John "Sweet" Lapus grateful for his role in "Kim Sam Soon"

"Answered prayer ito. Prayer ko at ng mga PEPsters. Yung iba nga sa kanila, nanawaganpa sa GMA para lang magkaroon ako ng isa pang show. I'm so thankful tothem," says John "Sweet" Lapus about his second show in GMA-7.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angShowbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus kaninang umaga,April 23. Tuwang-tuwa ang comedian-TV host dahil sa wakas ay magkakaroonna siya ng isa pang show sa GMA-7, ang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela naMy Name Is Kim Sam Soon na pagbibidahan ni Regine Velasquez.

Bukod kina Regine at Sweet, kasama rin sa Kim Sam Soon sina Mark Anthony Fernandez, Wendell Ramos, Tessie Tomas,Maureen Larrazabal, Pauleen Luna, Carmi Martin, Mart Escudero, at JennicaGarcia.

"Answered prayer ito. Prayer ko at ng mga PEPsters. Yung iba nga sa kanila, nanawaganpa sa GMA para lang magkaroon ako ng isa pang show. I'm so thankful tothem," bulalas ni Sweet, na isa sa celebrity bloggers ng PEP.

Kuwento ni Sweet, hindi na siya nakapagsalita nang tawagan siyang executive producer tungkol sa pagkakasama niya sa Kim Sam Soon.

"Last week'yon. Basta ang narinig ko na lang, ‘cast po namin kayo for Kim Sam Soon,'"natatawang lahad niya.

Sa sobrang tuwa niya, hindi na raw naitanong ni Sweet kung anoang role niya sa show. Nalaman na lang niya later na Marcus angmagiging pangalan niya sa Kim Sam Soon. Siya ang mataray na assistantni Mrs. Ruiz to be played byCarmi Martin, ang domineering mother ni Cyrus (Mark Anthony Fernandez).

"Na-watch ko angKorean version ng Kim Sam Soon. Babae ang personal assistant ng nanay ni Cyrusdun. Naisip siguro ng GMA na mas bongga kung bading. Anyway, babaedin naman ako!" biro ng TV host/actor.

Nakaka-excite nga naman ang ginawang twist na ito ng Kapusonetwork sa Kim Sam Soon. Kahit napanood na ang original version, kailanganpa rin daw abangan ang Pinoy version dahil sa mga bagong twist at characters nalalabas.

Last Sunday, April 20, ay nag-story conference na para sa KimSam Soon, pero hindi nakapunta si Sweet dahil live ang Showbiz Central tuwingLinggo.

REUNION WITH THE SONGBIRD. Matatandaang naging sidekick ni Regine si Sweet sa pelikulangKailangan Ko'y Ikaw, ang unangtambalan ng Asia's Songbird at ni Robin Padilla na naging blockbuster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited ako atmagkakasama na naman kami ni Regine," ani Sweet. "Iba din naman ang rapportnamin ni Songbird. Ang maganda nito, medyo kontrabida ako sa buhay niyakaya abangan niyo 'yan."

Inamin din ni Sweet sa PEP na excited na siyang makasama angiba pang cast ng Kim Sam Soon dahil karamihan sa kanila ay first time niyang makakasama. Tanging sina Regine at Tessie Tomas pa lang daw angnakatrabaho ng komedyante; si Regine sa pelikula at si Tessie naman sa stand-upshows.

Sa May 2 ang first taping ni Sweet for the much anticipatedKim Sam Soon. Abangan na lang daw natin ang magiging look niya rito.

BUSY SWEET. Happy rin si Sweet at nakatapos na siya ng tatlong pelikulakahit wala pa sa kalahati ang taon. Siya ang sidekick ni Ai-Ai delas Alassa Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy!,na showing na sa May 14. Natapos na rin niya ang Love Is All That Matters under Regal Entertainment,na tungkol sa buhay ng call center agents. Pangatlo ang cameo appearanceniya sa indie movie na 100, na kalahoksa Cinemalaya.

Nang amin tanungin si Sweet kung ano masasabi niya sa busyschedule niya this year, ito ang sagot niya: "Blessinglahat 'yan. Bawal magreklamo. Mas napapagod ako sa tengga kesa sabusy. Thank you, GMA. Thank you sa movie industry. Thank you Lord!"

Kahit busy si Sweet sa TV at pelikula, hindi naman niyanakakalimutan ang magbigay aliw sa pamamagitan ng live stand-up shows. SaMay 31 ay may show siya sa Music Museum, Sweetilicious, The Universal Sweet 15th Anniversary Show. For inquiries, call Ticket World at 891-9999.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN