Ben Chan clarifies disappearance of Dingdong Dantes's Bench billboards

"Di ba, madalas kamingnagpapalit? Like ngayon, turn naman ni Sarah [Geronimo; inset, bottom]. So yung iba niyan, pinalitan nani Sarah... Some will stay for a month, some will stay for two weeks. Depende, kasiwe need it already," explains Bench owner Ben Chan (inset, top) about the disappearance of Dingdong Dantes's billboards.



Kailan lang nang magkaroon ng bonggang launching ang Benchpara sa bagong celebrity endorser nila na si Dingdong Dantes. Last Tuesdaynight, April 15, sa skating rink ng SM Mall of Asia (MOA) ay isa na namangbonggang launch ang naganap, kung saan ipinakilala naman si Sarah Geronimobilang pinakabagong HerBench celebrity endorser.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) na makausap ang may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan right after ngpresentation sa mismong skating rink ng MOA.

Ayon kay Mr. Chan, masayang-masaya sila na finally ay nakuhana rin nila ang serbisyo ni Sarah bilang pinakabago nilang endorser. Aniya,"Sarah is very good singer, very good actress, very good host pa. Mahusay!Gifted talaga. I think we're very lucky that Sarah finally signed up with us."

Hindi naman itinanggi ni Mr. Chan na ang pagkakaroon niSarah ng maraming following ay isang malaking bentahe ng young singer-actressbilang bago nilang endorser.

"Big factor talaga yun. Ano siya, e, all classes from A to Dclass, hawak niya. Kita n'yo naman, pati yung may-ari ng SM, e, nanditokanina," masayang lahad ng Bench owner.

CONTROVERSIAL BILLBOARD. Kinuha na rin ng PEP angpagkakataon upang kunin ang pahayag ni Mr. Chan tungkol sa nagigingcontroversial na billboard ni Dingdong. Last month lang naganap angunveiling ng billboards ni Dingdong, pero balitang unti-unti nang tinatanggal ang mga ito, lalo na yung nasa Quirino Avenue.

"Hindi naman," paglilinaw ni Mr. Chan. "Di ba, madalas kamingnagpapalit? Like ngayon, turn naman ni Sarah. So yung iba niyan, pinalitan nani Sarah. After a while, school opening naman ang aming campaign. So, ibangcampaign na naman.

"Yung sa Quirino, tinanggal yun kasi pinalitan namin ng iba.Katulad ni Sarah, ni-launch namin siya, kung saan-saan available ang billboardsniya. Some will stay for a month, some will stay for two weeks. Depende, kasiwe need it already," paliwanag niya.

Lumabas ang intrigang may mga moralista raw kasi nanalalaswaan sa mga billboard ni Dingdong, kung saan naka-Bench underwear langang young actor. Ito raw ang dahilan kung bakit madaling nawala ang ilangbillboards ni Dingdong dahil inireklamo talaga at ipinatanggal ng mgasinasabing moralista. Ano ang masasabi ni Mr. Chan dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, kasi bakit meron pa rin namang ibangbillboards niya na nandiyan pa rin? Bakit hindi naman tinanggal? At saka,approved by the AdBoard yun, e. Lahat naman may approval bago namin gamitin, diba? Either in print or billboard, aprubado ‘yan ng AdBoard. Bago namin ilabas,kailangan may pirma," pahayag ni Mr. Chan.

Hiningan na rin ng PEP ng reaksiyon si Mr. Chan sa isyungnaging source daw ng insecurity or inggit ng ibang Bench endorsers angnaganap na launching ni Dingdong.

"Ah, hindi!" tanggi ni Mr. Chan. "Katulad nga ng sabi ko,depende sa kung sino ang nilu-launch or kung ano ang nilu-launch namin. Likehere [Sarah's launch], wala naman tayong cruise, ‘ika nga, na Pasig River [like in Dingdong's case].

"Katulad nga ng sinabi ko last time, depende kasi sa kungano ang uso. Kung ano ang panahon, so sinusunod lang namin. Ganoon lang yun. Angnakakatawa nga, sinasabi nila, bakit naman daw si Piolo [Pascual]? Si Piolo,ni-launch namin siya noon sa ASAP. Iba namang gimmick, di ba?

Sa huli, tiniyak ni Mr. Chan na tuloy na tuloy ang yearlyevent na inaabangan sa Bench—ang pagsasama ng mga Bench celebrity endorsers sa BenchUnderwear fashion show sa July.

When asked kung si Dingdong ba ang magiging highlight ngshow since ang young actor ang latest underwear endorser, ngiti na lang ang itinugonng may-ari ng Bench.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN