Rafael Rosell still possessed by his demon role in "Maligno"

"May moment ako during my daily life na yung mgakaibigan ko, sinasabi sa akin, ‘Ano'ng ginagawa mo? Okey ka lang?' Okey langako. Parang may pagka-possessed, aaminin ko yun. I thought about seeing apsychiatrist," narrates Rafael Rosell.



Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang rape scene ninaRafael Rosell at Claudine Barretto sa bagong horror-drama series ng ABS-CBN naMaligno. Nakahubad si Rafael sa naturang eksena at ang balita aynagpa-double na lang si Claudine sa eksena nila.

Pinaghandaan ba talaga ni Rafael ang rape scene nila niClaudine?

"I didn't necessarily prepared for the rape scene," sabi niRafael. "Part lang po yun ng role. What I did was I watched mga horror movieslalo na yung...hindi yung nakakatakot na pagulat. Mas ano, psychological likeHannibal and Silence of the Lambs. Si Anthony Hopkins doon, hindi naman siyayung nakakatakot physically. Ang atake niya, mas alam mo na may pagkasira-ulo,e.

"So you don't have to overreact that dahil kung nakikitanaman ng mga tao, mas nakaka-creepy yun, e. Para sa mga pelikulang nakikita mona yung mga monsters, di ba hindi na nakakatakot? Pero yung alam mo na maysomething, pero hindi ka sigurado. I think that disturbs as person, I'd mindmore," saad niya sa presscon ng concert niya with Cover Boys dubbed as CoverBoys Uncovered na itatanghal sa Music Museum.

Hindi ba siya nahiya kay Claudine sa eksena nila considering na hubad siya thattime?

"Ay, hindi po," sagot ni Rafael. "Very professional buongset. Sabi ni Direk Wenn [Deramas, direktor ng Maligno], alis muna lahat,closed door. Pero kung nanonood sila sa director's booth, hindi ko alam. Ifever na may nakita doon, parang hindi sa akin yun, e, sa devil na ‘yon. KayLucas na yun.

Feeling ba niya ay na-possess siya ng devil dahil sacharacter na ginampanan niya sa Maligno?

"May moment ako during my daily life na yung mgakaibigan ko, sinasabi sa akin, ‘Ano'ng ginagawa mo? Okey ka lang?' Okey langako. Parang may pagka-possessed, aaminin ko yun. I thought about seeing apsychiatrist," pag-amin ni Rafael.

Dahil ba ito sa sobrang pag-i-internalize niya ng kanyang role bilang si Lucasna isang demonyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In terms of internalization, I do my best naman inevery role. Kahit nung internalization ko kay Creon doon sa Rounin, medyo maytama rin naman yun. Pero eto yung pinakamatinding psychological tama,"paliwanag niya.

Naisip din ba niyang mang-rape sa totoong buhay?

"Ay, hindi naman rape!" tawa niya. "Pero yung tulala langako lagi. Tapos iba na ang iniisip."

Kahit tapos na raw silang mag-taping ng Maligno, na tatakbolamang ng apat na linggo, nararamdaman pa rin ni Rafael na parang may pumapasok na demonyo sa katawanniya.

"Minsan may mga nights na hindi ako natutulog. ‘Tapos maynecklace kasi si Lucas, e...hindi ko alam kung napansin ninyo sa press previewng Maligno. Iniwan nila sa akin pagkatapos naming mag-shoot, e.Kaya feeling ko, yun ‘yon, e.

"Gusto kong itapon yung kuwintas. Ilayo ko nga sa akin. PeroI detoxified myself from Lucas naman. I swam, I did Kapwera [fighting technique]. Kung kailangan, Ithink I'll have to see a psychiatrist."

Paano niya nararamdaman na possessed na siya?

"At this moment, hindi po. Usually, when I'm with thepeople I love or with the people I know, okay lang. Pero kapag nag-iisa na ako,yun ‘yon. Nung napanood ko nga, parang napaano lang ako, ‘Ako ba yun?'" saad niRafael.

Hindi kaya ma-typecast na siya sa ganitong roles?

"Sa pagiging rapist?" balik-tanong niya, "Feeling ko, kunganuman tinatanggap ko. If I accept another role like that, siguro mata-typecastako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN