Anjo Yllana and Jackie Manzano are filing for divorce

"It's a friendly separation," Anjo Yllana told managerDouglas Quijano about his and Jackie Manzano's decision to finally file fordivorce.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang long-timemanager ni Anjo Yllana na si Douglas Quijano, at mula rito ay nakalap ng PEP nanagdesisyon na ang mag-asawang Anjo at Jackie Manzano na mag-file ng divorce.

"It's been an on-off relationship for 13 years. There is nothird party involved on both sides. Hindi lang magkasundo talaga," sabi raw niAnjo sa manager niyang si Douglas. Matagalnang talent ni Douglas si Anjo na nagsimulaang showbiz career nung 1984 matapos i-give up ang pangarap na maging professional basketball player.

"I think it's the age difference. Thirty-nine years old siAnjo, if I remember right, may 10 year difference sila," ani Douglas sa PEP.

From Jackie's imdb.com entry, she was born March 31, 1981,at kung thirty-nine si Anjo, he was born, April 24, 1968, making their agedifference 13 years. Nagkasama sina Anjo at Jackie sa pelikulang Milyonaryong Mini noong 1996 atnagpakasal din sa Las Vegasthat same year. Sa Las Vegas din daw magpa-file ng divorce sina Anjo at Jackie.

"It's a friendly separation," sabi pa raw ni Anjo kay Douglas. "They will share the children na dalawangnakatatandang babae at dalawang nakababatang lalaki. Apat ang anak nila. Walana raw problema sa paghahati sa mga bata. Kay Jackie raw ang mga bata ‘pag weekdays,at kay Anjo naman, ‘pag weekends. ‘Pag mag-a-abroad naman ang isa sa parents,dun ang mga bata sa maiiwan.

"It was waiting to happen for 13 years," ayon pa kay Douglas about the separation. "But parang because of thechildren kaya ‘di sila makapag-separate."

Ipinanganak ni Jackie sa San Francisco last December ang pang-apatnilang anak na isang baby boy.


"ROCKY" RELATIONSHIP.Sa simula pa lang daw, ay ‘di na talaga maayos ang relasyon nina Anjo atJackie. Rebelasyon nga ni Anjo kay Douglas, "rocky" raw talaga ang relationship nila ni Jackie and there was a time daw nanaghiwalay sila ni Jackie sa loob ng isang buong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2003, nabalitang sinaktan umano ng Parañaque counselorpa noon na si Anjo si Jackie sa isang club sa Makati City,habang gumigimik ito kasama ang ilang mga kaibigan. Ganti raw ito ni Jackie satsismis na idine-date ni Anjo ang dalawang balikbayan co-host niya noon sa Eat Bulaga!. Pinasinungalingan naman itoni Anjo at hindi na rin naman nagsalita pa tungkol sa tsismis na ito si Jackie.

Last year naman, na-involve ang pangalan ni Jackie sa exposéni Edward Ronquillo, ex-driver ng Batangas vice governor na si Marc Leviste. Sinabi ni Ronquillo na nagkaroon ng relasyon sina Leviste at Jackie. Itinanggi naman nina Jackie at Anjo angexposé ni Ronquillo at itinanggi rin nilang maghihiwalay na sila. Katatalo langni Anjo bilang vice mayor ng Parañaque last year, habang nag-leave naman siJackie sa trabahong flight attendant para sa airline company na Cebu Pacificdahil sa pagbubuntis nito.

Sabi ni Douglas, malaki ang bilib ni Anjo sa talino't galingni Jackie. "I think she topped the exams she took for flight attendant," ayonpa uli kay Douglas. "Magaling si Jackie atalam ni Anjo yun. That's why he wants her to pursue her career."

As of this writing, patuloy pa ring kinokontak ng PEP siAnjo for his comments.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN