Dingdong Dantes not pressured by expectations for "Dyesebel" to surpass "Marimar"

"Wala akong nararamdamang pressure na kailangan namingpantayan ang narating nung Marimar, mahirap kasi ang ganun dahil parang maynagpupuwersa sa aming dapat ganito, dapat ganyan. Pangit magtrabaho kasi 'pagganun. Mas okey yung relaxed at confident naman ako about this project," says Dingdong Dantes.



Ang primetime hunk actor ng Kapuso network na si DingdongDantes ang gaganap bilang Fredo sa pinakabagong telefantasyang Dyesebel, nagagampanan naman ni Marian Rivera. Second team-up nila ito after thephenomenal success of Marimar, kaya siguradong may pressure para mahigitan nilaang natamong tagumpay.

Ayon kay Dingdong, "Ang maging malapit lang sa naabotng Marimar ay malaking karangalan na sa amin, e. Actually, mahirap talagangmag-expect na mahihigitan namin ang nakuhang mataas na ratings nun dahilphenomenal naman talaga ang Marimar. Ibang klase 'yon. But with Dyesebel, Iassure the televiewers na worth watching ito talaga. Ang ganda ng story atmae-explore pa nila ang kagandahan ng dagat ng Palawan.

NO PRESSURE OR OVEREXPOSURE. "Wala akong nararamdamang pressure na kailangan namingpantayan ang narating nung Marimar, mahirap kasi ang ganun dahil parang maynagpupuwersa sa aming dapat ganito, dapat ganyan. Pangit magtrabaho kasi 'pagganun. Mas okey yung relaxed at confident naman ako about this project.

"Malaki ang potensyal ng Dyesebel and with the big supportna ibinibigay sa amin ng GMA, I don't think we will go wrong. We're enjoyingsa set at hangad talaga naming mapaganda ang telefantasyang ito," pahayag ngyoung actor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) duringthe press launch ng Dyesebel last April 21 sa Sofitel Hotel, Roxas Boulevard.

Umaasa rin si Dingdong na tatangkilikin at lalo silangmamahalin ng mga tagahanga nila ni Marian, this time bilang Fredo at Dyesebel.

"Sana po ganun pa rin ang pagsuporta ng mga fans saamin," saad niya. "Honestly, ibang klase ang naramdaman naming pagmamahal nilasa amin bilang Sergio at Marimar. I'm also thankful to GMA dahil binigyan nilaulit ako ng pagkakataong makatrabaho si Marian. Ang sarap ng pakiramdam satiwalang ipinagkakaloob nila sa amin. I just hope I could live up to theirexpectations at hindi ko sila mabibigo."

Hindi rin daw naiisip ni Dingdong na posibleng ma-overexposesila ni Marian at madaling pagsawaan ng tao dahil magkasunod na magkasunod angproyektong kanilang pinagtatambalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't believe in overexposure, actually. Strike whilethe iron is hot, ‘ika nga. Kumbaga, nandun kasi ang clamor ng tao sa amin niMarian, maybe because of Marimar nga. Feeling ko, nabitin namin sila doon kayamagandang follow-up talaga itong Dyesebel for us. This time, ibang side ngpersonality naman namin ang makikita nila. Mas light ito at pambata. They wouldsurely enjoy watching us," pahayag ng guwapong binata.

PROTECTING MARIAN. Since mermaid nga dito si Marian, pa'no naman niyapinuproteksyunan ang dalaga sa set, especially kapag naka-topless na angkapareha?

"Siyempre, ‘pag may mga times na naka-standby akokunwari, before or after the take, siyempre ako ang pinakamalapit sa kanya, akoang tumatakip sa kanya sa lahat ng anggulo. Saka alagang-alaga si Marian saset. We make it a point na protected talaga siya from any harm. Hinding-hindinamin siya pababayaan," lahad ni Dingdong.

Sa tingin ba niya mas nakakakilig ang tambalan nila as Fredoat Dyesebel kumpara kina Sergio at Marimar?

"Sa tingin ko, mas kikiligin sila sa tambalan namindito sa Dyesebel," sagot niya. Mas playful yung mga characters namin dito. Saumpisa pa lang, kumbaga, very light yung mood, yung setting. So ito yung isangside namin as Marian and Dingdong na hindi pa nila nakikita sa Marimar."

FRUITS OF HIS LABOR. After all these years, nagbunga na rin ang kanyangpagsisikap, isa na siya sa hot properties ng Kapuso network.

"Kasi naniniwala ako sa patience, e, patience andwaiting for the right project. Sa akin naman, kahit gaano ka katanda, kahit anomangyari sa 'yo in the past, kung baguhan ka man but given the right project,many things can happen. Maraming puwedeng mangyari, and sa akin, yungpaghihintay, yung mga nangyari, lahat yun learning experience yun, e. Kumbagasa ipinundar na taon, na experience, kumpara sa mga baguhan, marami akongnaipundar kahit papaano. Also, nagkataon ding dumating yung magagandangopportunity sa akin ngayon.

"Ang mahirap sa part ko ngayon, yung kailangan kongi-sustain ang lahat ng ito. Naniniwala akong hindi naman kami forever na nasaitaas. I mean, nasa tao talaga paano pangangalagaan ang kanyang career. Dapattalagang matutong mahalin ang propesyong ito," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan din namin si Dingdong ng reaction tungkol sa mahigpitna competition nila ngayon ni Richard Gutierrez.

"I really don't want to comment on that," pag-iwasniya. "Wala naman kasing friction sa amin ni Richard. Never ding nagkaroon ngcompetition between us. Inaalagaan naman kami pare-pareho ng GMA kaya nothingto worry."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN