artist Centerang diskarte.

"Inaayos na rin naman. Wala pang linaw ang mga detalye.Pero kapag nariyan na, ipaaalam ko naman agad. Nagkaproblema kasi ako sa BMGnoon, nagkademandahan sa kontrata, di ba? Nalusutan naming yun kaya kailangangmas maging maingat na kami sa pakikipagkasuduan pagdating diyan.

"Isa 'yan sa mga gusto kong mangyari sa pag-aartistako, na hindi masyadong nabigyan ng katuparan noon. Hopefully,makapag-concentrate ako sa singing," pagwawakas ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN