PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackie Manzano reiterates Anjo Yllana's statement about filing for divorce

Jackie denies Batangas vice gov. Marc Leviste as the third party responsible their separation.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 14, 2008
Jackie Manzano revealed in Showbiz Central she and Anjo Yllana had separated earlier, but they got back together and had a baby last year. Problems continued to plague their marriage until they both decided to file for divorce.

Hindi na nga itinago pa ni Jackie Manzano ang tungkol sa paghihiwalay nila nang tuluyan ng kanyang mister for 13 years na si Anjo Yllana.

Sa isang ekslusibong panayam ng Showbiz Central kay Jackie, nasabi nga nito na marami na raw silang hindi napagkakasunduan ni Anjo at last resort na raw ang maghiwalay sila at maging kaibigan na lang.

Nalaman pa nga na matagal na palang hiwalay sina Jackie at Anjo pero nagkabalikan sila kaya ito nabuntis last year sa pang-apat nilang anak.

Nagkaroon pa nga ng kumplikasyon sa pagbubuntis si Jackie na muntik na nitong ikamatay. Pero naging maayos naman ang panganganak niya sa Amerika at inakala nga nila na iyon na ang magiging daan para maging maayos na ang takbo ng samahan nila.

Pero hindi raw maiwasan na bumalik ang mga paulit-ulit nilang problema sa pamilya. Kaya nagdesisyon na ang dalawa na tuluyan nang maghiwalay.

Unang umalis si Jackie at tumira pansamantala sa ina nito. Pero ngayon ay si Jackie at ang kanilang mga anak ang nakatira sa bahay nila sa BF Homes Subdivsion in Parañaque City at si Anjo ang naghanap na ng sarili niyang tirahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwing weekends daw, nakukuha ni Anjo ang mga bata dahil abala rin si Jackie sa kanyang trabaho ngayon bilang flight attendant sa Cebu Pacific.

Pinabulaanan din ni Jackie ang balita na ang vice governor ng Batangas na si Marc Leviste ang sinasabing third party sa hiwalayan nila ni Anjo.

Galing na mismo sa bibig ni Jackie na twice lang daw niyang nakita itong si Marc Leviste at hindi naman daw sila close friends tulad ng kine-claim ni Marc.

Pinagdiinan naman pareho ni Jackie at ni Anjo na walang third party involved at mutual decision daw ang kanilang paghihiwalay.

Magpa-file na nga raw ng divorce ang dalawa sa Las Vegas, kung saan sila ikinasal noong 1996.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jackie Manzano, Anjo Yllana
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Manzano revealed in Showbiz Central she and Anjo Yllana had separated earlier, but they got back together and had a baby last year. Problems continued to plague their marriage until they both decided to file for divorce.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results