Diether Ocampo excited working again with friends, but avoids questions about Oyo Sotto

Diether Ocampo is excited to be working with Claudine Barreto in Maligno, and hopefully with Gabby Concepcion in the future. But he draws a line on questions involving Oyo Sotto's (inset) relationship with Diether's ex-wife Kristine Hermosa: "Basta kami ni Kristine, klaro sa amin ang lahat ngayon."



Isang pediatrician ang role na ginagampanan ni Diether Ocampo sa ikalawang handog ng Sineserye Presents: The Susan Roces Collection, ang Maligno. Sa April 28 na ipalalabas sa Kapamilya network ang naturang horror series, kung saan tampok din sina Claudine Barretto at Rafael Rosell.

Pinapanood sa entertainment press kagabi, April 16, ang first episode ng Maligno na talaga namang nakakatakot. Pero snippet lang halos ang eksena ni Diether na naipakita.

BEEN THERE, DONE THAT. Sa mga actors sa cast, nag-register nang husto ang role ni Rafael Rosell bilang hari ng kadiliman.

Tuloy, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Diether kung hindi ba niya naisipang 'yong role ni Rafael ang gampanan. Sa kanilang dalawa kasi, tila mas matindi ang challenge sa role na napunta kay Rafael.

"Actually, may mga revelation na mangyayari," simula ng pag-explain ni Diether. "Tatakbo pa siya for four weeks. Yung napanood niyo, pang-one episode lang yun, e. Isang araw pa lang.

"So, ang ganda nga kasi, ang daming nangyayari sa isang episode. Each character actually, may magagandang mangyayari. Yung role namin ni Rafael, parehong may bigat, pero magkaiba."

Ayon kay Diether, kung matatandaan daw, nagawa na rin niya halos ang character na ginagampanan ni Rafael ngayon, sa ginawa nilang movie nina Claudine Barretto at Jericho Rosales sa Nasaan Ka Man.

"May similarity siya kung titingnan sa [character ko sa] Nasaan Ka Man. Kumbaga, nakita na ang taong yun, e. So, kailangan nating iba naman [ang gumanap] for another project."

HAPPY FOR CLAUDINE. Happy naman daw siya na sa comeback project ng kaibigang si Claudine. Silang dalawa muli ang magkasama.

"Pareho kaming excited, e. Siyempre, ito rin ang comeback project ni Claudine. Gayundin kay Direk Wenn Deramas. Matagal na kasing hindi kami nagkakasamang tatlo, e. So, dito sa project na ito, ito ang balik-tambalan namin.

"At the same time, nakita namin yung mga pagbabago," nangingiting sabi pa ni Diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anu-anong pagbabago yun?

"Marami, like si Claudine, medyo malaki na ang naging maturity niya pagdating sa pag-arte, [kung] paano niya hina-handle ang character niya... Marami. Nagsa-suggest na siya ngayon. May mga inputs na siya. Dati, hindi naman siya ganoon. She's very responsible ngayon."

EXCITED TO WORK WITH GABBY. When asked kung totoo nga bang ang next project niya ay ang teleseryeng gagawin ni Gabby Concepcion kasama si Claudine. May nakapagsabi na nga raw sa kanya noon.

"Oo, yun ang balita ko. Marami yatang proyektong gagawin ngayon si Gabby Concepcion sa ABS-CBN. Yun ang balita ko. Pero siyempre, hangga't wala pa or hindi pa nagagawa yung proyekto, hindi mo pa rin masasabi."

Hindi pa raw niya personal na nakikita si Gabby, pero masaya raw siya kung matutuloy man ito.

"Oo naman. Siyempre dati, tagasubaybay lang ako ng mga projects niya. Medyo siyempre, parang isa yun sa mga bagay na masyado akong nae-excite. Natutuwa naman ako siyempre na nabibigyan tayo ng opportunity na makatrabaho yung mga dating napapanood mo lang."

HOW ABOUT A DIETHER-KRISTINE PROJECT? On the other hand, naitanong din kay Diether ng PEP kung kailan naman kaya sila mapapanood ni Kristine Hermosa on a project na silang dalawa pa rin ang magkasama?

"Alam n'yo,siyempre, nakakataba ng puso lalo na kapag may mga taong nag-aabang or nagre-request na magkatambal ulit kami sa isang proyekto. Pero sa mga project kasi namin, halos hindi kami nagkakatugma ng ginagawa.

"Kaya ako rin naman, I look forward din sa kung ano ang puwede naming pagsamahan."

NO OYO QUESTIONS, PLEASE. Ayon kay Diether, maayos naman daw sila ni Kristine. In fact, nagkasama pa raw sila sa Boracay kailan lang nang magkaroon si Kristine ng photo shoot for his magazine, na si Diether mismo ang photographer. Although when Oyo Sotto's name is mentioned, nagpahayag ito na hindi na raw siguro dapat ito isali sa interview, dahil aniya, parang irrelevant na raw na sumagot pa siya about Oyo or about the two.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tutuusin, walang nabago sa mga sagot ni Diether pagdating kay Kristine. Kahit anong pilit nga ng press sa kanya na marami ang naniniwalang sila pa rin naman talaga pero iba lang ang ipinapalabas nila, mariin nitong sinabi na talagang wala na sila.

Aniya pa, "Alam nyo kung sakaling kami pa rin pala until the end, then, that's it. Pero wala na ‘kong masasabi. Kumbaga, naiintindihan ko kayo bilang mga manunulat, pero, sana maintindihan n'yo rin ako bilang nasa ganitong situwasyon, na hindi rin naman dito matatapos kahit sagutin ko sa inyo.

"Basta ako, in all fairness...like what I said, mahirap magsalita ng tapos. Ako kasi, I'm a man of my word. Palagi akong maingat tuwing nagbibigay ng pahayag. At this point, yun ang nararamdaman ko. Basta kami ni Kristine, klaro sa amin ang lahat ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN