Kim Chiu finds it difficult to act angry at her idol Claudine Barretto

"Nahiya po talaga ako sa kanya dun sa eksena namin na magagalitna ako sa kanya, yung duduruin ko na siya. Nahihiya akong sigawan siya, nahiyatalaga ako. Kasi, di ba, idol mo ‘tapos sisigawan mo, duduruin mo, sasaktan mo?" says Kim Chiu about doing a scene with her Maligno co-star Claudine Barretto.



Kasama siKim Chiu sa bagong horror series ng ABS-CBN na Maligno, kung saan ginagampanan niya ang papel ng isangnews reporter. Kasama rin ni Kim dito sina Claudine Barretto, Diether Ocampo,Rafael Rosell, at ang kanyang ka-love team na si Gerald Anderson.

Very open si Kim sa pagsasabing matagal na niyang idol siClaudine. Kaya naman sa una nilang pagsasama sa isang proyekto ay aminado angyoung actress na hindi siya makaarte nang maayos kapag si Claudine na angkaeksena niya.

"Nahiya po talaga ako sa kanya dun sa eksena namin na magagalitna ako sa kanya, yung duduruin ko na siya. Nahihiya akong sigawan siya, nahiyatalaga ako. Kasi, di ba, idol mo ‘tapos sisigawan mo, duduruin mo, sasaktan mo?Kahit po eksena lang yun, talagang nahihiya ako sa kanya," tila nahihiya pang lahad ni Kim sa presscon cum presspreview ng Maligno kagabi, April 16, sa Studio 1 ng ABS-CBN.

Pero ayon kay Kim, pinayuhan naman daw siya ni Claudine na huwagmailang sa kanya.

"Sabi po niya sa akin, 'Relax lang, anak. Ganyan,ganyan.' Pero hindi pa rin ako nare-relax. Nakakalimutan ko pa rin yung mgalinya ko, lahat. Pati pag-iyak ko, hindi ko na magawa.

"Sabi pa ni Ate Claudine sa akin, 'Alam ko magaling ka.Alam ko marami ka pang ilalabas. Huwag kang mahiya sa akin.' Sabi ko, ‘Nahihiyapo kasi ako. Kasi po ang galing-galing ninyo. Kanina pa kayo umiiyak. Ako, hindi komagawa.' Sabi niya, 'Huwag mong isipin na ako si Claudine. Isipin mo lang naako yung pumatay sa nanay mo. Huwag kang mahiya na saktan ako. ‘Tapos nakailangtakes, apat o lima yata," kuwento ni Kim.

Naniniwala ba si Kim na totoong may maligno?

"Opo, natatakot nga po ako ‘pag ako lang mag-isa. Kasi bakamay tumabi po sa akin na something," nakakatuwang sagot ng winner ng unangPinoy Big Brother Teen Edition.

Pero bakit tinanggap niya ang Maligno?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po kasing tumanggap ng challenging role, yungkakaiba naman. Hindi yung pa-cute lang na lagi kong ginagawa sa screen. Bale first mature role ko nga po itong saMaligno," sagot ni Kim.

"GERALD IS NOT MY BOYFRIEND." Kapag tinatanong naman si Kim kung boyfriend na niya ang ka-loveteamniyang si Gerald Anderson, ang lagi niyang sinasagot ay magkaibigan lang sila. Peromarami ang nagsasabi na may namumuo nang relasyon sa pagitan nila at inililihimlang daw nila ito.

"Ay hindi, wala po kaming inililihim ni Gerald. Kasi magkaibiganlang naman po talaga kami," giit ni Kim.

Dagdag pa ng dalaga, kung sakaling maging boyfriend niya si Geralday hindi nila ito ililihim.

"Aaminin po namin ito sa lahat para naman po matuwa dinyung mga fans," sabi niya.

Noong hindi pa artista si Kim ay nagka-boyfriend na siya. Satingin kaya ni Kim ay si Gerald na ang susunod niyang magiging boyfriend?

"Hala! Hindi po natin alam. Siguro!" sambit niya.

Ano ang pinakagusto niyang ugali ni Gerald?

"Ang gusto ko sa kanya, yung pinapasaya niya yung lahatng mga tao. Yung pagiging matulungin niya. Kahit sino ka man, tutulungan kaniya," sagot ni Kim.

Ano naman ang pinakaayaw niyang ugali ni Gerald, kung meronman?

"Yung sa mood swings. Parang okay ka ngayon, bukas hindina. Mabait ka ngayon, bukas hindi na. May ganoon siya," natatawangpagtatapos ni Kim, na magde-debut na sa April 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN