Lotlot de Leon decides to get over issue with Norie Sayo

"Ayoko na ring mag-dwell na doon. Tapos naman na iyon.Nilabas ko na kung ano man ang sama ng loob ko noon sa taong ito. Tao langnaman ako to react that way. Hindi nila ako masisisi because yun talaga ako,"says Lotlot de Leon about Norie Sayo (inset), the manager and rumored lover of her mom,Nora Aunor.



Hindi na itinatago ni Lotlot de Leon ang kanyang saloobintungkol kay Norie Sayo, ang manager ng kanyang inang si Nora Aunor.

Sinabi ni Lotlot na hindi raw sila nagkausap ni Norie noongumuwi ito sa Pilipinas kamakailan. Wala naman daw siyang natanggap na tawagmula rito.

"Hindi ko po siya nakausap because wala naman akongna-receive na tawag from her," diin ni Lotlot.

"Okey lang naman sana kung magkakausap kami because gusto koring makibalita tungkol kay Mama. Alam naman niya kung saan ako mako-contact.E, kasi dati, nagkakausap kami. Hindi ko alam kung bakit hindi niya nagawangmatawagan ako. Anyway, hindi ko naman din inaasahan na gawin niya iyon."

Kailan lang nga ay naglabas ng sama ng loob si Lotlot tungkolnga kay Norie. Pero ngayon ay parang wala na ang kinikimkim na sama ng loob niLotlot dahil tinapos na raw niya iyon.

"Ayoko na ring mag-dwell na doon. Tapos naman na iyon.Nilabas ko na kung ano man ang sama ng loob ko noon sa taong ito. Tao langnaman ako to react that way. Hindi nila ako masisisi because yun talaga ako.

"Sa mga taong close sa akin at nakakakilala sa akin, alamnila na may rason akong magpakita ng gano'ng klaseng emotion. Isa rin akong inaat may mga anak ako. I know that kind of feeling na sana ay hindi mapagdaananng mga anak kong babae."

Nang kumustahin namin ang Mama Guy niya, ani Lotlot aywala siyang balita rito dahil matagal na raw silang hindi nagkakausap.

"Last year pa kami huling nagkausap ni Mama and since then,hindi pa kami nagkakausap ulit. Hindi ko na rin kasi alam kung nasaan siya.Pero may nagpaparating naman sa akin na marami raw siyang shows sa U.S. ngayon.That's good at sana nga balang araw magkausap ulit kami."

May balita ngang lumabas na nag-part ways na raw sina Norieat Nora. Nakarating ba ito kay Lotlot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like what I said, wala akong alam na tungkol sa nangyayarikay Mama. Not unless makausap ko siya, doon lang ako makakasagot. Lagi konamang pinagdarasal si Mama. I just hope na okey ang lahat na nangyayari sakanya."

Kasama si Lotlot sa GMA telefantasya na Dyesebel at gumaganap siya bilang ina-inahan ni Dyesebel na si Banak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN