Maja Salvador denies neighbors' claim that they often spot Carlo Aquino at her house

"Lagi nga akong wala sa bahay, paano siyang pupunta doon? Saka matagal na kaming walang communicaton," says Maja Salvador about Carlo Aquino.


Panay ang deny ng young actress na si Maja Salvador kapag tinatanong siya kung boyfriend na niya si Carlo Aquino. Ayon sa dalaga ay magkaibigan lang sila ni Carlo.

Pero ayon sa mga kapitbahay ni Maja sa Pasig, madalas daw nagpupunta sa bahay ng young actress si Carlo at nakikita raw nila na sweet na sweet ang dalawa. Pagpapatunay lang daw ito na boyfriend na nga ni Maja si Carlo.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maja kanina, April 20, sa backstage ng ASAP '08, kung saan mainstay siya rito, ay itinanggi niya na nagpupunta sa kanila si Carlo.

"Ay naku, hindi po!" bulalas ni Maja. "Lagi nga akong wala sa bahay, paano siyang pupunta doon? Saka matagal na kaming walang communicaton."

Pero aminado naman si Maja na nakapunta na dati sa kanila si Carlo.

"Dati po nung may communication pa kami, nung natsitsismis pa kami. Pero ngayon, wala na po talagang communication," sabi ng dalaga.

Magtu-two months na raw silang walang communication ni Carlo.

"Hindi na kasi ako nakaka-reply sa mga text niya," banggit ni Maja.

Pero how true na nangungulit pa rin daw hanggang ngayon si Carlo sa kanya?

"Dati po. Pero ngayon, hindi na talaga," sagot niya.

Bakit hindi niya sinagot ang binata? Hindi niya ba type si Carlo?

"Ano lang, parang marami lang kailangang unahin," maikli niyang tugon.

E, bakit si John Wayne Sace, sinagot niya nang ligawan siya nito?

"Yung sa amin naman kasi ni John Wayne, parang fling-fling lang. Kasi siyempre magka-love team kami dati. Halos every day kaming magkasama, ganun po," paliwanag niya.

ANNA LIZA. Samantala, matagal nang napabalita na si Maja ang gaganap sa remake ng Anna Liza na pinagbidahan noon ng namayapang aktres na si Julie Vega. Kaya lang, hanggang ngayon ay hindi pa nagsisimula ang taping nito.

Balitang shelved na raw ang Anna Liza. How true?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano naman po, sabi naman po, may darating na mas maganda. Pero ang sabi, pagmimitingan pa raw muna," sabi ni Maja.

So, kung may meeting, ibig ba nitong sabihin posibleng matuloy pa ang Anna Liza?

"Secret po muna," bitin na sagot ng young actress. Pero di ba, ang management papabago-bago po ng desisyon? Pero siyempre, alam nila kung saan mas gaganda ang career ng isang talent nila."

Aminado naman si Maja na manghihinayang siya kung hindi na matutuloy ang Anna Liza.

"Siyempre, nakakahinayang. Kasi sabi ng lahat ng tao, 'Hoy, ikaw pala si Anna Liza!' Parang, 'Wow, thank you po!' Ipinagpi-pray ko po na sana ay matuloy," pahayag ng young actress.

May mga nagkuwento na ba sa kanya tungkol kay Anna Liza o kay Julie Vega?

"Nakita ko na po si Julie sa YouTube. Para siyang Diyosa. Sobrang ang amo ng mukha niya. Parang hindi niya kayang magalit," saad ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN