Jewel Mische and other "Kamandag" stars clueless about show's ending

"Kahit nga angcharacter ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari talaga. It's all a secrettalaga. Tanong nga kami nang tanong pero ayaw nilang sabihin. Okey lang paranandoon ang suspense, ‘di ba?" says Jewel Mische when asked about Kamandag'sending.


Sa nalalapit na pagtatapos ng Kamandag, hindi pa ngaraw alam ni Jewel Mische kung ano ang magiging ending ng kanilang telefantasya.

Nabigay na raw ang last taping day nila for Kamandagpero wala pa sa kanila ang script. Pinakakaingatan talaga ang magigingending ng Kamandag dahil bonggang-bongga nga raw ito.

"Honestly, hindi ko pa talaga alam what will happen saending ng Kamandag," malambing na sabi ni Jewel.

"Kahit nga ang character ko, hindi ko alam kung ano angmangyayari talaga. It's all a secret talaga. Tanong nga kami nang tanong peroayaw nilang sabihin. Okey lang para nandoon ang suspense, ‘di ba?"

Mami-miss nga ni Jewel ang mga co-stars niya sa Kamandaglalo na raw si Richard Gutierrez na malaki ang naging kontribusyon sa pag-enjoyniya doing the show.

"It's always a pleasure working with Richard kasinapaka-supportive niyang tao. Hindi siya madamot sa mga nalalaman niya and he'ssomeone na mami-miss talaga ng kahit sino.

"But of course, I will also miss yung iba like si Mark[Anthony Fernandez], Ehra [Madrigal], Maxene [Magalona] and Ate Eula [Valdez]and the rest. They make work such a fun thing to do sa set ng Kamandag."

Nagpasalamat nga si Jewel na nagsimula at matatapos ang Kamandagna walang naging bad issue sa kanila ni Maxene Magalona. Kung kanino rawmapunta si Richard sa ending, magiging masaya ang dalawang babae for oneanother.

"Maxene is such a sweet girl. Okey ang working relationshipnamin. I'm so glad na walang nag-attempt na intrigahin kami. Kasi wala namantalaga. Okey kami ni Maxene all throughout.

"Sabi nga namin na kung kanino mag-end up si Kamandag, wewill be happy for one another. Gano'n naman kasi talaga, ‘di ba? Sa isang storynaman, one cannot have both. Isa lang dapat ang piliin sa ending. Kaya whoeversa amin ni Maxene, we will be happy with the result."

Umaasa ba si Jewel na sa kanya mapunta si Richard sa ending?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No naman. Never ko iniisip iyon since we started working inKamandag. It's all up to our writers kung ano ba ang dapat na properending. Whatever the ending is, I know na magugustuhan ito ng mga supportersnamin," pagtatapos ni Jewel Mische.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN