Rafael Rosell agrees to play the devil and bare in "Maligno"

"Bago pa lang ibinigay ang assignment na ito sa akin, nag-pray na akonang todo. It really scared me, but this is just a job, which I have totake as an actor," says Rafael Rosell about his role in Maligno.



Tunay namang nakapangingilabot ang pagganap ni Rafael Rosell bilang si Lucas Santander, ang personification ng demonyo sa Maligno—ang bagong horror-serye ng ABS-CBN. Marami ang nagsasabing pinakamalaking role na naibigay kay Rafael sa TV sa buong career niya ang ginagampanan niya sa nabanggit na horror-serye.



"And the most difficult I have portrayed, so far," dugtong ng aktor. "Bago pa lang ibinigay ang assignment na ito sa akin, nag-pray na ako nang todo. It really scared me, but this is just a job, which I have to take as an actor.



"I'm glad that we have already finished everything bago pa ito mag-premiere. Eerie ang feeling sa set kadalasan," sabi ni Rafael sa presscon cum press preview ng Maligno last night, April 16, sa Studio 1 ng ABS-CBN.



SLOWLY BUT SURELY. Unti-unti, umuusad ang career ni Rafael. Hindi naman daw bonggang-bongga, pero just the right pacing.



"I'd rather have it this way," sambit ng hunky actor. "Wala namang reason para magmadali. I must admit, naging mabagal din ang takbo ng career ko, kasi hindi ako marunong mag-Tagalog when I started.



"Ngayon, I can very well speak the language, na magiging credible ako sa almost kahit anong klaseng roles na puwedeng ibigay sa akin. Hindi na mahirap pag-aralan. Unlike before, sa language pa lang, parang malabo na," sabi ni Rafael na half-Filipino, half-Norwegian.



CLAUDINE BARRETTO. Kasama ni Rafael sa Maligno si Claudine Barretto, na una niyang nakasama sa fantaserye na Marina, kaya hindi na rin mahirap ang pakikipagtrabaho nila sa isa't isa.



"Ibang-iba na si Claudine ngayon," banggit ni Rafael. "Medyo nanibago ako. Kasi noon, kapag nagte-taping kami sa Marina, nakikinig lang kami palagi ng sounds. Sound-tripping kami, at marami kaming oras sa chikahan.



"With this one kasi, pressed for time kami. May definite time kasi na kailangang tapusin na namin ang taping. Hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni Clau. Pero sa set, we have been very comfortable with each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang napansin ko lang, naging very motherly ang gestures niya. Maski sa amin sa cast, parang ang turing niya sa amin ngayon, mga anak na rin. Mararamdaman mo yung ganoong attention," medyo natawang sabi ni Rafael.



Ayon pa kay Rafael, naging mas seryoso ngayon si Claudine sa trabaho. At maski sa rape scene nila, hubo't hubad na si Rafael, pero wala raw karekla-reklamo si Claudine.



"Ipinaliwanag naman kasi sa amin ni Direk Wenn [Deramas] ang dapat gawin. Naiintindihan ni Claudine yun, at hindi malaswang lumabas 'yon. Kailangan lang maipakita namin yung terror ng ganoong klaseng eksena, specially if it's the attack of the devil. Yun ang point ng buong eksena na yun, and very important. From there, mako-conceive kasi ang magiging anak na anti-Christ," paliwanag ni Rafael.



Marami kasi ang nagpapalagay na baka ipag-react ng mister ni Claudine na si Raymart Santiago ang maselang eksenang 'yon.



"I don't think so," sabi ni Rafael. "Raymart is just so cool. Minsan, sinusundo niya si Claudine sa set, nakikipagkuwentuhan pa siya. Very supportive siya kay Claudine, and I don't think these scenes will cause a problem.



"At saka marami sa nakapanood ng preview, nagustuhan nila ang effect. Tuwang-tuwa nga maski si Miss Susan Roces. This is based from one of her past films, and yet, yung updated version na pang-TV, very impressed si Miss Susan sa pagkakagawa. We're very happy and proud of that."



PROJECTS POURING IN. Suwerte ring masasabi dahil good projects come at the right time for Rafael. Patapos na ang Prinsesa ng Banyera nang mag-decide ang ABS-CBN na i-premiere ang Maligno, na magsisimula sa April 28 at tatakbo lamang ng apat na linggo.



"Then, may ipalalabas pa kaming movie," dugtong ni Rafael, "yung bida sina Anne Curtis and Aga Muhlach. I really had a good time while doing the scenes in Boracay for When Love Begins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"'Tapos, heto, would you believe, may concert ang Coverboys? Hindi nga namin alam that we will come this far. Then, bawat isa sa amin, nabibigyan ng breaks," nakangiti niyang sabi.

Humahataw rin sa kanya-kanyang career ang kasamahan ni Rafael sa Coverboys na sina Zanjoe Marudo, Jon Avila, at Victor Basa. Si Jake Cuenca ay hindi na naging aktibo sa grupo nila nang maging ganap na bida sa Palos.



"Not for anything else, kasi may rehearsals kami na hindi na kayang siputan ni Jake. Ayaw naman niyang maging unfair sa amin. Paminsan-minsan, sumasali pa rin siya. Even Sam Milby and John Lloyd Cruz, may times na hindi na nakakasali sa numbers namin. Kaya parang most of the time, kami na nina Zanjoe, Jon, and Victor ang nasa grupo," ani Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN