Marcus Madrigal chooses gay roles carefully

"Kung sa kaya, magagawa ko yun, e. Ang point ko lang,dapat ay very significant yung project na matitiyak kong maganda ang magigingbalik sa akin," says Marcus Madrigal about doing sex scenes with another maleonscreen.



Ang pakiramdam namin noon ay nawala na lang si MarcusMadrigal sa eksena. 'Yun pala, sa pagtamlay ng mainstream films, sinamantala niMarcus ang pagkakataon para mag-concentrate sa teatro.

Nakitang muli ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siMarcus sa album launch ng soundtrack album ng indie film na Sa Pagdapo ng Mariposa,produced by Hubo Productions (na siyang nag-produce ng critically-acclaimed Compound),na ginanap sa Teatrino ng Greenhills.

"Napanood ako sa stage productions ng Kanser, NoliMe Tangere na gumanap ako as Elias, Florante at Laura, and thecontemporary play na Laro, where I played the role of a call boy.

"Dapat ay kasama ako sa Perlita ng Silangan,pero nagkasakit ako noon. Nakapag-rehearse na ako, kaya lang, physically, hindina ako pumuwede," kuwento pa ni Marcus.

SA PAGDAPO NG MARIPOSA. May homosexual undertones ang Sa Pagdapo ng Mariposa,kung saan gumaganap si Marcus bilang athlete who had a bad fall, at nagingdependent sa kanyang caregiver, portrayed by Josh Deocareza.

"Naging helpless ako sa story. Kasi, straight guy ako riyan.Mahilig ako sa babae, then, this guy was the only one who took care of me, at naroonsiya noong kailangan ko talaga ng suporta.

"Pero, yung love scenes namin dito, very tender.Suggestive lang. Hindi talaga ako uubra roon sa gay films na parang hardcorena, yung todo-laplapan.

"Naniniwala kasi ako na may paraan to do it, na effectivepa rin," pahayag ni Marcus.

NO PROBLEM WITH GAY LOVE SCENES, BUT... Bago pa ang Sa Pagdapo ng Mariposa, marami nanginialok na digital gay films kay Marcus. Pero, natatanggihan niya pagdating saexecution ng maseselang eksena.

"Hindi sa nag-iinarte ako. Kasi, kung gagawa ako ngganoon, it must be worth it. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng actingcareer ko kung ipinakita ko na ang lahat-lahat at nakipaglaplapan na ako sakapwa ko lalaki sa harap ng kamera.

"Kung sa kaya, magagawa ko yun, e. Ang point ko lang,dapat ay very significant yung project na matitiyak kong maganda ang magigingbalik sa akin, hindi yung pagkatapos kong gawin, wala na, nakatiwangwang nalang ako," nasabi ni Marcus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-audition pa si Marcus para sa nabanggit na pelikulangdinirek ni Will Fredo. Kaya ang feeling niya, para talaga sa kanya yung role.

"Wala nga akong idea na may kabaklaan pala ang istorya.But, that's okay. Inintindi ko munang mabuti yung role at na-challenge ako.Wala namang kalaswaan dito," pagtatapat pa ng aktor.

Beinte-sais anyos na si Marcus, at mula noong 16 years oldpa lang siya, gumaganap na siya ng daring roles.

"Walang problema roon, pero hindi pa ako lumabas sa isanggay movie na may todo-laplapan with my partner, o ipinakita ko na anglahat-lahat.

"Hindi ko sinasabing 'di ko gagawin, pero dapat ay doonsa isang pelikula na mararamdaman kong kailangan talaga ang mga eksenang yun atmas makabubuti sa akin ang epekto," pagtatapat ni Marcus.

GMA-7 REGULAR. Kahit sa kawalan ng magagandang offers sa pelikula, nagingmaayos pa rin ang kapalaran ni Marcus bilang artista sa pamamagitan ng TV.Nakalabas siya recently sa Daisy Siete, at nagkontrabida kay RichardGutierrez sa Kamandag.

"Mas naging suki ako ng Siyete. Sila kasi yung lagingmay offer sa akin. Nakalabas ako sa Bakekang, Magic Kamison, PatiBa Pintig ng Puso?, at Pasan Ko ang Daigdig.

"Natutuwa naman ako dahil may paglalagyan pa rin akorito sa showbiz. At saka nakatulong talaga ang training ko sa teatro. Wala ngalang pera, pero ang natutunan ko rito, mukhang matagal kong pakikinabangan sapag-aartista ko," pagwawakas ni Marcus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN