FIRST READ ON PEP: Nadine Samonte gets the role of Hannah in "Kim Sam Soon"

Young actress Nadine Samonte was chosen by GMA-7 and the creative team to play the role of Hannah in the Pinoy version of the hit Koreanovela Kim Sam Soon.



Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayRegine Velasquez ay sina Mark Anthony Fernandez, Wendell Ramos, at Dr. HaydenKho, Jr. pa lang ang alam niya na siguradong kasama sa gagawin niyang teleseryesa GMA-7, ang Kim Sam Soon.

Aprubado sa Asia's Songbird si Mark Anthony as her leadingman. Ani Regine, "He's supposed to be younger." Ganun din sina Wendell as herex-boyfriend at si Dr. Hayden sa role ng doctor, na na-in love kay Hannah,portrayed by Korean-American actor Daniel Henney in the original Koreanovela KimSam Soon.

Kung sino ang gaganap sa role ni Hannah ay hindi pa alam niRegine. Kaya ang PEP na ang magbabalita sa kanya na si Nadine Samonte angnapili ng GMA-7 at creative team ng local version ng Kim Sam Soon toplay the role of the ex-girlfriend of Cyrus na umalis for the States dahilnagkasakit.

Sabi ng kausap ng PEP, perfect si Nadine sa role ni Hannah.Gaya ng Korean actress na si Jeong Ryeo-won na gumanap na ex-girlfriend niCyrus, sweet and pretty rin si Nadine at babagay siya kina Mark Anthony atDr. Hayden.

Incidentally, nagkasama na sina Nadine at Dr. Hayden sa Marimar.Kahit wala silang masyadongeksena sa naturang soap opera, naging maganda pa rin ang working relationshipnila. Naalala ng PEP na sa Christmas party ng Marimar, sila ang madalasmagkausap kaya hindi na nila kailangang kilalanin pa ang isa't isa.

Ang Kim Sam Soon ang susunod na gagawin ni Nadineafter Maging Akin Ka Lamang na malapit nang magtapos. Ito rin ang magpapabaliksa young actress sa primetime slot ng GMA-7. Hindi na siguro siyamagtatanong kung ano ang next project niya dahil heto na nga ang Kim SamSoon at makakasama pa niya si Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN