Jennylyn Mercado wants baby girl: "Siyempre, mas masarap. Mas may inaayusan."

Jennylyn Mercado says although she has been talking toPatrick Garcia lately, she's not ready yet to see him. "Sa ngayon, siguro,hindi muna. Parang, after all, ganoon lang kadali, ‘di ba?"



Kung hindi mo alam na buntis, hindi mo agad mahahalatangfive months pregnant na si Jennylyn Mercado. Bukod kasi sa hindi ito matabangmagbuntis, nakakapag-suot pa rin ng mga seksing outfit tulad na lang nga nangmag-guest siya sa Showbiz Central noong Linggo na seksing-seksi pa rin sakanyang kasuotan.

Ayon kay Jen, sana nga raw ay hindi na siya talagang tumaba pa.

"Sana talaga huwag na ‘kong tumaba!" nakatawa niyang sabi saPEP (Philippine Entertainment Portal). "At saka, ano naman, e, nagda-diet dinnaman ako. Yung mga tamang pagkain lang talaga yung kinakain ko para hinditalaga ‘ko masyadong tumaba or lumaki masyado yung baby. Mga healthy vegetablesand fish ang kinakain ko, pero walang rice."

Kuwento rin ng PEP kay Jennylyn na nakita namin sa Facebookaccount niya ang mga sexy pictures niya sa Boracay. Kahit buntis aynaka-two-piece pa rin siya at very fashionable pa rin.

Natatawa si Jen dahil, aniya, sinubukan niya talagangmag-two-piece pa rin dahil bukod sa mga malalapit niyang kaibigan ang kasama,gusto rin niyang magkaroon ng remembrance through photos.

GLOWING. In fairness to her, ibang-iba na rin angipinapakita niyang disposisyon sa buhay at halatang mas naggo-glow at masmasaya siya ngayon. Mabilis ang naging sagot ni Jen na, "Siguro ano, wala nangproblema kasi."

Dugtong pa niya,"Tapos na kasi ang mga problema. Tapos naang mga stress."

Ayon kay Jen, simula raw ng mga intriga sa pagitan nila ngama ng dinadala na si Patrick Garcia, hindi pa raw sila nagkakaroon ng chancena magkita. Pero hindi nito itinatangging minsan ay nagkakausap sila kapagtumatawag ito or nagte-text.

So, PEP asked her, kung wala na ba yung love na datingnararamdaman niya for Patrick?

"Siguro ano...siguro kailangan ko na lang talagang maging nicesa kanya. Kasi, siya yung tatay ng anak ko. Pero anything else, wala na...Wala natalaga. Siyempre yung sa feelings, sa love...hindi naman mawawala yun completely.Nababawasan lang, pero, hindi naman totally nawala na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung magkita raw sila, hindi raw niya alam what to expect.

"Hindi pa kami nagkikita talaga, kaya nga sabi ko, hindi koyata alam ang gagawin ko kung magkita kami or makasalubong ko man siya. Kungmagkausap man kasi kami, it's ‘hi, hello,' yun lang."

IT'S MERCADO, NOT GARCIA. Noong makorner ng PEP siPatrick sa presscon ng Babangon Ako't Dudurugin Kita, isa sa tilarequest lang nito ay ang makasama man lang daw sana siya tuwing may check-up siJennylyn sa ob-gyne.

May pagkakataon na ba na nangyari ang hiling ni Patrick?

"Hindi naman niya sinasabi, e. If ever man, okey lang namansa akin. Pero siguro kapag ready na rin ako na nandyan sila...nag-usap namankami, e. Sinabi ko naman sa kanya na, ‘Anytime na maging ready ako na makitakayo ulit, sasabihin ko naman, e.'

"Sa ngayon, siguro, hindi muna. Parang, after all, ganoonlang kadali, ‘di ba?"

Hindi itinatanggi ni Jen na nang makapagdesisyon siyangtapusin na ang lahat sa kanila ni Patrick at makapag-move-on, mas um-okey na talaga ang lahat sa kanya.

As of now, wala pa siyang nakahandang pangalan para samagiging anak niya, mapa-boy or girl man ito. Pero ayon kay Jen, kung siya rawang masusunod, mas gusto raw sana niyang girl ang maging gender ng anak.

"Siyempre, mas masarap. Mas may inaayusan," nakatawa niyangpahayag.

Kung dati-rati ay nalungkot siyempre ang mga kinikilalaniyang magulang sa biglaang pagbubuntis niya, ngayon daw ay mas excited pa ang mgaito sa isisilang niyang anak.

"Sobrang excited na sila. Gusto na rin nilang makita talaga.At saka, siyempre, first apo kasi nila. ‘Tapos, sa father's side ko naman, akorin yung unang nagka-baby. Kasi, yung mga cousins ko, matatanda na rin sila,pero hindi pa sila nagkakaroon ng anak."

When it comes to the baby's surname naman, diretsahangsinabi ni Jen na Mercado talaga ang ibibigay niyang apelyido ng bata, contrarysa kagustuhan ni Patrick na isunod naman sa apelyido nito ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mercado...Mercado po talaga," may diin niyang sabi.

GOING BACK AFTER GIVING BIRTH. Hangga't kaya niya rawat hanggang may kumukuha pa rin sa kanya, tuluy-tuloy pa rin daw siya sapagtatrabaho. Like yung mga ginagawa niya ngayon na guestings sa iba'tibang Kapuso shows.

"Tuluy-tuloy pa rin po siguro hanggang seven, eight months.Kung hanggang saan yung kaya ko pa po. At siyempre kung gusto pa rin nila kongkuhanin. Siyempre po, after ko na manganak, magpapahinga muna. Ayoko naman ponglumabas na ang laki pa rin ng tiyan ko, maga pa ang mata ko," natatawa niyangsabi.

Sa lahat, umaasa raw siyang pagkapanganak ay makakabalik parin siya sa showbiz.

"Sana...kasi, mahirap din namang mag-isip. Marami na rinnamang situation na ganito na nabuntis, nanganak, ‘tapos, hindi na makabalik.Siguro po, kung bibigyan pa rin nila ‘ko ng opportunity."

NO REGRETS. Sa huli, sa kabila naman daw ng mgapinagdaanan niya dahil sa pagbubuntis at naisakripisyo niya in a way angkanyang career, wala raw siyang nararamdamang anumang pagsisisi.

"Sobrang blessing kasi sa akin ang nangyari. Noong una,mahirap, pero after a month or two, makaka-move on ka talaga. Kasi, ang damingnagmamahal sa ‘yo. Mari-realize mo na mas marami ang nag-aalaga sa ‘yo kahitwala yung tatay, okey lang.

"Ngayon mo na-prove na yung mga kaibigan mo, yung mga taongnagmamahal sa ‘yo, nand'yan lang sila kahit na anuman ang mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN