Star Cinema rebuffs "tapatan" issue with Juday's movie

Star Cinema's When Love Begins starring Aga Muhlach and Anne Curtis (left) will clash against Judy Ann Santos's (right) Ploning on April 30.



Nagpadala ng text message sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) ngayong araw, April 21, ang AdProm director ng Star Cinema na si RoxyLiquigan. Kaugnay ito ng kasalukuyang Poll ng PEP: "Tama bang magtampo si JudyAnn dahil tinapatan ng Star Cinema ang kanyang Ploning?"

Ang Ploning ay ang pelikula ni Judy Ann Santos mula sa Panoramanila samantalang ang tinutukoy namang pelikula ng Star Cinema ay ang When Love Begins, tampok sina Aga Muhlach at Anne Curtis. Sabay na magbubukas ang dalawang pelikula sa April 30.

Base sa resulta ng Poll, as of today, 60 percent ang sumagotng "Oo" at 40 percent naman ang nagsabing "Hindi."

Ayon kay Roxy, misleading daw ang tanong ng PEP sa Poll.Hindi raw kasi totoo na tinapatan ng Star Cinema ang Ploning.

"Nauna kami mag-book ng movie, June 2007 pa kami naka-book satheater circuits. Sila [producers ng Ploning] last October 2007. So hindi kamitumapat sa Ploning," paliwanag ni Roxy sa kanyang text message.

Ipinaliwanag naman ng PEP sa Star Cinema na maypinaggalingan ang katunangan sa aming Poll. Sa panayam ng PEP kay Judy Annna lumabas noong April 14 (Click here to read the full story), sinabi niyang nagulat siya sa pagkakasabay ngpelikula niyang Ploning sa When Love Begins ng Star Cinema.

Si Judy Ann ay artista rin ng ABS-CBN at ng film arm nitongStar Cinema. Sa katunayan, ang huling pelikula ng aktres bago itong Ploning ay ang Sakal, Sakali, Saklolo na iprinodyus ng Star Cinema.

Ayon kay Judy Ann, "Kasi kami, bago pa kami mag-shoot, may playdate nakami, may booking na kami. Kung sinuman ang makakakilala sa mga bookers, theycan ask. Ako, nagulat lang. Pero at the end of the day, you can realize na thisis just business. Business is business at wala ka namang magagawa roon.

"Kumbaga, sino ba naman ako? Sino nga ba naman si JudyAnn Santos para mag-move ang isang production ng playdate? So, huwag na lang...Ayoko na lang anuhin, hahaba lang ang isyu," pahayag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi marahil naipaliwanag kay Judy Ann na unang nagpa-book ang StarCinema kesa sa Panoramanila, na siyang nag-produce ng Ploning.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN