FIRST READ ON PEP: Regine Velasquez's leading men in "Kim Sam Soon" revealed

Asia's Songbird Regine Velasquez will have Mark Anthony Fernandez (inset, top) and Wendell Ramos (inset, bottom) as leading men in the Philippine adaptation of the Koreanovela My Name Is Kim Sam Soon.



Finally, nakakuha na ang GMA-7 ng dalawang makakatambal niRegine Velasquez para sa Philippine adaptation ng Koreanovela na My Name is KimSam Soon. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sina MarkAnthony Fernandez at Wendell Ramos ang napili ng Kapuso network na makasama niRegine sa naturang romantic-comedy series.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa isang taong malapit kina Mark atWendell, binigyan na kami ng go-signal na isulat ang mga makakapareha niRegine sa Kim Sam Soon dahil sigurado na raw ito. Medyo natagalansila sa pagpili ng makakasama ni Regine dahil sa story, 10 years younger sa kanya angbidang lalaki, plus busy rin ang mga male talents ng GMA-7 sa iba't ibangshows.

Sa May 1 na raw ang simula ng taping ng Kim SamSoon at ang mga direktor nito ay sina Dominic Zapata at Khryss Adalia.

Si Mark ang gaganap na Cyrus, young boss ni Kim Sam Soon sapatisserie na pinapasukan niya at mai-in love sa kanya. Si Wendell naman willplay the role of the doctor, si Danny, na manliligaw rin kay Kim Sam Soon.

For her role, matagal nang nag-aaral ng pagluluto at baking cakes and pastries si Regine.

Tamang-tama ang schedule nila dahil tapos na ni Regine bythat time ang taping ng kanyang birthday special na mapapanood sa Sunday, April27, sa GMA-7. Si Mark ay matatapos na rin ang taping this week para saKamandag, na ang final episode ay ipalalabas sa April 25. Si Wendell naman ayonce a week lang nagte-taping ng Tasya Fantasya, ang weekly fantasy series napinagbibidahan ni Yasmien Kurdi.

Tiyak na magdo-double time sila sa taping dahil paalis siRegine sa third week of May para sa series of concerts niya sa iba't ibang bars andcasinos sa Las Vegas. Sa first week of June na ang balik niya sa Pilipinas.

Kaugnay nito, malabo namang matuloy ang shooting ng Love isDeaf...and Blind nina Regine at Ogie Alcasid na co-production venture ng GMAFilms at Viva Films. Naka-schedule din sana ito sa June.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP si Veronique del Rosario-Corpus ng VivaFilms sa presscon ng When Love Begins ng Star Cinema at Viva Films. Ayon sakanya, nahihirapan daw silang mag-schedule dahil parehong busy angmagkasintahan.

Bukod sa abala raw sa taping si Regine ng kanyang birthdayspecial, magsisimula na rin siyang mag-taping ng My Name is Kim Sam Soon at mayshows pa siya sa Las Vegas sa last week of May.

Ganoon din naman si Ogie, na busy na rin sa pagte-taping ngkanyang bagong game show sa GMA-7, ang Da Big Show, at bilang isa sa mga judgeng Pinoy Idol. Once kasing natapos na ang pagpapakita ng mga auditions, live nasila twice a week.

Ang isa pang pinagkakaabalahan ni Ogie ay ang nalalapitniyang 20/20 concert, na magsisilbing celebration na rin ng kanyang 20thanniversary sa show business, sa Araneta Coliseum. Bukod kasi sa pagiginghands-on ni Ogie sa pagpili ng repertoire niya,siya pa rin ang personal na kumakausap sa 20 guests niya.

Hindi masyadong mahihirapan si Ogie pagdating saKapuso stars, ang pagkausap sa mga singers ng ABS-CBN ang pinuproblema niya. Sofar, si Gary Valenciano pa lang daw ang pumayag na mag-guest sa concert niya saSeptember.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN