Lea Salonga rejects blind item about her marriage being in trouble

"I am happily married and we're very much together. I don't know where all that is coming from. But we're fine," says Lea Salonga about her relationship with husband Robert Chien.



Walang masyadong intriga at kontrobersiya sa buhay ng Filipinointernational artist na si Lea Salonga. Noong magpakasal siya sa kanyang misterna si Robert Chien, halos wala ring intriga na bumalot sa kanilang pagsasama.Nabiyayaan pa sila ng isang baby girl na pinangalanan nilang Nicole Beverly.

Pero sa isang tahimik na samahan, hindi maiwasan na maymanggulo. Hindi mawawala ang may mang-intriga o ang sirain ang maayos napagsasama nila.

Gaya na lamang ng lumabas na blind item kamakailan na obvious namang sinaLea at Robert ang tinutukoy. Ayon sa blind item ay may problema raw sapagsasama ngayon ng mag-asawa. Pero nang tanungin ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Lea tungkol dito, sinabi niya na wala siyang dapat i-explaindahil masaya ang pagsasama nila ng kanyang mister.

"I am happily married and we're very much together," nakangitingsabi ni Lea. "I don't know where all that is coming from. But we're fine. If itwere true, I think it would come out from our lips first kasi wala naman akonghiya if that was the case.

"God forbid if ever that happened to me, hindi ko naman itatago.I wouldn't brag about it, but I wouldn't hide it," aniya pa.

Nakapagtataka nga for Lea na ang mga lumalabas na masamangbalita ay ang diumanong pambababae ng kanyang mister. Natawa na lang si Lea atsinabing baka napagkamalan lang na mister niya ‘yon since hindi raw ito masyadong nakikita in public.

"Robert is not somebody na nakikilala kaagad in public," diinni Lea. "Gusto niya yung he's able to go around without being recognized.That's my job, to be a public face.

"What's funny pa nga is that maraming hindi nakakaalam nadito [sa Pilipinas] na pala kami nakatira. We actually moved here in 2005 andhe had a wonderful opportunity to work for a wonderful company. So how wouldthey even think na asawa ko yung nakikita nila, e, he's not even recognizedthat well in public?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam daw ni Lea ang lahat ng mga nasusulat tungkol sakanilang mag-asawa. Imposible rin daw na may maitago sa kanya ang kanyangmister na hindi niya nalalaman.

"I read everything and my husband doesn't hold [back] anything fromme. When that news came out, it's like ‘What is this?' And it's easy to debunkeverything. Everything that came out in any of those articles is easy todisprove. I know my husband's whereabouts all the time, so those tsismis arenot true at all," saad ni Lea.

Mapapanood muli si Lea sa Philippine stage sapagbubukas ng Cinderalla sa Cultural Center of the Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN