Pokwang puts love life on hold while supporting her child's education

"Mas hinahanap ko kung saan may trabaho para maypang-tuition ako sa anak ko at may pambayad ako sa bahay," replies Pokwangwhen asked if she's looking for a man to love her.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sakomedyanang si Pokwang kahapon, April 23, sa presscon ng sitcom na That's MyDoc ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Aga Mulach, nilinaw niya na walangkatotohanan ang nasulat na diumano'y nagsimula siya noon bilang dancer sa gameshow na Go Bingo na muling binalik sa ere ng GMA-7, still hosted byArnell Ignacio.

Sabi ni Pokwang, "Muntik na akong maging dancer doonpero hindi natuloy kasi dumating yung visa ko na papuntang Abu Dhabi." Nakatrabahona raw ni Pokwang si Arnell, pero hindi sa Gobingo kundi sa isang comedybar.

"Si Kuya Arnell, nakatrabaho ko na. Ah, galing din siyasa Music Box kung saan din ako galing before. Hindi ko pa po talaga siyanakakatrabaho sa Gobingo," sambit pa niya.

Masasabi ba niya na blessing in disguise na hindi siyanaging dancer sa game show ni Arnel dahil isa na siyang sikat na komedyanangayon?

"Siguro po yun ang destinasyon ko sa buhay talaga.Kahit anong gawin nating iwas, ‘di ba? Kahit halimbawang ayaw mong magingpulis, kung magiging pulis ka, magiging pulis ka talaga."

ARID LOVE LIFE. Hataw man sa kanyang career si Pokwangay hindi naman siya masuwerte sa kanyang love life.

"Tuyot ang love life ko ngayon, kasing-tuyot ko,"sabi niya sabay tawa.

Bakit tuyot? Break na ba sila ni Paul Tieken, ang foreignerna nakilala niya last year nang magkaroon sila ng Canada tour ni Piolo Pascual?

"Hindi naman naging kami. Hanggang text-an lang kami.Sa London na siya nakadestino ngayon."

Pero may nangyari na ba sa kanila ni Paul?

"Wala! Wish ko lang! Wish ko, Lord!" sabay tawa niPokwang.

May nanliligaw ba sa kanya ngayon?

"Wala nga, e," sagot ng komedyana.

Hindi niya ba hinahanap ang pagmamahal ng isang lalaki?

"Hindi! Mas hinahanap ko kung saan may trabaho para maypang-tuition ako sa anak ko at may pambayad ako sa bahay," diretsang sagotniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO "RETOKE." May mga nagsasabi na nagparetoke rawsi Pokwang kaya gumanda siya ngayon. Ano ba ang ipinabago ni Pokwang sa kanyangkatawan?

"Hay, naku. Gumaganda lang talaga ako dahil nakakain kona yung mga gusto ko. ‘Chos!" tawa na naman niya.

"Wala pa akong pinaretoke sa katawan ko. Kung meronnaman, sasabihin ko ng bonggang-bongga ‘yan. Ayokong magparetoke kasi takot ako."

PATIENCE AND HARD WORK. Marami na rin namang nagawang pelikulasi Pokwang. Pero pawang second lead lang siya, to think na sikat na rin namansiya ngayon. Hindi ba nalulungkot si Pokwang na hindi pa rin siya nabibigyan ngpelikula na masasabing siya ang talagang bida?

"Hindi naman ako nagmamadali. Nakikita naman ngmanagement yun. Hintayin na lang natin kung kelan nila ako lilingunin.

"Pero kuntento na naman ako sa career ko. At leastmarami akong trabaho, hindi ako nawawalan," aniya pa.

Aware ba siya na may mga taong pumipigil para sumikat pasiya nang husto?

"Alam ko yun, nararamdaman ko. Pero hindi na lang akokumikibo. Ipagdasal na lang natin sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN