FIRST READ ON PEP: Claudine Barretto denies snubbing incident with Judy Ann Santos

"Paano naman kami mag-iisnaban, e, hindi namankami magkasama sa isang pictorial?" explains Claudine Barretto about the reported incident between her and Judy Ann Santos in a Preview pictorial.



Muli na namang aktibo ang aktres na si Claudine Barretto sakanyang showbiz career after niyang manganak last year sa baby nila ng mister niyang si Raymart Santiago na si Rodrigo Santino.

Ang Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection naMaligno ang magsisilbing comeback project ni Claudine sa kanyang home network,ang ABS-CBN. Dito ay gagampanan ni Claudine ang papel na unang ginampanan niMs. Susan Roces sa pelikula 30 years ago.

Claudine plays the role of Angela, isang newscaster namatapang at palaban ngunit siyang nakatakdang maging ina ng anak ng Diyablo. Sapress preview ng first episode ng Maligno kagabi, April 16, sa Studio 1 ngABS-CBN, tunay na nakakatakot at nakakasindak ang rape scene nila ni RafaelRosell. Tuloy, marami ang nagtanong sa aktres kung hindi ba siya nahirapan atnatakot sa particular scene na ‘yon.

"Actually, kinabahan ako," pag-amin ni Claudine. "Kinabahantalaga ako siyempre. Although lahat naman ng klase ng rape scenes, ever sincenaman na mga nagawa ko dati, palagi akong kinakabahan."

Sa naturang rape scene ay nakahubo't hubad daw si Rafael.Hindi ba nailang si Claudine sa eksena nilang ‘yon?

"Hindi ko talaga siya nakita na hubo't hubad, kasi ang totooniyan, meron akong body double nung time na ‘yon. Kasi kapag makita mo,mabubugbog ka talaga. At saka noong ginagawa namin yung scenes, haloshimatayin na ako sa sobra-sobrang struggle. Hindi ko talaga kaya physically. Atsaka, kapag kami ang magkaeksena, naka-shorts siya [Rafael]!" natatawang lahadni Claudine.

Hindi naman kaila sa lahat na Born-Again Christian siClaudine, pero aniya, hindi nagkaroon ng conflict sa pananampalataya niyaang paggawa ng Maligno na very dark ang tema. Malaking factor din daw na ilansa mga kasama niya rito ay mga Christians din, tulad ni Rio Locsin na ang asawaay isang pastor, ang dating PBA player na si Padim Israel.

Hindi rin daw nakaramdam ng kakaiba si Claudine during the taping.

"Wala...wala naman," sabi niya. "Siguro kasi, I always say myprayers, yung mga verses sa Bible. Unlike noong ginagawa namin ang Nasaan KaMan [her 2005 movie], may naramdaman akong kakaiba. Maybe because, at thattime, baby Christian pa lang ako. Unlike now na mas buo na yung pagigingChristian ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apat na linggo lamang tatakbo ang Maligno, na magsisimula sa April 28.

ISSUE WITH JUDY ANN. Natanong din kay Claudine ang sinasabing isyu sa kanila niJudy Ann Santos. Na kesyo nag-iwasan sila na magkasama nang sabay sa pictorialpara sa Preview magazine, kung saan nakasama rin nila sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez.

Nadagdagan pa ang isyu nang mag-guest si Judy Ann sa Showbiz Central last Sunday, April 13, atmasalang sa lie-detector test. Nang tanungin ni John Lapus si Juday tungkolsa naturang pictorial ay "lie" ang lumabas na resulta sa sagot ng aktres.

Pero ayon kay Claudine, "Alam mo, hindi ko pa alam yunactually. Ngayon ko lang talaga narinig ‘yan. Hindi talaga kami magkasama. Hindirin kami magkasama ng ate ko [Gretchen], hindi rin kami magkasama ni RuffaGutierrez."

Napailing na lang si Claudine at tila hindi makapaniwala namay isyu pa pala ng isnaban sa kanila ni Juday sa naturang pictorial.

"Ano ba ‘yan? Paano naman kami mag-iisnaban, e, hindi namankami magkasama sa isang pictorial?" sambit niya.

Matagal nang iniintriga sina Claudine at Judy Ann, na mayconflict daw sa pagitan nila. Pero ayon kay Claudine, wala raw siyang alam naaway sa pagitan nila ni Juday.

"Honestly, wala akong alam na nagkaroon kami ng conflict,ever," giit niya. "Palaging may nasusulat. Palaging sinasabi ng ibang tao or yunang gusto ng ibang tao, pero, wala talaga.

"Siguro,ever since kasi, palagi kaming pinagko-compete ni Juday. Pero kaming dalawa,wala kaming problema. I don't remember a time na nagkaroon kami ng problema.Kapag nagkikita kami ni Juday, kumustahan. Ang palagi naming napag-uusapan, yung mga anak namin."

CLAUDINE AS A MOTHER. Hindi naman ikinakaila ni Claudine na sa pagbabalik showbiz niyasa limelight, may mga pagkakataon na nami-miss niya ang mga anak na sinaSantino at si Sabina. Pero aniya, she always makes it a point na hindi magkulangng oras para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong unang taping ng Maligno, sobra akong ninenerbiyos.So, ang ginawa ni Raymart, dahil lagi kong nami-miss,dinadala ni Raymart sa set yung mga bata," kuwento ni Claudine.

Tinanong din ng PEP si Claudine kung may kulang pa basa buhay ngayong tila she's the picture of a complete woman.

"Kumpleto na talaga. Siguro kung may mahihiling manako is good health lang talaga for my kids, for my husband, sa pamilya. Yunlang," nakangiting pahayag ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN