FIRST READ ON PEP: Heart Evangelista "very happy" to be a Kapuso

Apr 23, 2008
"I'm very happy dahil alam kong happy ang parents ko sa desisyon nila para sa akin. For me, it's just like going home. Since umuwi na ulit ako sa parents ko, it's high time na sila naman ang sundin ko ngayon," says Heart Evangelista about her parents' decision to transfer her to GMA-7.

"Yes, I'm very happy," ang sagot ni Heart Evangelista nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung masaya ba siya sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Network. Naganap ang contract signing kaninang hapon, April 23, sa board room ng 16th floor ng GMA Network Center.

"I'm excited, it's something new. Para siyang bagong school, kumbaga, a different university. So kinakabahan, but I know that everything is plantsado. And I'm very challenged with what they have for me.

"I'm very happy dahil alam kong happy ang parents ko sa desisyon nila para sa akin. For me, it's just like going home. Since umuwi na ulit ako sa parents ko, it's high time na sila naman ang sundin ko ngayon. Gusto ko ring mapalitan ‘yong three years na humiwalay na ako sa kanila, gusto kong mag-make up for lost time."

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan si Heart at ang kanya mga magulang na sina Mr. Reynaldo Ongpauco at Mrs. Cecilia "Baby" Ongpauco na nagsimula sa pakikipagrelasyon ng young actress kay Jericho Rosales.

Continue reading below ↓

KAPAMILYA TO KAPUSO. Ipinaliwanag ni Heart kung paano siya napapayag na lumipat sa GMA-7 mula sa kanyang original home network na ABS-CBN.

"Hindi ko naman itinatanggi na lagi namang may good offer sa akin ang ABS-CBN," simula niya. "Pero nang sabihin ni Dad na siya naman ang magde-decide for me now, hindi ako tumanggi. Ever since naman, si Mommy ang manager ko for Star Magic. Ang daddy ko lang ang nagde-decide kung ano ang mga projects na gagawin ko.

"Nang mag-decide akong bumalik sa parents ko, hiningi na rin ni Mommy kay Tita Angeli [Pangilinan-Valenciano of Genesis Entertainment] na siya na ulit ang magma-manage sa akin at pumayag naman siya. But now, it's my dad na ang nakikipag-usap sa GMA Network with Tita Annabelle [Rama] as his co-manager. Mas mabuti na rin daw ‘yong may alam sa pasikut-sikot dito sa GMA Network ang co-manager niya. I know I'm in good hands kay Tita Annabelle."

Continue reading below ↓

Nagpaalam ba si Heart sa ABS-CBN, kay Angeli Pangilinan, at kay Jericho?

"Yes," sagot ng young actress. "Last night, pagkatapos nilang [her parents] mag-final decision, tinawagan ko na si Mr. M [Johnny Manahan, head ng Star Magic] at si Tita Angeli para magpaalam at magpasalamat. Tita Angeli is happy sa decision ng parents ko, but she will be still there to guide me spiritually.

"I want to surprise sana Echo, pero sinabi ko na rin sa kanya noon na may offer sa akin ang GMA Network. Nag-usap kami kagabi habang nagte-taping siya sa Malaysia, and he's happy for me. He's happy raw where I'm happy," lahad ni Heart.

HEART & ECHO. During the presscon after the contract signing, tinanong ng press ang ama ni Heart kung ano na ang status ng relasyon ni Heart kay Echo.

"Personal na ‘yan, ah!" nakangiting wika ni Mr. Ongpauco. "Wala na sa akin ang desisyon, na kay Heart na ‘yon. May hangganan din naman ang pagdedesisyon ng magulang pagdating sa problema sa puso. Kahit ba ayaw namin pero gusto naman niya, wala na kaming magagawa. Nasa right age na si Heart at alam na niya ang tama at mali. Puwede mo lang i-impose ‘yan sa mga bata, yung nasa minor age pa, pero hindi na kay Heart."

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP si Heart tungkol sa balitang nag-break na sila ni Echo bago pa ito pumunta sa Malaysia.

"No, it's not true, kami pa rin ni Echo," paglilinaw niya. "Ako pa nga naghatid sa kanya sa airport when he left for Malaysia. Yun, hiwalay talaga kami kasi nasa Malaysia si Echo at nandito naman ako sa Pilipinas.

"In fact, may balak sana akong dalawin siya sa taping niya doon, pero I will be busy now. Kaya I'll just wait for him pagkatapos niya ng trabaho doon. Tuluy-tuloy naman ang communication namin every day."

Bagama't lumipat na si Heart sa GMA-7, mananatili naman si Jericho sa ABS-CBN. Balitang pagkatapos ng ginagawang soap opera ng young actor sa Malaysia ay ibabalik ang tambalan nila ni Kristine Hermosa sa isang primetime drama series.

PROJECTS FOR HEART. Hindi ba nagugulat si Heart sa bilis ng pangyayari? Sa Sunday, April 27, kasi ay iwi-welcome na siya sa SOP bilang isa sa mainstays ng Sunday musical variety show. Sa May 5 naman ay magsisimula na siyang mag-taping ng first primetime series niya sa GMA-7, ang Asero (tentative tile) na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓

"Marami ang nagsasabi sa akin dati pa na dapat magtrabaho kami pero parang we come from two different world, so imposible. So it's very exciting na makakatrabaho ko siya," pahayag ni Heart sa GMA News.

"Hindi naman po," sagot ni Heart. "Nami-miss ko na ring mag-work. Ang last ko pang teleserye sa ABS-CBN, ang Pangarap na Bituin where I did a cameo role."

Ngayong nasa GMA Network na siya, bukod kay Richard, sino pa ang gusto niyang makatambal sa hanay ng Kapuso male stars?

"Any one will do. I just want to work. Sa akin, bonus na lang kung sino ang ibibigay nilang leading man sa akin," nakangiting sagot ni Heart.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm very happy dahil alam kong happy ang parents ko sa desisyon nila para sa akin. For me, it's just like going home. Since umuwi na ulit ako sa parents ko, it's high time na sila naman ang sundin ko ngayon," says Heart Evangelista about her parents' decision to transfer her to GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results