ABS-CBN shelves "Anna Liza" for yet unknown reason

After getting a starring role in Pangarap na Bituin, young actress Maja Salvador was supposed to be given her own soap opera, Anna Liza. But the management of ABS-CBN decided not to push through with the project.



Kinumpirma ng sexy actress na si Juliana Palermo na nabimbin ang soap opera na Anna Liza sa ABS-CBN.

Kasama si Juliana sa cast ng Anna Liza, along with Dawn Zulueta,Eric Quizon, Gardo Versoza, Rayver Cruz, at Jason Abalos. Sina Maja Salvador atang child actress na si Ella Cruz ang gaganap sana sa title role. Si JerrySineneng ang direktor nito.

Sa pamamagitan ng text message ay tinanong namin si Julianatungkol sa balitang shelved na ang Anna Liza at ito ang ipinadala niyang mensahesa amin:

"Yup! Sadly, shelved nga. We really didn't see it coming.But well, everything happens for a reason. What's more important is therelationship we were all able to build with each other.

"Dawn, as well as others, is just too much of a sweetheartto not stay in touch with. Super dami ako natutunan. So overall, it was indeeda great experience, the few days we shot. I really hope to work with them,especially with Direk Jerry again soon. Super awesome ang group na yun. Sayangnga lang talaga."

Isa sa mga original soap dramas ng GMA-7 ang Anna Lizaduring the early ‘80s. Pinagbidahan ito ng yumaong child actress na si JulieVega. Naging rival pa nga ng Anna Liza noon ang Flordeluna ng RPN-9 napinagbidahan ni Janice de Belen.

Matagumpay namang nagawa ng ABS-CBN last year ang sarilinilang adaptation ng Flordeluna na naging Maria Flordeluna at pinagbidahan ngchild actress na si Eliza Pineda.

First show pa naman sana ni Ella Cruz ang Anna Liza aftersiyang ilipat ng kanyang manager na si Becky Aguila from GMA-7, kung saan unasiyang nakilala. Gumanap siya bilang batang Angel Locsin sa Majika; bilangbatang Nadine Samonte sa Super Twins; at huli siyang napanood bilang batangMarian Rivera sa Marimar.

Ang Anna Liza rin sana ang maglulunsad kay Maja Salvadorbilang solo star sa primetime at ipapares siya kina Jason Abalos at RayverCruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung matatandaan ay regalo ng ABS-CBN ang title role na AnnaLiza kay Maja nang mag-celebrate siya ng kanyang 19th birthday lastOctober 2007.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung bakit nagdesisyon ang Kapamilya network na i-shelve na ang Anna Liza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN