Actress Beth Tamayo gets Annabelle Rama as new manager to restart showbiz career

Actress Beth Tamayo is serious in being active again in showbiz, that's why she got Annabelle Rama (inset) as her new manager.



Desidido si Beth Tamayo na maging aktibong muli sa showbiz, at isang hakbang na ginawa niya upang matupad ito ay ang pagkuha niya kay Annabelle Rama bilang bagong manager.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Beth, sinabi ng magandang aktres na naiinip siya na nasa bahay lang siya at walang ginagawa. Hinahanap daw ng katawan at sistema niya ang umarte sa harap ng kamera—sa telebisyon man o pelikula.

"Bukod sa pagdyi-gym at pagbe-bake, parang kailangan ko ring may magawa na something, di ba?" pahayag ni Beth sa presscon ng Ploning last Wednesday, April 16.

Nitong nakaraang Martes, April 15, lang naging pormal ang kanilang kasunduan ni Annabelle bilang talent at manager.

"Oo, nung Tuesday lang. Huwag mo nang isulat, hindi ko pa nasasabi sa nanay ko!" biro niya.

"Hindi, joke!" bawi ni Beth. "Feeling ko, nalaman na rin ng mommy ko [Mrs. Zeny Tamayo]. Kaya lang hindi ko agad nasabi sa kanya na I met with her [Annabelle] to sign. Alam mo naman si Mother, gusto niya lang yung hindi siya nahuhuli sa balita."

Sinabi rin ni Beth na silang dalawa lang ni Annabelle ang nagpirmahan sa Dulcinea. Nakakatawa pa nga na hindi agad nalaman ng mister ng aktres na si Johnny Wong na kaya siya paalis ng bahay ay para pumirma ng kontrata.

"I told him in passing yata before," banggit ni Beth. "I've already mentioned to him I'm getting Tita Annabelle as my manager. Sabi niya, ‘Ah okay. The mom of Ruffa [Gutierrez]?' Sabi ko, ‘Yeah.'

"Tapos nung paalis ako sabi ko, ‘Oh sweetheart, I'm going.' Sabi niya, ‘You're all dressed up, where are you going?' Sabi ko, ‘I'm going to Dulcinea in Greenhills.' Sabi niya, ‘Why?' Sabi ko, ‘I'm gonna sign a contract with Tita Annabelle.' Sabi niya, ‘You're signing a contract already?' Sabi ko, ‘Yeah!'" kuwento ni Beth tungkol sa pag-uusap nila ng kanyang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlong taon daw ang kontratang pinirmahan niya kay Annabelle?

Kuwento ni Beth, "Nakakatawa naman kay Tita Annabelle, hindi pa ako nakakapirma ng kontrata, tinawagan na niya sila Tita Malou [Choa-Fagar, TAPE Inc. executive]. ‘Malou ha, guest mo ‘to sa Ful House, guest mo sa Eat Bulaga!' Sabi niya, ‘Tinawagan ko na rin si Deo [Endrinal, ABS-CBN executive] kasi may bagong soap si Claudine [Barretto], si Tito Eddie [Gutierrez] mo, pasok na rin dun. Sabi ko nga, ipasok ka na din. Naghihintay na lang ako ng tawag sa mga ‘yan.'

"So alam mo yun, nakakatuwa lang din siya, ang bilis, kaharap ko pa lang siya. Sabi ko nga sa kanya... Kasi nung tumawag siya sa akin, ‘Day, nasaan ka? Puwede ka ba today?' Sabi ko, ‘Hindi po ako puwede, nasa Iloilo kami...' Nasa Iloilo kami ni Juday [Judy Ann Santos], nag-promote kami ng Ploning. Nung Friday nasa Cebu kami."

Ayon kay Beth, napakamaunawain daw na manager ni Annabelle.

"Sabi ko, ‘Tita, meron po kaming movie, ha? May mga Iloilo tour, may Cebu, may Bacolod, may Davao... Baka hingan n'yo po ng budget yung Panoramanila Pictures Co. [producer of Ploning], wala pong budget yun. This is really for the movie, tulong lang din po namin. ‘Tsaka anyway, yung trip namin, balikan-balikan lang, hindi naman overnight.' Sabi niya, ‘Ah, okay lang. Kailan ba premiere night niyan?' Sabi ko, ‘Sige po, sa April 27, manood po kayo.' So yun, okay naman siya," pagtatapos ni Beth.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN