Claudine Barretto gets thumbs up from Susan Roces for her portrayal in "Maligno"

"Alam naman nating lahat na she's the queen of all queens dito sa showbusiness. Napakalaking karangalan na naibigay sa akin ang isa sa mga SusanRoces collection na para i-remake ko, ‘tapos nagustuhan pa niya. It's reallysuch a privilege and I'm really thankful," beams Claudine Barretto about reprising the role of Ms. Susan Roces (inset, bottom).



Very vocal si Claudine Barretto sa pagsasabing sa kanyangpagbabalik-telebisyon sa ABS-CBN via Maligno, she's hoping that she would liveup to the expectations of Ms. Susan Roces sa role na kanyang gagampanan.Aminado ang aktres na sa bagay na ito siya talaga nagkaroon ng kaba at takotdahil hindi biro ang gampanan ang karakter as Angela, na nagbigay sa Reyna ngPelikulang Pilipino ng kanyang kauna-unahang best actress trophy 30 yearsago.

Pero wala ngang dapat ipangamba si Claudine dahil sa presspreview ng Maligno sa Studio 1 ng ABS-CBN last Wednesday, April 16, ay allpraises si Ms. Susan Roces sa napakagandang TV remake ng kanyang horror film.

Sambit ni Claudine, "Sobrang thankful talaga and I toldTita Susan, I can breathe now kasi yung presence pa lang niya, nakakanginig na,e. Alam naman nating lahat na she's the queen of all queens dito sa showbusiness. Napakalaking karangalan na naibigay sa akin ang isa sa mga SusanRoces collection na para i-remake ko, ‘tapos nagustuhan pa niya. It's reallysuch a privilege and I'm really thankful.

"It's really an honor for me to be given this kind ofproject and working with a great cast is also amazing. This is my first horrorseries on television. At mahirap talaga ang horror, yung kakaibang emosyon ngtakot, napakahirap ipakita at ipadama ng gano'n sa telebisyon. Kaya challengingtalaga yung role na ito for me," pahayag ng tinaguriang Prinsesa ngTeleserye sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kasama rin sa TV remake ng Maligno si Ms. Susan Roces in avery special role, along with Diether Ocampo, Rafael Rosell, Kim Chiu, GeraldAnderson, DJ Durano, Arlene Tolibas, Empoy, at ang baguhang child actor na siCarlo Lacana. Ito ay mula sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Since ang role ni Claudine dito ay isang babaeng nakatakdangmagsilang ng anak ng demonyo, marami ang nagtatanong kung hindi ba siya natakotto accept the role, lalo pa't everybody knows that she's a Born-AgainChristian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, actually I'm a Christian and it's very difficultfor me," sagot ni Claudine. "Kasi, unang-una, nakakatakot to deal with demons.When we had the story conference, I asked my pastor from Victory ChristianFellowship for advice if I should go on and his answer was he believes that I'memotionally, spiritually, physically, mentally equipped as a Christian to dothis role.

"And every time we start taping, yes, we pray. Kapag may mgaeksena na nakakatakot at maseselan, may mga Bible verses na paulit-ulit kongpini-pray sa utak ko. At the end of the day naman, it is just a role. What'simportant is how strong your faith is and right now, buo na talaga ang pagigingChristian ko," paliwanag ng aktres.

RIVALRY WITH JUDY ANN. Sinagot din ni Claudine ang mganaglalabasang issue ngayon tungkol sa patuloy na pagtatapat sa kanila ni Judy AnnSantos. May tsika kasing naglabasan na kesyo nagkaroon daw ng isnaban sapagitan nila at iniiwasan daw siya nito during the pictorial of Previewmagazine, kung saan cover sila together with Ruffa Gutierrez and GretchenBarretto.

"Ang alam ko, okay kami ni Juday," sabi ni Claudine."Walang problema sa aming dalawa. I cannot comment doon sa sinasabi ninyongguesting niya sa Showbiz Central. May nagkuwento lang sa akin, pero hindi koalam ang buong detalye. I cannot really comment kasi hindi ko napanood. Akokasi ngayon, ang ugali ko, I'd like to give everybody the benefit of the doubtbefore saying anything.

" The last time we saw each other, doon sa commercialna ginawa namin. We took pictures pa nga of our daughters and my son, okaytalaga kami. Nag-picture taking kami. We had so much fun doing the commercialtogether, we're really okay.

"Hindi kami textmate ni Juday, pero when we're together,we had fun, nagkukuwentuhan kami about our kids. We're not close but we arefriends. Lagi naman kasing pinagtatapat ni Juday sa isa't isa. Yung rivalrysiguro forever na 'yan, pero ang maganda sa amin ay okay kaming dalawa naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So may possibility bang maging close sila ni Judayeventually?

"Ako, yes," sagot niya. "Kaya lang, it's gonna be hardna maging close kami kasi, even if we want to, people always want us tocompete. Siyempre, mas makulay naman ang showbiz ‘pag may competition. Every timekasi na magkakaroon kami ni Juday ng chance maging close, biglang magigingsobrang busy kami pareho, biglang hindi matutuloy."

Isa pang issue ay pinagaagawan diumano nina Claudine atJuday ang kung sino talaga ang reyna ng ABS-CBN?

"Alam n'yo, opinion na lang ng tao 'yan, e. Ako, neverko namang iniisip ang bagay na 'yan. Feeling ko naman, lahat kami dito sa ABS-CBN,nabibigyan ng magandang projects at naaalagaan nang husto," pahayag niClaudine.

PROJECT WITH GABBY. After ng Maligno ay nakatakda na ringsimulan ni Claudine ang bago niyang teleserye. This time, ang comebacking actorna si Gabby Concepcion ang kanyang makakasama.

"Yes, we will start taping on May 2," pagkumpirma niClaudine. "May working title ito na Iisa Pa Lamang. I'm excited dahil firsttime ko siyang [Gabby] makakatrabaho. Hindi ko pa nga siya nakikita in person, e. Nungmakita ko siya sa TV, ang guwapo pala talaga niya kaya ano pa kaya in person.Maganda ang kuwento nito, but as of now confidential pa kasi ang detalye, e."

Makakasama nina Claudine at Gabby sina Diether Ocampo, EddieGutierrez, Maricel Laxa, Cherry Pie Picache, Laurice Guillen, and Ms. SusanRoces, with director Ruel Bayani at the helm.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN